Chapter 11
Like
Hingal na hingal ako habang mabilis ang pagpapatakbo ni Maeve. Huminto siya sa tapat ng isang simbahan at hinarap ako.
"That was thrilling!" malakas niyang sabi at saka tumawa.
Hindi ko na napigilan ang ngiti ko habang patuloy na kinakalma ang sarili.
"I thought I am going to get caught." Mahina kong sabi. "I'll never do this again."
"Dapat lang!" dugtong niya agad at madami pang madadamdaming salita ang binanggit.
Dahan dahan ko namang kinuha ang flashdrive sa aking bulsa at tinaas iyon sa kaniya. Ngiting tagumpay naman ang loka.
"I don't know what's in this. I hope this is enough." Mabagal ko padin na sabi habang hinihingal.
"If that doesn't have anything. Let's just run away! Huwag ka nang magpakita sa pamilya mo at tutulungan nalang kita!" naiinis na niyang sabi ngayon. Dahan dahan naman akong tumango.
I don't know if I can survive that life, but I can try. Though in my mind, I hope this information is enough.
Nagdrive si Maeve hanggang capital ng Pampanga. Fast foods nalang ang bukas kaya naisipan namin na kumain doon. Nakapagpalit na ako nang damit ko kanina kaya mabilis kaming bumaba ng sasakyan at pumasok doon. Walang ganong tao kaya mabilis lang kaming naka order.
"Grabe, nagutom ako." Sabi ko habang hawak ang isang chicken.
Inirapan naman ako ni Maeve. "Hindi ko talaga alam paano napunta sa action ang life natin Aisa." She sarcastically said and I can't help but laugh.
"What? Action?" natatawa ko pang ulit.
"Romance ang gusto ko sa buhay pero bakit puro action ang binibigay sa akin?" madrama niyang sabi saka kumagat sa chicken niya. "I can't live this life anymore!" dagdag niya pa na parang nag d'dialogue sa isang movie.
Napailing nalang ako. "You love someone whose life is full of action. Anong I can't live this life ka diyan?" nangiinis kong sabi.
Agad naman niya akong sinamaan ng tingin at sinipa ang paa sa ilalim.
"Ew! Who loves who? Gutom ka nga Aisa!"
Natawa ako sa sagot niya kaya lalo ko siyang ininis.
"What's with your love-hate relationship? Ayusin mo na yan."
"What? Love-hate?" she groans. "Only hate Aisa! Tigilan mo nga ako? Bakit ako ang trip mo? What about Damian?" naiinis na niyang sabi. Kawawa naman iyong chicken na inosente.
"What about him? We're friends." I shrugged at that. Ni hindi ako nautal o ano.
Tiningnan naman niya ako na parang hindi naniniwala. Her eyes narrowed while she's chewing her foods. Hindi naman ako nagsisinungaling. I admit, I have a crush on him but we're really just friends.
"Well, that's okay. Mas mainam iyon kasi aalis ka din naman. Kawawa iyong tao pag nafall sa'yo tapos iiwan mo." Seryoso niyang sabi habang kumakain.
Natigilan naman ako at napaisip. That's why we're better off just friends. Hindi naman ako magtatagal dito. Kapag naayos iyong kay Daddy, kailangan kong bumalik ng Germany. It's where I worked and live. The reason I gave them is not true.
I am not here on vacation and I don't intend to work in Manila. I lied even to Damian because I don't want him to know who I am. Kung bakit iniisip ko ngayon kung maiintindihan niya ako sa pagsisinungaling ko ay hindi ko alam. Dapat wala akong pakialam.
BINABASA MO ANG
Guns and Kisses (Macimilian Series #1)
RomanceMacimilian Series #1 Eleocaisa Oliva Macimilian is one of the heiresses of one of the known pharmaceutical companies in the world. She's always thankful for the things she has, even though it's hard to live with them. Nang malaman na may madilim na...