Chapter 9: Epic Outfit

0 0 0
                                    

"Let's go! Let's go!" Nagmamadali kong sabi pagka-upo ko sa kotse niya.

I checked myself on his side mirror. Nag-powder ng ilong dahil medyo pinag-pawisan sa pagtakbo noong tinext niya ako na nasa baba na siya.

Nag-retouch din ako ng lipstick at nung natapos ako ay tumingin ako sa kanya.

"How do I look?" I smiled sweetly and blink for him to see that I am wearing fashionable contact lenses and mascarra. I have a poor eye sight pero di naman ganun kalabo. Sensitive ako sa ilaw at di masyado maka-kita pag medyo madilim kaya I wear a pair today. Nagsusuot lang ako ng eye glasses pag nasa loob ng classroom. Pero pag nasa labas na tinatanggal ko na.

Nawala ang ngiti ko noong naka-tingin lang siya sa akin at di mawari ang hitsura.

"What?"

"What are you wearing?" Tinuro niya ang suot ko.

I wear a peach satin thin stringed top tucked in my black high waisted pants. I brought a white coat para pag malamig isusuot ko nalang. I managed to curl my hair and put some make up. Pinaghandaan ko talaga ito! Magkikita kami ni Jacob eh.

"What's wrong with my clothes?"

"Matutulog ka ba doon? Bakit ka naka pang-tulog?" Napa-awang ang bibig ko sa sinabi niya. How dare he?! Binili pa namin ni Aya ito kahapon.

"You know what? You don't have a sense of fashion." I rolled my eyes. "Tara na nga baka ma-late pa tayo." I checked my wristwatch 11 palang ng umaga at 3pm pa ang event. Maaga niya ako sinabihan na aalis kami kasi may pupuntahan muna siya.

Nakarating kami sa isang mall at ngayon ay nauuna siyang maglakad. Di ko na siya pinansin sa sasakyan kasi baka asarin na naman niya ako sa fashion ko. Actually sinabi ko lang na wala siyang sense of fashion  para gumanti sa kanya. Maganda din naman siyang manamit. Siguro dahil matangkad siya at maganda ang pature kaya bagay lahat ng kahit anong suotin niya. Tulad ngayon, he's wearing a navy blue long sleeves na naka-tupi sa braso niya. And a pair of light blue ripped jeans at naka-suot ng navy blue na slip on shoes.

Pinag titingnan siya ng mga babaeng nakakasalubong niya. He's wearing a shades din kaya siguro napapa-second look sila. Akala nila artista.

"Hey wait! Klark!" Tawag ko sa kanya nung mapansin na ang layo na niya sa akin. Lumingon naman siya at nakita kong tumaas ang kilay niya.

Umirap ako at sumenyas na wait lang bago hirap na hirap na maglakad. Nag-paltos yata ang paa ko dito sa stiletto na suot ko. Lumapit siya sa akin nung nakitang hirap na hirap na ako.

"Ano? Heels pa." Pang-aasar niya.

"Bago kasi ito." Humawak ako sa braso niya bago tanggalin ang isang sapatos para icheck ang paa ko.

"Fuck." Napamura siya nung nakitang nag-sugat na nga ang paa ko. Napa-ngiwi din ako dahil ang pula na ng paa ko.

"May band aid ka ba?" Tanong ko. Tatapalan ko lang ito ng band aid okay na ulit ako.

"Do you think I'll bring band aid wherever I go?" masungit na tanong niya.

"Bakit ba ang sungit mo? Nagtatanong lang naman eh." Sinuot ko ulit ang sapatos at napa-aww noong nadali yung sugat ko.

"Tsk! Isusuot pa eh kita mo ng may sugat ka."

"Eh alangan namang maglakad ako ng naka-paa dito?" Bakit ba highblood siya? Kanina pa mainit ulo nito sakin.

"Let's go." Hinatak niya ako sa katapat naming restaurant. Pina-upo niya ako sa isang upuan.

"Ano ginagawa natin dito?"

Can't Get OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon