Chapter 13: Childhood

1 0 0
                                    

I stared at the airplane pendant hanging on my chest in front of my full length mirror. I smiled hearing what he told me on my mind.

"Lasing yata siya." Umiiling na sabi ko bago isuot ang maong kong jacket. Lumabas ako ng kwarto at nakita na lumabas din si Kuya sa kwarto niya.

"Nagdala ka ng damit?" Tanong ko kasi wala siyang bitbit na malaking bag unlike me na may gym bag at backpack.

"Bakit ako magdadala ng damit? Ang dami kong damit sa bahay." Sagot niya bago maglakad sa sa mga outlet para i-check kung wala nang naka saksak.

We go to the parking area after we made sure na wala kaming naiwanan.

"Uhh si Klark Kuya?" Tanong ko habang naglalagay ng mga bag ko sa compartment.

Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay.

"Bakit mo siya hinahanap?" Bahagya akong kinabahan sa tanong niya. Narinig niya ba yung sinabi ni Klark?

"Wala. Di ba convoy tayo?" I acted normal. Teka? Bakit ba ako napa-paranoid?

Di na niya ako pinansin at pumasok nalang sa driver's seat. Bumuntong hininga ako. Di ko namalayan na di pala ako maka-hinga ng maayos.

Sumakay na din ako sa kotse niyang sumisigaw ng karangyaan. Napapa-iling nalang ako sa nadadaanan namin tuwing sakay ako nito. Akala mo'y naka-kita ng artista kung maka-lingon.

Nagulat ako nung may kumatok sa bintana ko. Nakita ko si Klark kaya lumingon ako kay Kuya na may hawak na cellphone na nasa tenga. Naka-tingin din siya kay Klark.

Binuksan ko ang bintana at bumungad sakin ang naka-ngiting mukha niya.

"Happy Birthday Penny!" He greeted me like he didn't greet me last night. Tumingin siya kay Kuya.

"Sorry Ace di tumunog ang alarm ko." Nagkamot siya ng batok habang natatawa. Naka-suot siya ng stripe polo, black shorts at white sneakers. He's also wearing a sun glass. Naka-sukbit naman sa kanyang kanang balikat ang backpack niya.

"Sana di ka na muna gumising para naiwan ka na." Supladong sagot ni Kuya. Nanlaki ang mata ko dahil sa sagot niya. Kuya is a little bit cold pero never ko siya narinig magsalita ng ganito. Or maybe he was joking? Klark is his best friend naman eh.

"Aray ko!" Klark held his chest and acting like he's in pain while chuckling. "Ayaw mo na ba makita ng gwapo kong mukha? O baka kaya ayaw moko isama dahil baka masapawan ko ang ka-gwapuhan mo sa lugar niyo?" Lalo siyang tumawa. Gago talaga eh.

Naiiling nalang ako sa pagtatalo nila kaya tinext ko nalang si Aya.

"Nice necklace Penny." ani Klark kaya gulat akong tumingin sa kanya. Tumawa naman siya lalo bago kumaway at pumunta sa kotse niya.

Nang maka-rating kami sa meeting place namin yung car shop ni Kuya Enzo, we decided na isang sasakyan nalang ang gamitin para maging masaya ang byahe. Boto ako sa ganun kesa sa ipangalandakan nila ang karangyaan nila sa probinsya.

We ride in one black Toyota Hiace. Si Kuya Enzo ang nasa driver seat at syempre sa passenger seat si Ate Avery. Si Kuya ay umupo sa likod ng inuupuan ni Kuya Enzo. Akmang tatabi ako sa kanya pero pinigilan ako ni Aya.

"Can I sit beside him please? Just this once lang!" Tumango ako bago sumulyap kay Kuya na nag-suot na ng head phones niya. Mukhang may hang over siya. Ang suplado niya eh.

"Yay! Thankie!" She hugged me at umupo na sa tabi ni Kuya.

Nag-aayos ng mga gamit sa huling seats sila Ate Scarlet kaya nung sumakay ako nakita kong naka-upo na sila ni Kuya Paco sa sumunod na upuan. Si Jacob naman ay gustong maupo sa may pinto dahil gusto niyang nagbubukas noon. Naf-flex daw kasi braso niya. Natawa nalang ako sa biro niya.

Can't Get OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon