Chapter 24 Resign

1.1K 28 2
                                    

Chapter 24

Resign

Sampung minuto bago ang meeting ay pinaalalahanan na ako ni Gia. Inayos ko naman ang papeles sa harap ko bago dumiretso sa baba sa board room. Ang dami pa talagang kalat ngayon. Dinadagdagan kasi ang floor nitong building dahil mas maliit ito kumpara sa Germany.

This is one of our buildings but smaller compared to main that's why we need to expand. Nang makalabas sa elevator ay dumiretso na ako sa board room. Halos representative lang ng board members ang nandito dahil karamihan sa board namin ay German. Iyong mga Filipino naman ay kumpleto.

Naupo ako sa tabi noong chief of finance. Ngumiti ito sa akin at ibinalik ko iyon. Babae ito na tingin ko ay nasa early forties pero hindi naman halata sa itsura dahil mapagayos.

Nakita kong nag s'set up na iyong mag p'present na firm para sa kanilang presentation. Tiningnan ko naman ang folder na nasa harap at binasa iyon. Nandoon ang mga designs pati ang gamit na gagamitin. They are presenting high-quality products and, in all honesty, it's expensive.

Pinaliwanag naman sa amin iyon at nagbigay din sila nang mas mababa doon. Their reason is good though. Hindi naman panandalian ang gagawing mga bagong laboeratories kaya hindi dapat tipirin. Hindi rin bahay na madaling irenovate kung may sira dahil mapuputol ang production doon kung sakali.

The boards and other officers are looking convince, ako din naman. Sa huli ay nagdiskusyon at pagbobotohan ang design na nais. Hindi naman lahat sumang ayon sa mahal dahil baka nga mabigla ang kompanya at magkaproblema sa finance, at maapektuhan ito. Lalo na ngayon na malaki ang inilabas na pera sa paglilipat palang ng main.

"What do you think Ms. Macimilian?" tanong nang isa sa mga board.

Hindi ako handa pero ngumiti naman ako at sumagot. Nabaling ang tingin nang lahat sa akin kaya kinabahan ako nang kaunti lalo pa at bago ako sa posisyon na ito. I saw my brother smirked at kung wala ako sa sitwasyon na ito babatukan ko siya.

"I like the expensive one. More promising and just like they've said, mas tatagal. We don't expect our company to run short so I guess it's fine if we proceed with that."

Napatango sila, iniisip pa ang sinabi ko. Nakatingin din sa akin ang chief of finance kaya ngumiti ako ng hindi sigurado.

"I agree with her." She talks, "Though we don't expect that their less expensive structure is not reliable but it's still an asset so worth investing. Isa pa, pinakamahal lang naman iyan sa prenesent nila at hindi naman talaga siya sobrang mahal."

Natapos ang meeting at iyon ang nanalo. Tumagal din nang isa't kalahating oras ang meeting kaya thirty minutes nalang ay lunch time na. Inisip ko kung bababa ba ako dahil sa dami nang trabaho o magpapadala nalang ako ng pagkain dito.

Sa dami nang ginagawa ay nakaligtaan ko na iyong oras. Napatingin lang ako sa relo nang may magtext sa akin. Halos nabitawan ko pa nang makita kung sino iyon.

Damian:

You won't eat lunch?

Matagal akong napatitig doon. He didn't change his number nor did I. I scroll down slowly and saw our messages last time. Nandoon pa iyon at hindi ko tinanggal, wala akong binura kahit na iyong number niya dahil mag mumukha akong bitter hindi ba?

Pero kahit kailan ay hindi ko binuksan ito. Pagkatapos nang huli kong mensahe ay hindi ko na muling binuksan ang conversation namin. Muli kong pinagmasdan ang last text ko. I bit my lip and stopped myself from remembering it.

Sa huli ay nagpasya akong magpadala nalang ng pagkain at ignorahin ang text niya. Why is he asking me anyway? Do bodyguards do that?

Hindi ko naman naubos iyong pagkain ko kahit wala pa akong kinain buhat noong breakfast. Marahil ay nalipasan na ako. Nakadalo ako sa meeting noong hapon at maayos din namang natapos iyon. Nang pumatak ang alas cinco ay nagayos na ako para makauwi.

Guns and Kisses (Macimilian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon