CHAPTER 4

197 12 1
                                    

"Hey excuse me"sabi Pa niya nang hindi agad kami lumingon. Hindi ko alam kung kami ba ang kausap pero wala naman kasing ibang Tao maliban samin ni Saph.

Naunang humarap si Saph at nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagka gulat niya. Kaya naman humarap narin ako.

"Yes?"sagot ko nang makaharap ako rito.

"Ay iha ikaw yung last na nag audition di' ba?"naniniguradong tanong ng bakla na katabi ni Rust. Kay Saph siya nakatingin.

"O-opo, bakit po"sagot ni Saph.

"Ay iha tanggap kana, ikaw ang napili ng mga searcher at sinang-ayunan na ito ni sir Rusty"natutuwang sambit pa nito.

"T-talaga po"natutuwang sabi ni Saph ng tingnan ko. Ibinalik ko naman kay Rust ang tingin ko na hanggang ngayon ay nakatingin parin sakin?

Biglang siyang nagsalita"No, i've change my mind"

Nagulat anh katabi niya ng sabihin niya yun at nagkatinginan naman kami saglit ni Saph."Pero bakit naman sir Rust, di' ba napag--"hindi na natuloy ng bakla ang sasabihin dahil muling nagsalita si Rust.

"I want her"sabi niya na iniangat ng bahagya ang ulo para ituro ako.

"Oo nga sir Rust, siya nga"natutuwang sabi ng bakla pero kay Saph nakatingin.

"No"sagot ulit ni Rust."Her"sabay turo ulit sakin.

"Ako?"

"Siya?"sagot naman nung bakla na itinuro ako.

"Yes Barns, you heard it right, I. Want. Her"sabi niya at nagsimula ng maglakad.

"Pero sir Ru--"Habol ng kasama niya.

Saglit na huminto siya"No but's Barns"sabi niya at nilagpasan kami ni Saph.

"Sandali" sigaw ko sa kanya ng marealize kung ano ang nangyayari.

Lumingon naman sila sa gawi namin ni Saph.

"A-anong ako?"hindi parin makapaniwalang tanong ko."Bakit ako?"

"Tell her Barns, I need to go"sabi ni Rust kay Barns at umalis na ito. Lumapit naman samin si Barns.

"Ako nga pala si Barney, Barns for short, P.A ni sir Rust"pakilala nito na inilahad ang kamay sa akin at iniabot ko naman ito at saglit na nakipag-kamay."Anong pangalan mo iha?"

"Ahm Kei, Kei Aragon"sagot ko na parang nag-aalinlangan Pa.

"Anong kinalaman mo kila Mr--"

"Ah Barns, anong sinasabi ni Rust kanina"putol ni Saph sa sasabihin ni Barns. Nagkatinginan Pa kaming dalawa.

"Naku iha, pasensya ka na mukhang nagbago ang isip ni sir Rust"nalulungkot na sabi nito kay Saph.

"Ibig niyo po'ng sabihin--"

"Oo iha siya na ang pinili ni sir Rust"putol naman ni Barns sa sasabihin ni Saph.

"Bakit ako"sabat ko naman."Eh di' ba hindi naman ako sumali sa audition, kaya paanong nangyaring ako?"kunot noong sabi ko.

"Oo nga barns"tumatangong sang ayon ni Saph.

"Yun na nga Sa--"sabi nito na parang nakalimutan Pa ang name ni Saph.

"Sapphire, Saph for short"sabi ulit ni Saph kay Barns.

"Yun na nga Saph at Kei, hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang desisyon ni sir Rust, eh kanina lang sigurado na siyang ikaw ang napili niya"mahabang paliwanag nito samin.

"Oh eh anong gagawin natin ngayon niyan Barns"naguguluhang tanong ko.

"Kailangan mo akong bigyan ng information about yourself then ibibigay ko ito sa manager at kapag pumayag sila ay papipirmahin ka nila ng contract"

"Kaya lang.."dagdag na sabi pa nito."Mukhang hindi na sila makikipag komprontahan kay sir Rust at agad nilang susundin kung ano man ang sinabi nito"

"Huh pwede ba yun?"si Saph na nagtataka rin.

"Oo, kaya ikaw Kei mag ready kana dahil anytime tatawagan ka namin para mapag usapan natin ang tungkol sa bagay na ito"sabi niya sakin.

"Pero Barns hindi pa naman ako puma-"

"No but's Kei"panggagaya niya sa sinabi ni Rust kanina"I'll call you, just give me your number"sabi niya na inilahad ang phone niya sa akin.

Nilingon ko naman si Saph na para bang humihingi ng tulong sa kanya kung paano namin malulutas ito, dahil sa mga sinasabi pa lang ni Barns ay mukhang desidido talaga si Rust sa mga pinagsasabi niya at iyon ang bagay na hindi dapat tanggihan ng kahit na sino na pati ang mga taong nakakasalamuha nito maging ang manager ay hindi siya maaaring tanggihan o komprontahin.

"Sige na Kei, bigay mo na number mo"sabi ni Saph

Walang ganang kinuha ko ang phone ni Barns at inilagay ko ang number ko pagkatapos ay ibinigay ko ulit sa kanya.

"Sige na mauuna na ako at baka mapagalitan pa ako nun"pagkasabi niya ay nagpaunang lumakad na siya at hinintay namin siya na tuluyang makaalis bago rin kami umalis ni Saph.

Pagkauwi namin ng bahay ay dumiretso muna kami sa kanya-kanyang kwarto para magpalit ng damit at sabay na bumaba para maghanda ng pananghalian.

Umupo naman ako at pumangalumbaba sa lamesa habang hinihintay na matapos magluto si Saph.

"Saph"tawag ko dito. Hindi naman siya lumingon dahil sa niluluto naka focus.

"Oh?"

"Hindi ka ba magagalit?"tanong ko.

"Magagalit? saan, bakit naman?"nagtatakang tanong niya.

"About dun sa nangyari kanina"

"Hindi noh"sagot niya tsaka sandaling tumawa."Bakit naman ako magagalit eh ok lang naman sakin na ikaw ang pumalit at hindi ibang tao"mahabang paliwanag niya pa.

"Oo nga, pero di' ba gusto mo maging artista at maka-partner si Rust"tumayo naman ako at tinulungan siya mag ayos ng pagkain sa lamesa at maglagay ng mga plato.

"Yeah right, pero ewan natutuwa ako eh"sabi niya na umupo na at nagsimula ng kumain, umupo narin naman ako at nagsalin narin ng pagkain sa plato.

Kilala ko si Saph, alam ko sa tuwing galit o nagtatampo siya, hindi ka niya papansinin o di' kaya naman ay kakausapin kaya alam ko na ngayon sa mga sinasabi niya ay talagang nagsasabi siya ng totoo at walang halong sama ng loob.

Pero hindi ko parin maiwasang magtaka dahil totoo rin ang sinasabi ko na gusto niya talagang maging artista lalo na kung si Rust lang din naman ang makakasama or yung Isa niyang gusto kaya dapat lang na magtampo siya sa akin dahil ako ang dahilan kung bakit siya napalitan.

Bakit naman kasi bigla nalang nagbago ang desisyon nun eh hindi niya pa nga alam kung umaarte ba talaga ako at kung marunong ba ako sa ganon tapos bigla nalang niya ako pipiliin ng walang kalaban-laban.





---

Keep reading Babi..

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE,
COMMENT AND FOLLOW!!

GOD BLESS!!

Thank's a lot 😘

UP NEXT
CHAPTER 5
...

A Fan Girl Turn Into CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon