CHAPTER 10: Encounter

10 2 0
                                    

Ilang buwan na ang nakalipas. Nakasanayan ko na ang gumising ng alas-kwatro ng umaga para aralin ang lesson at para magasikaso para sa almusal at ang babaunin ko sa school. Sinubukan ko magbaon na kasama ang hapunan ko pero hindi umaabot sa hapunan dahil napapanis kaya hindi ko na ginawa ulit dahil nasayang lang.

"Good morning!" -bati ni Richi pagkaupo ko. Magkaklase kami ni Richi ngayon at tuwing magkaklase kami ay lagi niya pinipiling umupo katabi ng upuan ko.

"Morning." -walang ganang sagot ko.

"Ito oh, art materials alam ko nakalimutan mo na naman mandala." -sabi niya aakin sabay about ng art materials na kailangan sa subject na ito.

"Salamat. Magdadala na talaga ako sa susunod." -sabi ko.

Art appreciation ang subject namin ngayon pero lagi kong nakakalimutan mandala ng materials. Wala kasi akong oras bumili dahil kada tapos ng klase sa umaga ay biyahe na ako papuntang trabaho.

"okay lang, extra ko naman yan eh gusto mo sa iyo na lang." -sabi niya.

"hindi na." -sabi ko.

"Okay lang talaga, Yna. Sige na." -pagpupumilit niya.

Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ng coat ko at naglabas ng isang daan para 16 colors oil pastel at sketch pad. Bagong bago pa kaya kailangan ko talagang bayaran.

"Bayad ko para dito." -sabi ko sabay kuha ng kamay niya at nilagay sa ibabaw ng palad niya yung 100 pesos.

Agad niya naman niyang inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko na para bang napaso.

"Sakto na ba yung 100 pesos para dito?" -tanong ko. Baka kasi kulang pala yung 100. Sana naman hindi.

"O-o-okay na. Sakto lang, sobra pa nga ata 'to eh." -nauutal na sagot niya.

"Sigurado ka?" -tanong ko pa kahit 200 lang naman talaga pera ko kapag nagpadagdag pa siya baka tatlong araw ako maglakad papuntang trabaho ko.

"S-salamat." -utal padin sagot niya. Tatanungin ko pa sana siya kung ayos lang siya o ayos lang ba takaga yung binayad ko o kulang pero dumating na ang professor namin.

Nagpa drawing lang ng abstract drawing buong period niya kaya ng natapos isa isa namin pinacheck at pinalabas na din kami agad.

"Ilan grade nakuha mo?"-tanong ni Richi.

"94." -maikling sagot ko.

Tuwing magtatanong siya na kaya ko naman sagutin, sinasagot ko na. Dahil kung hindi ay kukulitin niya lang ako at di titigilan hanggang di ko sinasabi.

"Ako, 96. Mas mataas ako ng dalawa sayo." -masayang sabi niya. Ano naman?

"Pero aminado ako na mas mabanda sayo, lalo na mga blend ng kulay. Ginagaya ko nga ,ingredients paano mo i-blend yung kulay kasi naangasan ako eh. Ang astig mo!" -parang batang nabkukwento na may star siyang nakuha sa kinder teacher niya na itinatak sa kamay.

Hindi na ako sumagot at patuloy lang naglakad sa hallway. Ito lang ang klase ko ngayong araw dahil nagsabi ang prof namin sana mamaya na hindi siya makaka attend sa klase ngayon pero nagiwan siya ng ipapagawa kaya pupunta ako ng library para gawin iyon.

Natapos ko. Namin pala ni Richi, nakisabay saya sa akin na gumawa.

"Gutom na ako. Tara!" -sabi niya nang makalabas kami ng library.

Naglakad na lang ako papuntang canteen. May dala naman akong baon kaya hindi na ako gagastos pa.

Umupo ako sa pinaka malapit na upuan at inilapag ang mga library sa table. Umupo din si Richi, sa tapat ko. Iyon naman lagi ang pwesto niya. Lagi.

Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon