CHAPTER 46

128 7 0
                                    

KEI'S POV

"Kei"boses ni Saph ang narinig ko kaya naman bigla akong napalayo kay Vince at humarap kay Saph.

"Saph"sagot ko.

"Sorry"nagulat ako ng biglang sabihin yun ni Saph at agad na tumalikod at tumakbo papasok sa loob.

Nakita ko rin si Zeph na nakatayo malapit sa pinto at nagtataka ring nakatingin sakin.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Zeph ngayon pero tumalikod din siya at pumasok sa loob.

Nagkatinginan Pa kami ni Vince at nagkibit balikat lang siya. Nagpaalam na ako kay Vince at agad na pumasok sa loob.

Pagkapasok ko sa bahay ay agad na umakyat ako sa taas. Narinig ko pang tinatawag ni Zeph si Saph.

Saglit na tumingin sakin si Zeph."Kausapin mo siya Kei"sabi sakin ni Zeph bago niya ako lagpasan.

Hinabol ko pa siya ng tingin pero hindi na siya lumingon at agad na nagsara ng kwarto.

lumapit ako sa pinto ni Saph at kumatok."Hayaan mo muna ako Zeph"sigaw ni Saph.

"Saph pwede ba tayong mag-usap?"tanong ko at hinintay ang sagot niya pero wala akong narinig mula sa kanya.

"Saph, hindi ko alam kung Anong iniisip mo pero pwede ba tayong mag-usap?"paliwanag ko pero hindi parin ako nakakuha ng sagot mula sa kanya.

"Let me in. Kausapin mo ako"pagpupumilit ko pero hindi parin siya nagsasalita.

Siguro kailangan ko nalang munang palipasin ang nararamdaman niya dahil baka mas lalong hindi kami makapag-usap ng maayos.

Sigurado akong kaya siya nagkaganun ay dahil sa nakita niya kanina, pero mali ang iniisip nila.

Umalis na ako at dumiretso sa kwarto ko.  Hindi ako makatulog dahil sa nangyari. Iniisip ko kung paano ko kakausapin si Saph at sana maniwala siya sakin.

***

Lumipas ang araw at hindi parin kami nagkakausap ni Saph. Gusto ko siyang kausapin  pero iniiwasan niya ako.

Mabuti nalang at hindi galit sakin si Zeph pero nahihirapan din siya dahil sa sitwasyon namin ngayon ni Saph. Sinusubukan niyang kausapin si Saph para naman kausapin ako pero ayaw makinig sa kanya ni Saph.

Mas lalo akong naiinis dahil bukod sa hindi kami maayos ni Saph ngayon ay hindi rin kami nakakapag bonding ni Zeph dahil sa trabaho ko. Malapit pa naman ng umalis si Zeph kaya dapat bago mangyari yun ay okay na kami ni Saph.

Nahihirapan akong pakibagayan si Chantal dahil may mga acting parin siya na minsan ay sineseryoso, minsan naman ay nagkakaroon ng hindi pagkaka-unawaan sa pagitan nina Rust at Vince.

Dahilan para hindi naman kaagad matapos ang bawat scene kaya mas lalo kaming nahihirapang mag adjust sa isa't isa, sa tingin ko ay hindi talaga dapat na magkasama kaming apat.

"Okay, Cut. Break muna"sigaw ni direk.

Nakita kong lumapit si Vince kay direk at may sinabi. Hinayaan ko nalang siya at dumiretso sa mga gamit ko.

Umupo ako at naka pikit na isinandal ang ulo sa headrest, maya-maya lang ay may naramdaman akong tumabi sakin kaya naman nagmulat ako ng mata at nakita ko si Rust.

"I'm sorry about what happened lately"umayos ako ng upo.

"You should tell that to Vince"nagkainitan sila ni Vince kanina bago kami mag start ng taping at hindi ko alam kung anong dahilan.

~FLASH BACK~

"Bro I thought you don't like her so why you suddenly wants to be close to her"sabi ni Vince at bahagyan itinulak sa balikat si Rust.

A Fan Girl Turn Into CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon