Kaka-labas ko lang ng ospital. Tapos na ako tignan ng doctor ang mga sugat ko at nilagyan na ng Nagsisi ako kung bakit pinagamot ko pa ang sugat ko, kaya ko naman lagyan ng betadine at linisin ng safeguard. Tangina nawala lang ang 500 ko ng ganon-ganon. Ibinigay sakin agad ang printed medical certificate. Nakalista doon lahat ng galos ko sa gilid ng labi, sa pisngi na may gasgas dahil sa punyetang singsing at sa braso ko na may malaking pasa dahil sa higpit ng pagkakawak ng demonyong iyon.
Pagkasarang-pagkasara ko ng pintuan ng kwarto ko napaupo agad ako sa sahig, naka sandal ako sa pintuan. Bumuhos na ang mga luha na kanina ko pa pinigilan, ngayon lang lumabas at para ng gripo sa sobramg dami.
"Tangina! ang sakit sakit!" -bulong ko sa sarili ko. Gusto ko ilabas lahat ng bigat na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagiyak. Yung sakit na nararamdaman ko ay hindi pisikal, hindi yung sakit na nang-gagaling sa mga sugat at pasa ko. Mas lamang yung sakit sa loob, yung sa dibdib ko mismo. Sa totoo lang kanina habang binabastos ako ng boss ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko, nanlalambot na ang tuhod ko at natatakot na ako sa pwede niyang gawin sakin nung mga oras na yun pero hindi ko lang pinakita sa kanya ang takot at kaba ko mas pinili kong lakasan ang loob ko at pilit na umisip ng paraan para hindi niya magawa ang masama niyang balak.
Yakap ko ang tuhod ko habang iniiyak ang lahat. Hindi ako umiyak kanina at hindi ko pinaramdam sa ibang tao na mahina ako, gusto ko ipakita sa kanila, sa lahat ng tao na hindi ako yung babae na kakayankayanan lang.
Tumayo na ako, hindi ito ang oras para magpadala ako sa emosyon ko. Kailangan ko maging matatag, lalaban ako, pagbabayaran noong lalaking yon ang ginawa niya sakin. Hindi ako pwedeng umiyak lang dito at tanggapin na talo ako o mahina ako, hindi ko kailanman tatangapin. May magagawa pa ako para sa sarili ko.
Pinunasan ko ang luha ko, naglakad ako papuntang CR maghihilamos ako at maghuhugas ng katawan, tatanggalin ko ang lahat ng maduduming hawak nung lalaking yun sakin. Nang matapos na akong mag half bath, humiga na ako sa kama para makatulog na ako para may lakas ako para bukas, dahil alam kong mahaba-haba ang araw ko bukas.
Pinikit ko ang mata ko, pinilit na hindi ko maisip ang nangyari kanina sa trabaho ko at dahil sa pagod ay agad akong nakatulog. Nagising ako ng 6am ng umaga. Tumayo na ako para makapag asikaso.
Maaga akong nakadating sa school kaya dumeretso muna ako sa may bench sa may malaking puno at umupo. Gusto ko makapag-pahangin at makapag-isip isip na rin dahil hindi naging madali para sa akin ang nangyari kahapon, naninikip ang dibdib ko lalo na nang mapag-tanto ko na may mga tao talagang masama na kayang gumawa ng hindi dapat o hindi maganda sa ibang tao at pang-aabuso na rin kung matatawag ang ginawa sakin kahapon at iyon ang unang beses na nakaranas ako ng ganon kaya hindi ko alam kung paano ko iyon uunawain, wala akong makuhang dahilan kung bakit ginawa sa akin iyon. Nag-tatrabaho lang naman ako at walang nakaka-alam na kahit na sino sa office o sa school na ganito ang sitwasyon ko sa araw-araw.
Napapikit ako dahil sa mapangahas na luha na lumandas sa pisngi ko. Pag-dilat ko ay nakita ko ang panyo na inaabot ng isang lalaki sakin. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Richi. Kumunot agad ang noo ko at iniiwas ang tingin.
"Isipin mo na peace offering ko itong panyo." - malamig na sabi ni Richi. Dahan-dahan kong kinuha ang panyo sa kamay niya at ipinunas sa luha ko.
Tahimik na umupo siya sa tabi ko, wala akong lakas para makipag-sagutan pa sa kanya kaya hinayaan ko na lamang siya. Nabalot kami ng katahimikan.
"Sorry sa ginawa ko kahapon, hindi ko intensiyon na saktan ka. Sorry Yna.." -seryosong sabi niya matapos nang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tumingin siya sakin, pero ako hindi ko magawang tignan siya ayaw kong makita niya ang kahinaan ko ngayong araw at ayaw kong kaawaan niya ako.
BINABASA MO ANG
Left Unsaid
RomanceA goal oriented woman who forgets to fall in-love and found herself alone after how many years of being a study-aholic and work-aholic person. Will she become desperate to have her own family or she'll be contented with money and success? She also...