Chapter 8: Crush

1 0 0
                                    

Lumipas ang isang linggo matapos ang party. Hindi yun nalaman ni Kuya pero medyo usap-usapan sa campus. Margaux is a popular student sa campus kaya di na ako nagulat doon.

Ang ikinababahala ko lang ay baka mag sumbong si Klark. Isang linggo ko na din siyang iniiwasan. Madalas kapag nagkaka-salubong kami sa hallway ay nag-iiba ako ng daan. He tried to go near me pero napapansin na yata niya ang pag-iwas ko kaya hindi na niya yun tinutuloy.

Minsan din siyang nasa condo dahil naglalaro sila ni Kuya ng xbox pero pag nandun siya ay it's either lumalabas ako o nasa kwarto lang maghapon.

"Kawawa naman si Klark. Why are you avoiding him ba?"

Nandito kami ngayon sa tambayan namin ni Aya dahil sa 2 hours ulit naming vacant. Kumakain ako ng flying saucer na may palaman na meat loaf at corn beef. Kung tutuusin isa lang itong tinapay na may palaman pero tinawag itong flying saucer dahil flat na flat ito.

Sinubo ko ang huling kagat ng pagkain ko at binuksan ang tumbler ko para uminom.

"I am not avoiding him."  I lied.

"Don't me Penny. I know you kaya. Why don't you tell me bakit mo siya iniiwasan? Sabi mo naman walang nangyari sa inyo noong party."

"Wala nga."

"Then why? Enlighten me please?"

Bumuntong hininga ako. To be honest di ko din alam bakit ako umiiwas. Pag nakikita ko kasi siya naalala ko yung magka-lapit naming mukha. Matagal ko na din naman siya gusto kausapin about that pero ewan ko, pag nandyan na siya ang gusto ko nalang ay mag-tago.

Nung hindi ako sumagot ay umalis si Aya. Tiningnan ko kung saan siya pumunta at nanlaki ang mata ko noong nagpunta siya kay Klark na nasa likod ng aming tambayan. Nakita kong hinila ni Aya ang braso ni Klark pero umiiling ito. Bumulong si Aya sa kanya kaya tumingin ito sa akin at nagpatianod kay Aya.

Pina-upo niya si Klark sa upuan niya kanina na kaharap ko.

"There! You two need to talk kasi baka mamaya mapansin ni Ace na there's an awkward air between the two of you malaman pa niya na tumakas ka Penny. Please resolve your issues today."

Kinuha ni Aya ang mga gamit nya at tiningnan ako ng masama. I bit my lower lip.

Nung naka layo na si Aya ay tumikhim si Klark kaya tumingin ako sa kanya.

"I only have 30 minutes vacant." He informed me. Tumango lang ako at di parin nagsalita.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bakit ba ako kinakabahan? Tss.

"Pansin ko na iniiwasan mo ako, may I know why?" Mas lalo akong kinabahan sa diretso niyang tanong. Balak nga ata niya ayusin agad kung ano mang problema ko.

"A-ahh." Tumingin ako sa mga kamay ko na nasa lamesa. Paano ko ba siya sasagutin kung yung tanong niya ay tanong ko din sa sarili ko?

"Galit ka ba sa akin?" He probed.

"Hindi." Umiiling kong sagot. He pursed his lips.

"May nagawa ba akong mali?"

"Wala."

"Then bakit?"

Tumahimik ulit ako. I don't know why! Huhu.

"Okay sige." Umayos siya ng upo. "Tao ba'to?"

Kumunot ang noo ko.

"Hindi."

"Bagay?"

"Hindi."

"Pangyayari? Pagkain?" He smiled. Umirap ako sa kanya noong narealize na ginagawa niyang pinoy henyo itong usapan namin.

"Dali na kasi sabihin mo na. Tama si Aya baka malaman ng Kuya mo na tumakas ka. Lagot ka dun." He nudged my hand playfully.

Can't Get OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon