Chapter 28
Deserve
Hindi na ako kumibo sa buong byahe namin pabalik. Kahit pagdating sa bahay ay wala akong sinabi sa kaniya at dumiretso lang papasok. I heard him sighed but I didn't look back. Wala na akong lakas para gawin pa iyon.
The first thing I did when I am already in my room was to make a call. Alam kong gabi na pero kailangan ko talaga siyang tawagan. I dialed my secretary's number and called her. Hindi siya pumunta kanina kaya siguro ay tulog na ito.
"Hello Miss..." she greeted, I think nagising ko talaga.
I sighed and sat on the edge of my bed.
"I won't come to work for tomorrow. I hope you can arrange my work so I can deal with it easily for the next day?" marahan ang pagkakasabi ko.
Ayaw ko naman siyang pahirapan masyado, but I don't think I can come to work tomorrow. I need to rest.
"No problem po." Agad niyang sagot kaya nakahinga ako nang maluwag.
Naligo ako pagkatapos nang tawag. Nang makahiga sa kama kahit inaantok na ay patuloy na nag gala ang isip ko. It went back to Damian's words over and over again. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniya.
Hindi naman siya uminom kaya hindi ko masasabing lasing lang siya. But I don't want to hope on this again. Malabo ang sinasabi niya sa akin. Sa lahat nang nangyari noon, isiniksik ko sa utak ko na ginawa niya lang lahat nang iyon dahil sa trabaho.
Hindi na siya sumubok sa akin matapos ang huling mensahe ko. Siguro dahil napagtanto niya na trabaho nga lang iyon at hindi na niya kailangan pang mag effort na habulin ako. O, kung talagang gusto niya ako ay sa huli, makakalimot din siya. Isang taon din mahigit nag lumipas at sapat na siguro iyon para makalimot siya.
Hindi naman siya nagseseryoso gaya nang sabi nang kapatid niya.
Nakatulog ako nang ganoon ang iniisip. Late nga ako nagising kinaumagahan, halos magtanghali na iyon. I did my morning routine before I went downstairs. Naabutan ko si Mommy doon at agad akong naupo sa dining.
"I expected you won't come to work. Pinauwi ko muna iyong bodyguard mo. Naghihintay diyan kanina."
She said while looking at me. Hindi ko naman pinahalata na naapektuhan ako sa simpleng banggit niya doon. Marahan akong tumango bago bumaling sa kaniya.
"I'll stay for today. Thank you for telling him."
Napansin ko pa ang pananantya ni Mommy sa akin at hindi ko alam kung bakit. I can feel my heavy heart while eating. Siguro sa dami nang iniisip ko. Nang matapo ang lunch ay pumanhik din agad ako sa kwarto.
Nagsabi si Mommy sa akin na aalis siya ngayon at pupuntahan ang mga kaibigan. I checked my phone thinking of my secretary. Hindi naman iyon ang nakita kong text doon.
Damian:
You won't come to work?
Napahinga ako nang malalim doon. Saglit akong natigilan at binasa pa ang ilan niyang texts.
Damian:
Your Mom told me you won't.
Damian:
Text me if you're going out.
Napapikit na ako sa huli niyang text. Hindi ko iyon gagawin 'no.
Ako:
Okay.
I took a bath after replying. Hindi ko na hinintay kung magrereply pa siya. Isa pa, wala naman na siyang marereply doon? Gusto ko sanang hintayin pero mag mumukha lang akong tanga doon. Bakit ko hihintayin ang reply niya?
BINABASA MO ANG
Guns and Kisses (Macimilian Series #1)
RomanceMacimilian Series #1 Eleocaisa Oliva Macimilian is one of the heiresses of one of the known pharmaceutical companies in the world. She's always thankful for the things she has, even though it's hard to live with them. Nang malaman na may madilim na...