CHAPTER 31

143 8 0
                                    

(THIRD PERSON'S POV)

"Oh really, nag quit na siya?"sabi ng babae sa kausap nito sa kabilang linya.

"Yes Ash, nagulat nga rin ako dahil biglaan at hindi ko pa inaasahan na maiisipan niya yun"

"I know and I'm surprised, anyway thanks for telling me, maasahan ka talaga Bernardo"

"You're very welcome"

"Okay, so I have to go"

pagkasabi nito ay binaba na niya ang tawag, masaya siya dahil sa natanggap na hindi inaasahang balita.


***

SAPH'S POV

Hindi ako mapakali ngayon dahil gusto kong kausapin si Kei tungkol sa napag-usapan nila ni Vince kanina, gusto kong malaman kung pumayag ba siya na magpaligaw kay Vince.

Kaya lang paano ko malalaman kung hindi ko tatanungin si Kei.

'Sana gising pa siya'

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto para puntahan si Kei sa kwarto niya.

Kinakabahan ako sa magiging sagot niya sakin kapag nagtanong ako sa kanya, iniisip ko palang na pumayag na siya, nalulungkot na ako.

Pagkarating ko sa tapat ng pinto niya ay kumatok ako ng dalawang beses at kusang binuksan ang pinto dahil hindi naman ito naka lock.

"Hey Cous"tawag ko sa kanya.

Umayos siya sa pagkaka-upo at sumandal sa headrest ng kama."Oh di' karin makatulog?"tanong niya.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya."Kamusta, anong napag-usapan niyo ni Vince kanina?"

"Saph"tawag niya.

"Bakit?"

"Sorry"napapalunok na sabi niya.

Sa tono ng pananalita niya parang alam ko na ang gusto niyang sabihin.

🌞K I N A B U K A S A N🌞

KEI' POV

Nasa sala ako ngayon habang iniiba ang mga ayos ng mga gamit at nililinis habang si Saph naman ay nasa kusina para dun naman maglinis.

Pauwi ngayon si Zeph, ang kaibigan namin ni Saph na nakakasama namin dito sa bahay. Ilang buwan din siyang nawala kaya naman pinaghahandaan namin ang pagbalik niya, excited na nga si Saph, at sa sobrang excited niya, siya pa ang nag presinta na mag-aayos ng kwarto ni Zeph.

Habang inililipat ko ang ayos ng mga sofa ay biglang nag ring ang phone ko na nakapatong sa lamesa kaya naman lumapit ako dito at tiningnan kung sino ang tumatawag.

~ZEPH IS CALLING~

Dinampot ko ang phone at sinagot, nailayo ko pa sa tainga ko ang phone ng biglang tumili si Zeph sa kabilang linya.

"Waahhh Keiiiii, I miss you na"

"Grabe kung makasigaw ka naman"kunwaring naiinis na sabi ko.

Tumawa ito."Sorry na, na-excite lang ako masyado"

"Asan ka na ba, anong oras ka makakarating dito?"magkasunod na tanong ko.

"Hindi ko pa sure kung anong oras eh, nag-aabang pa ako ng masasakyan"

"Bakit kasi di' ka nalang nag pasundo samin ni Saph?"

"Okay lang, wala naman akong masyadong dala kaya di' na ako mahihirapan magbitbit"

Lumapit sakin si Saph at tinanong kung sino ang kausap ko na sinabi ko naman kaagad sa kanya at inagaw niya sakin ang phone.

"Hoy Zephara, nagtatampo na ako sayo, bakit si Kei ang palagi mong unang tinatawagan huh"pagalit kunwaring sabi ni Saph.

Hindi ko naman marinig ang sinasabi ni Zeph sa kabilang linya kaya naman hinayaan ko nalang silang dalawa mag-usap at ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng sofa.

"Tumawag ka kapag malapit kana, and wag mo kakalimutan ang pasalubong namin"rinig kong sabi ni Saph."Sige na ba-bye na, nag aayos pa kami ng mga gamit dito sa bahay eh, nakaka hiya naman sayo kapag dumating ka at magulo"..."Mahiya ka talaga"natatawang sabi ni Saph."Sige na bye na, I miss you..ingat ka sa byahe mo"pagkasabi ni Saph ay iniabot niya muna sakin ang phone.

"Bye Kei, paghanda niyo ko ng favorite food ko ah"

"Si Saph na ang bahala dun"natatawang sabi ko."Sige bye na I miss you, ingat ka"

"Okay sige, bye"pagkasabi niya nun ay pinatay na niya ang tawag.

"Anong oras kaya yun makakarating?"tanong ni Saph.

"Ewan di' naman niya sinabi kung anong oras eh"

"Na e-excite na talaga ako grabe"

"Tch pero inaaway mo kanina"asar ko sa kanya.

"Syempre joke ko lang yun noh"

"Tapos kana magligpit sa kusina?"tanong ko naman sa kanya.

"Yup and aakyat na ako sa taas dahil aayusin ko pa ang kwarto niya"

"Okay sige"

aakyat pa lang sana si Saph ng biglang marinig namin na may nag door bell.

"May inaasahan ka bang bisita?"tanong ko kay saph.

Umiling naman siya."Ikaw ba?"

"Wala rin"

"Baka naman si Zeph na yan"nagkibit balikat nalang ako at lumapit sa pinto para buksan.

"Hi Kei!"nakangiting bungad sakin ni Vince.

May dala siyang bulaklak at isang box ng cake.

"H-hi! what brings you here?"nakangiting tanong ko naman sa kanya.

"I just want to visit here"

'Hayst wrong timing ka naman Vince, kung kailan naglilinis kami ni Saph eh'

"Ah okay sige, tuloy ka"

Tumingin ako kay Saph na naglakad papunta sa kusina.

Pina-upo ko si Vince sa sopa mabuti nalang at tapos na akong mag-ayos ng mga gamit.

"Here, para sa inyo ni Saph"sabi niya at iniabot sakin ang mga dala niya.

"Pati itong bulaklak?"tanong ko.

"Ah hindi, yung cake lang"natatawang sabi niya.

Tumango naman ako."Okay, salamat"

lumapit samin si Saph na may dalang juice at Carbonara na  inilapag sa tapat ni Vince.

"Thank you!"sabi ni Vince.

"Mabuti naman at napabisita ka"sabi ni Saph.

Ngumiti naman at tumango si Vince sa kanya.

"Vince kung okay lang sana maiwan ko muna kayo ni Saph, may kailangan pa kasi akong ayusin sa taas eh"paalam ko.

"Okay sure!"tumayo naman ako at tumingin muna kay Saph.

"Kei ako na--"

"Ako na mag-aayos"putol ko sa sasabihin niya."Sige, Vince akyat na muna ako"sabi ko at iniwan na silang dalawa sa sala.

'Kunwari pa to'ng si Saph, eh gusto niya rin naman na mag kausap silang dalawa ni Vince' natuwa tuloy ako dahil sa isipin kong yun.

'Bakit ba naman kasi ako ang nagustuhan ni Vince, Bakit hindi nalang si Saph'



---

Keep reading Babi..

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE,
COMMENT AND FOLLOW!!

God Bless!!

Thanks a lot😘

UP NEXT
CHAPTER 32

A Fan Girl Turn Into CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon