Chapter 20
Please
"Walang nakakaalam nang lugar na ito gaya ng request mo." Leonel sarcastically said to me. Matapos ang pagtatalo namin sa sasakyan dahil ayaw ko siyang sagutin ay dito niya ako dinala dahil sabi ko ay kailangan walang makaalam.
Sumunod naman siya kahit naguguluhan.
"Kanino ba ito?" tanong ko habang naglilibot ng tingin sa paligid.
Condominium ang pinagdalhan niya sa akin. Kumpleto sa gamit pero mukhang hindi naman natitirhan.
"Sa akin. Gamit ko ito noong college. Lumipat ako dahil malayo sa work." Sagot naman niya kahit kanina pa siya kating kating tanungin ako.
I sighed and sat down. He tilted his head on me and I rolled my eyes. Sa huli ay sinabi ko din sa kaniya ang lahat, simula sa kung sino at saang pamilya talaga ako galing.
He stares at me for seconds or minutes before actually showing any reactions.
"Should I be hurt because you lied to me all this time?" maarte niyang sabi.
"I didn't lie. Hindi ko lang sinabi."
"It's the same thing!"
"No, it's not." Sagot ko naman kaagad.
"And you what? Run from home? Tapos ay nagkandaloko loko na ang nangyari? You even did a dangerous thing!"
Gusto kong takpan ang tenga kahit inaasahan ko na ito. Ang dami niyang sinasabi ngayon at unit unti nang nagagalit. Pinagmasdan ko lang naman siya at inako ang lahat ng kasalanan. Nag'guilty din naman talaga ako dahil hindi ako nagsabi ng totoo sa kaniya.
"And Maeve! She really helped you? Alam niyang delikado!" mas lalo atang nag alburoto ang galit niya.
"Calm down. Buhay naman ako o. Nandito nga e." sagot ko na kahit medyo naiinis ay hinahabaan ang pasensya. You're at fault, Aisa, endure it.
"Was that supposed to calm me down?" sarkastikong banat niya na naman. "And the first time you fall in love... tragic huh?"
Hinampas ko na siya doon sa sinabi niya. Nagagalit parin siya pero may multong ngiti sa labi. I groaned and hit his arm again.
"Fall in love? Who told you I fall in love? Hindi iyon ang kwento! Ang sabi ko ay crush lang!"
"Pero halos umiyak ka sa pagk'kwento? Now I'm really hurt, mas mahal mo iyon kaysa sa akin. And the fact that he knows who you really are!"
Sumasakit ang ulo sa kaniya. Napasabunot pa ako sa buhok sa kakasalita niya nang mga pagkakamali ko at mga hindi ko dapat ginawa pati na ang banat niyang pangiinis sa akin.
"Muntik nang umiyak kasi nahuli ako ni Daddy!" palusot ko pa kahit totoo naman ang sinabi niya.
Hindi niya ako pinansin at parang may biglang pumasok sa isip niya.
"Tumakas ka kanina. Hindi alam ni Damian iyon diba? Nagsinungaling ka kanina halata ko." Nakaturo pa siya habang sinasabi iyon sa akin, umirap naman ako kasi totoo ulit. "Hahanapin ka noon!"
"Hindi!" depensa ko kaagad. "Nakuha na niya ang gusto kaya hindi na ako hahanapin noon!" kahit masakit kung ganoon nga ang iniisip ni Damian, pinaniwalaan ko nalang. Mas madali ang ganoon.
"Sigurado ka?" tanong na naman ni Leonel.
"Oo!" sagot ko na parang siguradong sigurado nga.
"Kapag hinanap ka sa akin? Sabihin ko nandito ka?"
Marahas akong napaharap sa kaniya sa sinabi niya. Baliw ba siya? Hindi ako tumakas para makaharap ulit ang lalaking iyon! Nangingiti na siya sa reaksyon ko ngayon. Naaintindihan ko na kung bakit hindi sila magkasundo ni Maeve!
BINABASA MO ANG
Guns and Kisses (Macimilian Series #1)
RomantizmMacimilian Series #1 Eleocaisa Oliva Macimilian is one of the heiresses of one of the known pharmaceutical companies in the world. She's always thankful for the things she has, even though it's hard to live with them. Nang malaman na may madilim na...