Chapter 10: Accident

0 0 0
                                    

We bid our goodbye to everyone. Ayaw pa nga kami paalisin pero nagdahilan nalang ako na may pupuntahan pa kaya pumayag na din sila.

"Sorry Jacob si Aya kasi eh." Alibi ko. Sorry Aya!

He smiled at ginulo ang buhok ko.

"No problem." He hugged me lightly bago bumaling kay Klark na nasa likod ko.

"Take care Bro!" Sabi niya. Tumango lang si Klark at nauna na umalis.

"Uh-oh!" I heard Ate Scarlet said pero di ko na yun pinansin dahil sumunod na ako kay Klark.

Pagkarating sa car park hinampas ko siya sa balikat. Matangkad siya kaya tumingkayad pa at dahil napayapak ako sa bato natapilok ako.

"Hey-- shit!"

I was ready to get hurt pero nasalo ako ni Klark.

"I told you to not wear that shoes anymore. Ang kulit mo." Galit na sabi niya at binuksan ang shotgun seat para igiya ako.

"Aww!" Nakaramdam ako ng sakit nang iyapak ang kaliwang paa ko sa lupa.

"Tsk!" Binuhat ako ni Klark at pinaupo doon.

Tinanggal niya ang stiletto ko.

"Wag na--" Akma ko siyang pipigilan pero tiningnan niya ako ng seryoso. Napa-nguso ako. "Masakit kasi."

Di niya ako pinagkinggan dahil tinuloy niya ang pag-tanggal sa sapatos ko. Nahigit ko ang hininga ko at pinigilan ang kamay niya noong hinawakan niya ang kaliwang paa ko.

"You sprained your foot because of that stupid shoes." Mariin niyang sabi. Nararamdaman ko na galit siya kaya di ko alam ang sasabihin.

"Let's have it check to the hospital." Tumayo siya kaya agad kong pinigilan.

"Wag na kaya na'to gamutin ni.."

"Nino? Ni Jacob?" I saw his jaw moved. Umiling ako.

"Ni Kuya. He's an athlete, I'm sure he knows what to do to my foot."

"Ace is not a doctor Penny. For once, pwedeng makinig ka naman? Kaya ka napapahamak eh." Sinarado niya ang pinto sa tabi ko at umikot para umupo sa harap ng manibela.

Naka-nguso kong sinuot ang seat belt ko. Di ako sanay na galit at pinangangaralan ako ni Klark. Para siyang si Kuya at Daddy.

Dumiretso kami sa isang clinic na nadaanan namin. Agad akong pinaupo sa wheel chair matapos makipag-usap ni Klark sa tao sa may emergency room.

Whenever I go to the hospital I feel sick kaya ko sinabi kay Klark na wag na ako dalhin dito. The smell of antiseptic invaded my nose pagka-pasok palang namin sa loob. Inabutan agad ako ni Klark ng panyo niya dahil nakita niyang tinatakip ko ang kamay ko sa ilong ko. I smiled a bit nung tinanggap yun.

Si Klark ang nakipag-usap sa doctor kaya agad ako pinaupo sa hospital bed sa tabi para icheck ang paa ko.

"Aww." Napa-kapit ako kay Klark nung ginalaw ng doctor ang paa ko. Nung ini-stretch ng doctor ang paa ko ay lalo akong napasigaw.

Niyakap ni Klark ang braso ko sa bewang niya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Niyakap niya ang kaliwang braso niya sa akin at pina-pat ang likod ko.

"Masakit po!" Umiiyak na sabi ko habang nakasubsob sa dibdib ni Klark.

"Shhh. Okay na lalagyan nalang ng benda." Lumayo ako at tiningnan paa kong binebendahan. Kinuha naman sakin ni Klark ang panyo niya at pinunasan ang mukha kong puro luha.

May mga sinasabi ang doctor kay Klark pero di ko na inintindi dahil nakatingin ako sa paa kong may benda na ngayon.

"Your girlfriend's foot will probably heal in 3 days. But avoid strenuous activities." Napa-baling ako sa doctor sa narinig.

Can't Get OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon