Chapter 2: Schoolmate

5 0 0
                                    

"Di pa'ko lasheeeng!" Tumayo si Ate Scarlet pero pinigilan siya ni Kuya Paco.

"Maupo ka nga Scarlet. Pucha!" Napatayo din si Kuya Paco nung nag-suka si Ate Scarlet at parang blessing niya itong sinalo pero too late bago niya yun narealize.

"Eww!" Napa-hawak sa ilong si Aya.

Tiningnan ko si Kuya na nasa veranda kausap si Klark. Di sila aware sa nangyayari dito sa sala.

"Shorry!" Nanlalambot na sabi ni Ate Scarlet at tumakbo sa banyo para sumuka ulit.

Di ko alam ang unang gagawin. Kukuha ba ako ng mop o bibigyan ng bagong damit si Kuya Paco. Tumingin ako sa paligid at nakitang nagme-make out na sa madilim na kusina sila Ate Avery at Kuya Enzo. Nanlaki ang mga mata ko.

"Penny pwede pagamit ng banyo sa kwarto ni Ace? This is so disgusting." Topless na si Kuya Paco at diring-diring hawak ang shirt at inaamoy-amoy ang braso niya.

Tumango ako. Tiningnan niya ang tinitingnan ko kanina.

Namula bigla ang pisngi ko hindi dahil sa kalasingan kundi dahil baka isipin niya na sinisilipan ko sila Ate Avery.

"Nak ng! Dito pa dumayo." Naiiling siyang pumunta sa kwarto ni Kuya.

"Anong nangyari?" Nagulat ako nung lumapit si Kuya sakin.

"Lasing ka na. Namumula ka na." turo niya sa pisngi ko.

Agad akong umiling.

"Di ako lasing Kuya. N-nag suka si Ate Scarlet. Sinukahan niya si Kuya Paco." Turo ko sa pwesto nila kanina sa sala.

"Where are the others?" Tanong ni Klark. Nakita kong sumubsob na ang ulo ni Aya sa sofa. Lasing na din ang gaga!

"Nasa common CR si Ate Scarlet tas nasa CR ng kwarto ni Kuya si Kuya Paco tapos sila Ate A-avery..." Tinuro ko nalang sa kanya ang likod ko kung nasaan ang kitchen.

Tumaas ang kilay niya at napa-tawa.

"Seems like everyone's drunk."

"Yeah." Kibit-balikat kong sagot bago puntahan si Aya sa sofa.

"Hey Aya. Wake up." Umungol lang siya at natulog ulit sa balikat.

"Ihahatid ko na sila Ace." Paalam ni Klark kay Kuya.

"Kaya mo ba? Di ka ba lasing?" Tanong ni Kuya galing kusina. Kasunod niya sila Ate Avery at Kuya Enzo na tuma-tawa.

Damn! They're so drunk.

"Konti lang naman nainom ko. The problem is di ko alam kung saan sila naka-tira lahat."

"Ah! Nahihilo na ako Bro. Can't accompany you." Umiling siya saka umupo sa high chair at sinapo ang ulo niya. Nahagip ko ang tingin niya habang hinihiga si Aya sa sofa. Balak kong linisin na ang mga kalat.

"Kaya mo bang sumama kay Klark, Penny?" Nagulat ako sa tanong ni Kuya kaya napa-tigil ako sa pag-pupulot ng mga kalat.

"Okay lang naman Kuya." Tiningnan ko si Aya. "Kaso dito ko nalang patutulugin si Aya. Baka magalit Mommy niya pag inuwi ko siya." Tumango siya.

"Di din naman uuwi si Paco."

Inalalayan ko si Ate Scarlet na totally wasted na samantalang si Klark ay naka-alalay kay Ate Avery at Kuya Enzo. Unlike Ate Scarlet, medyo matino pa yung dalawa.

Pagkasakay namin sa sasakyan ay nagsalita agad siya. Naupo ako sa shotgun seat.

"Hoy! Wag kayong susuka dito." Babala niya. Medyo malakas ito kaya biglang nagising si Ate Scarlet na nasa likod.

Can't Get OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon