Chapter 2
Debt
I think it just take five minutes or more bago ko natanaw ang CSI City Mall. Ang bilis lang noon pero feeling ko ay ang tagal na. Nang makapagpark kami ay napabuga ako ng hininga. Nagpark siya so, sasamahan niya ako sa loob?
Ayos lang naman ako mag isa.
"Hindi ba may bibilihin ka sa plaza? Ayos na ako dito," sabi ko sa kaniya nang makapasok kami sa loob.
Hindi naman siya lumingon sa akin. Napansin ko lang na pinagtitinginan siya dito kahit plain white shirt at khaki shorts lang ang soot niya. I suddenly remember my Kuya. He also gets the same attention when we go out. Just thinking about that makes me sad. Galit iyon sa akin panigurado.
"Dito ako may bibilhin," he answered while walking.
So, magkasama kami hanggang mamaya? Sabay din kaming babalik? Hindi naman sa ayaw ko dahil may sasakyan naman siya at less hassle pero parang ganoon na nga. Ayaw ko. Hindi naman kasi kami close? Nakakailang iyon.
Naglakad siya patungong escalator kaya ganoon na din ang ginawa ko. Nang makarating sa taas ay puno iyon ng phone stores and accessories. Maliit lang itong mall kaya I guess madali lang maghanap.
"Go get what you need," he said as we enter a store. Saglit ko naman siyang tinginan. Napaka seryoso!
Agad naman akong nilapitan noong sales lady kaya tinanong ko na iyong hinahanap ko. And dami pa nga niyang sinabi pero oo lang ako ng oo. Basta prepaid wifi iyong ibigay niya okay na!
I looked at Damian and found him staring at me. Muntik pa kong mapalunok buti nalang hindi. I raised my eyebrow, "I'll just pay." Sabi ko nalang dahil baka naiinip na siya.
Nagulat naman ako ng lumapit siya sa akin sa counter. As I was about to give my card, naunahan na niya ako. I looked at him unsure, "I'll pay..."
Kung kaibigan ko 'to ay hindi na ako magpapakipot at pagbabayarin ko talaga siya. Kaya lang we're strangers? Baka kung ano pang kapalit gusto nito? That's a no-no!
Tiningan ko siya ng masama pero hindi naman siya natinag. Nakita ko namang nalilito yung sales lady kung kaninong card ang kukunin. I looked away annoyingly. "Ako mag babayad miss..." sabi ko ulit pero nagulat ako ng kinuha nitong kasama ko yung card ko.
"Next time." He said at agad naming kumilos iyong babae. Buti nalang yung gamit kong pangalan ang nakalagay sa card. Kung hindi wala pa man bisto na ako.
Hindi ko na siya pinansin dahil wala naman na akong magagawa.
Tsaka, next time? Wala nang next time!
Kinuha ko na iyong binili ko at siya naman ay naunang lumabas. Feeling ko tuloy ang dami ko nang utang sa kaniya. Sumabay na nga ako papunta dito tapos siya pa nagbayad ng binili ko. Hindi na talaga ako uulit kahit kalian.
Ewan ko ba naman kasi kay Manang Tessie at mukhang close sila nito eh mukha namang nangangain.
"Thank you," mahina kong sabi habang nakasunod sa kaniya at naglalakad.
Saglit naman niya kong tiningnan, tinaasan ko naman siya ng kilay. Iniwas naman niya ang tingin pero Nakita ko parin ang pag ngisi niya. Parang tanga. Hindi na ako magsasalita kasi baka kung saan na naman mapunta.
"Ano bang bibilhin mo?" Tanong ko nang makitang papunta siya sa may escalator.
Tinaas naman niya ang paperbag na hawak niya. Hindi ko iyon napansin.
"Just laptop accessories. Naiwan ko iyong sakin." Sagot niya na akala ko hindi ko na makukuha. Okay naman pala siya ng slight.
"Okay. So... babalik na tayo?"
BINABASA MO ANG
Guns and Kisses (Macimilian Series #1)
RomansMacimilian Series #1 Eleocaisa Oliva Macimilian is one of the heiresses of one of the known pharmaceutical companies in the world. She's always thankful for the things she has, even though it's hard to live with them. Nang malaman na may madilim na...