CHAPTER 11

160 10 0
                                    

KEI'S POV

Tuesday ngayon at dahil walang taping ng dalawang araw ay naisipan ko'ng pumasok sa resto pero bigla ko ring naalala na hindi na nga pala ako pwedeng pumasok dun.

Napag-usapan kasi namin ni Tiffany na hindi nalang ako papasok dahil sabi niya hindi naman daw bagay na ang isang artista ay magiging waitress lang pumayag naman ako at agad nag resign.
Si Tiffany siya ang manager sa pinapasukan naming trabaho ni Saph.

Hindi pa sana ako papayag kaya lang ng maisip ko na mawawalan din talaga ako ng oras sa trabaho dahil halos araw-araw ang taping at nagkakaroon lang ng pahinga kapag natatapos namin ang scene na kakailanganin.

Tulad ng pagkawala ng taping ngayon dahil hindi pa kumpleto ang mga cast kaya kinakailangan na maghanap muna nalaman ko lang ang tungkol dun dahil si Barns ang nagsabi sa akin.

Tumawag nga pala sa akin si Mysha ng maka-uwi ako galing taping nung isang araw dahil nabalitaan niya ang tungkol sa pagpasok ko sa showbiz.

'Sinabi ko na nga ba at malalagot ako eh'

Oo nga pala artista na nga pala ako at ako lang naman ang pumalit kay Chantal na ngayon ay gumagawa ng ingay kesyo Chantal for the win pa silang nalalaman.

Gusto ko mang mainis pero sa akin nalang yun dahil baka lalo pa akong mapasama at isa pa hindi naman ganun kasama ang ugali ko para patulan ang mga sinasabi nila.

Ngayon ko lang din naisip na bakit kaya hindi ako ganun kabaliw kapag kasama ko si Rust, Oo nahihiya at kinikilig ako pero di' ba dapat tulad ako ng iba na nagkakanda ihi kapag nakikita nila yung crush nila at nagtitili o sumisigaw sa sobrang saya.

Hindi ko alam pero feeling ko iba yung Rusty na napapanood ko keysa sa nakakasama ko ngayon pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko na siya gusto.

Di' bale kapag nagkita ulit kami mas lalapit na ako sa kanya baka naman kasi nasa stage pa ako ng pagka-shock kaya ganun ang mga kinikilos ko.

Hindi ako mapakali ngayon sa hinihigaan ko kaya naisipan ko'ng bumaba sa salas para manood nalang ng t.v mag-isa lang ako ngayon dahil wala si Saph at nasa trabaho mamaya pa'ng alas dos ang uwi nun.

Nang makababa ako ay tumingin muna ako sa orasan na nasa pader sa itaas ng mahabang upuan.

'11:26 palang'

Oo nga pala wala pa akong pagkain para sa tanghalian kaya naisipan ko'ng pumunta sa kusina para magluto at dahil wala si Saph wala akong ibang pagpipilian kundi ang magluto ng corned beef at magsasangag nalang ako ng kanin.

Sa salas na ako kakain dahil wala naman akong kasama kung sa lamesa pa masyadong malungkot kaya pagka-upo ay inilapag ko na ang pagkain sa harap ko'ng lamesa at tsaka binuksan ang TV.

"Ano ba yan balita na naman"sabi ko."Teka si Chantal ba yun?"tanong ko sa sarili ko habang tinititigan kung sino ang ini-interview.

"Si Chantal nga, good for her nakalabas na siya sa hospital"nilaksan ko pa ang volume para mas lalong marinig ang mga sinasabi.

"Miss Chantal maayos na po ba ang kalagayan niyo ngayon?"reporter.

"As you can see, maayos na ako and pwede na ulit akong bumalik sa project na ginagawa ngayon with Rusty"

"Totoo po ba na hindi ang pagiging bida ang gaganapan niyo kundi ang pagiging kontrabida?"

"Yes that's true"

"So ano po'ng feeling niyo about dun"

Nakita ko pa siyang napangisi sa tanong na yun mukha nga siyang maldita.

A Fan Girl Turn Into CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon