Bumalik ako ng school namin para lang ihatid ang basketball shoes ni Richi. Dumeretso na ako ng court para hanapin si Richi.
"Oh Yna, nandito ka hinahanap mo ba boyfriend mo?"- mapanuksong sabi ng kasama niyang basketball player.
"Yna!" -magsasalita na sana ako pero hindi ko na natuloy dahil narinig ko na tinawag ako ni Richi.
"Ayan na pala eh, pre sweet naman ng girlfriend mo." -patuloy na pangaasar ng kateam ni Richi.
"Sana all" -sabat pa ng isa niyang kateam na umakbay pa sa naunang nang-aasar sa amin dalawa.
"Ahh hin---" -naputol ang pagsasalita ko ng magsalita si Richi.
"Halika na Yna, magsstart na 'yung game. Sige pre, dito na kami." -sabi ni Richi at nagpaalam na sa isa't-isa.
Naglakad na kami sa hallway at nakarating sa classroom namin na walang tao dahil tapos na ang klase para sa araw na ito.
Nilapag ko sa armchair 'yung paper bag na may laman na sapatos niya sabay lakad paalis.
"Sandali" -sabi niya, sabay hawak sa kamay ko jaya napatigil ako sa paglalakad.
Masama ang tingin ko siyang nilingon.
"Salamat hehe" -Awkard niyang sabi. Tumango ako, at akmang maglalakad na pero hindi pa din bumibitaw ang kamay niya na nakahawak sa pala pulsuhan ko.
"Hindi ka manonood ng laro?" -tanong niya sakin, lumingon ulit ako sa kanya. Pinipigilan ang sarili na magpakita ng inis sa mukha, dahil anak siya ng boss ko.
"May trabaho pa ako." -maikling sabi ko.
"Ipinaalam na kita kay mommy, sinabi ko na manood ka. Pumayag naman siya." -dagdag niya.
"Sinasahudan ako ng mommy mo para may gawin na trabaho kaya pasensiya ka na, babalik din ako ng shop." -marrin ko na tanggi ko sa kanya. Ano naman ba itong ginagawa niya, sa mommy niya ako nag-tatrabaho at hindi sa kanya.
Malalim na buntong hininga at bumitaw siya sa kamay ko.
"Aalis na ako." -sabi ko at naglakad palabas.
Bumalik ako ng shop para asikasuhin ang mga ipinapagawa sa akin. Nag-lista ako ng sales for the week and entire month for drafting para maipakita ko na kay ma'am.
Naging productive naman ang araw na ito at hindi ko na namalayan na seven o'clock na pala, isa-isa na nag-paalam ang mga staff at sinabi ko na ako na lang magsasara ng store dahil babalik pa ako bukas ng umaga para asikasuhin bagong delivery ng clothes and dresses.
"Yna!"- panggugulat ni Richi sakin, sinungitan ko lang siya at hindi pinsin, ipiinagpatuloy ko na laman ang pagliligpit dito sa counter. Itong kumag na ito imbes umuwi ay pumunta pa dito para lang mang-asar, ano na naman pakay niya sa akin.
"Huy Yna, alam mo ba panalo kami sa game, sayang di ka nanood di mo tuloy nakita yung pagiging magaling k---" -pinutol ko ang pagkwento niya.
"May kailangan ka ba sakin?" - mahinahon ko na tanong sa kanya.
"Wala naman hehe, susunduin lang sana kita at isasabay na kasi same way lang naman." -sabi niya sa akin na parang awkward.
"Hindi naman same ang way natin pauwi ng bahay niyo at pauwi sa pinagsstayan ko." - mahinahon kong sagot sa kanya at sabay hinga dahil sa wakas tapos na din ang pagliligpit ko sa counter. Next ko na naman gagawin ay siguraduhin na natanggal sa saksak ang lahat ng outlets.
BINABASA MO ANG
Left Unsaid
RomanceA goal oriented woman who forgets to fall in-love and found herself alone after how many years of being a study-aholic and work-aholic person. Will she become desperate to have her own family or she'll be contented with money and success? She also...