Chapter 1: An Old Friend

12 0 0
                                    

"Kuya ang dami naman niyan!" Reklamo ko nung nakita ang mga alak na inilalagay ni Kuya sa cart namin.

"Konti pa nga yan. Magdadala pa mamaya ang tropa ko."

Nandito kami ngayon sa grocery malapit sa condo namin para bumili ng mga pagkain dahil may 'session' daw sila ng mga tropa niya.

"Saka nakabalik na si Klark. Dito na daw sila maninirahan. Kilala mo ba yun?" Tinulak na ni Kuya ang cart at nagpunta na sa hallway ng mga junk foods.

Kumuha ako ng Cheetos.

"Yun bang best friend mo noong elementary?" Kinunot ko ang noo ko habang pilit na hinahanap sa utak ko kung anong hitsura ng best friend ni Kuya noon.

"Oo yung--"

"Penny!" Natigil si Kuya sa pagsasalita nung biglang sumulpot si Aya sa gilid at niyakap ako.

Napailing si Kuya at tinulak na ang cart namin.

"Kanina pa ako text ng text sayo. You're not replying." Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang limang texts niya asking kung nasaan na kami ni Kuya.

Bago kami umalis ni Kuya tinext ko si Aya na pupunta kami ng grocery. At ito na nga ang bruha nandito na agad. May gusto kasi siya sa Kuya ko.

"Sorry naging busy na kami ni Kuya eh. Kanina ka pa ba?" Sumunod na kami ngayon kay Kuya pero may kaunti paring distansya para makapag-usap kami na di nadidinig ni Kuya.

"Oo kaya pero I already saw you." Ngumisi sya at pinakita sakin ang iphone niya.

Nanlaki ang mata ko.

"Hala!"

"Shhh be quiet." Ngumiti sya ng matamis kay Kuya nung lumingon ito sa amin.

Kinuha ko ang iphone niya at nag-browse ng pictures. May mga stolen pictures doon si Kuya mula pagpasok ng grocery, pagkuha ng mga grocery items, pakikipag usap sakin, at pag-tulak ng cart.

Para syang paparazzi!

"Wait!" Kinuha niya ang phone niya at kinuhanan ulit si Kuya. This time it's a video.

"When you look back, you're mine." She said.

At para bang narinig nga yun ni Kuya dahil bigla siya lumingon. Impit na napa-tili si Aya.

"Ano bang ginagawa niyo dyan? Tara na." Supladong sabi ni Kuya at pumila sa counter.

"He's mine." Naka-ngiting sabi niya at kumindat sakin bago sumunod kay Kuya.

Napa-iling nalang ako at sumunod na din.

"Kuya okay lang ba na isali natin si Aya sa session mamaya?" Tanong ko kay Kuya. Nandito na kami ngayon sa kotse pabalik ng condo. Nasa likod si Aya habang nasa shotgun seat ako.

"Ladies drink lang ang sa inyo." Simpleng sagot niya.

Sumulyap ako sa rear view mirror at nakitang napa-ngiti si Aya at nag-cellphone.

From: Ariella Yanzy Garcia

Thank you bff! Gosh.

Nag-reply ako ng simpleng 'no prob' bago itabi ang cellphone ko. Kanina pa niya ako kinukulit na isama sya sa session mamaya eh.

Graduating na si Kuya ng Marine Engineering samantalang kami ni Aya ay nasa 3rd year na ng kursong Business Management. At yung inuman session mamaya ay parang advance celebration daw ng graduation niya kahit may isang semester pa siya bubunuin bago maka-graduate.

Pagkarating namin sa condo ay nagsimula na kaming mag-ayos ni Kuya. Tumulong din si Aya sa pagse-set up ng receiving area namin at ng veranda. Ako naman ay nagluluto ng toppings para sa nachos.

Di pa kami tapos mag-prepare ay tumunog na ang door bell.

"Penny pabukas ng pinto." Utos ni Kuya dahil nagbibihis pa sya. Kakatapos niya lang mag-shower.

Pagka-bukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang lalaking naka army green na v-neck shirt at black pants. Naka-tingin siya sa cellphone niya at nagta-type. Hindi siya familiar sa akin.

"Hello?" Agaw ko ng atensyon niya.

Nag-taas sya ng tingin at tiningnan ako. Biglang nag-ring ang cellphone niya kaya tumingin sya muli doon ngunit madaling ibinalik ang tingin sa akin at pinagmasdan ako.

I think he got the wrong unit.

But I was wrong nung narinig kong tinawag sya ni Kuya na ngayon ay bagong ligo na naka-puting t-shirt at black shorts. Hawak niya ang cellphone na naka-dikit sa tenga niya.

"Klark! Bro!"

"Ace!" Bati nung lalaki.

Sya si Klark? Pilit kong inalala ang hitsura nya noon pero hindi ko na maisip.

Tumabi ako para makapag usap sila at bumalik sa kusina.

"Penny taste this. Is it okay na kaya?" Tinikman ko ang sauce na niluto ni Aya para sa gravy ng fried chicken mamaya.

"Okay na yan." Pinatay ko na ang stove at nagpa-alam sandali kay Aya para mag-shower. Sumama naman siya saking kwarto dahil OP na sya doon. Busy kasi sila Kuya sa pagk-kwentuhan sa sala habang iniintay ang iba.

"Who's that hottie?" Tanong ni Aya pagkasara ng pinto ng kwarto ko.

"Klark. Kababata ni Kuya." Sagot ko.

"Ace's group of friends are unfair. Lahat ang gaganda ng genes." Naupo sya sa kama ko habang ako ay kumuha ng isang sweatshirt at shorts sa cabinet ko.

I won't disagree with her. May limang barkada si Kuya mula elementary at lahat sila ay magaganda at gwapo. At kahit magkakagiba sila ng school noong high school at college ay super close parin sila. Tropa goals nga sila eh.

"Speaking of friends pupunta ba si Jacob?" Napalingon ako kay Aya na naka-ngiti na nakakaloko ngayon.

"Siguro palagi naman siyang kasama eh."

Si Jacob Madrigal ay ang crush ko sa barkada ni Kuya. Graduate na sya at ngayon ay nagt-trabaho bilang chef sa isang restaurant. Mabait, friendly at musically inclined sya. Bokalista din sa isang banda.

Tiningnan ko ang suot kong sweatshirt at shorts habang sinusuklay ang buhok ko.

"Aya okay lang ba itong suot ko?" Bumaling siya sa akin mula sa pagce-cellphone niya.

"Okay naman." Simpleng sagot niya saka binalik ang tingin sa cellphone niya.

Napa-nguso ako at tinitigan ang sarili sa full length mirror ko.

Ang simple masyado!

Pumasok ako walk in closet ko na kung saan nandoon ang mga damit na bihira ko lang isuot. Di naman kasi ako masyado mahilig mag-dress up.

Kinuha ko ang isang black halter ko na tank top at isang high waisted na short. Lumabas muli ako para mag-make up ng kaunti.

"Wow! Nagpakita ng balat." Sinamaan ko ng tingin si Aya at nag-ayos na.

Pagka-labas namin ng kwarto ay nandun na ang mga barkada ni Kuya.

"Penny!" Ate Avery greeted me.

"Hello Ate!" I gave her a hug. Pati si Ate Scarlet. Matagal kong hindi sila nakita dahil nga mga graduate na sila at mga busy sa work life nila.

Binati din nilang dalawa si Aya while I greeted Kuya Paco at Kuya Enzo.

"Where's Kuya Jacob?" Tanong ni Aya emphasising the word 'Kuya'. Pasimple ko syang kinurot ay mahina syang napa-aww.

"Rain check. Gumagawa daw ng bagong menu." Ate Scarlet said.

Para akong nanlumo sa narinig. Nag-ayos pa naman ako para sa kanya.

"Let's eat muna before we drink." Aya said at tumabi kay Kuya sa dining area.

"Wow! Iinom ka Aya? Baka mamaya umiyak ka na naman pag nalasing?" Pang-aasar ni Kuya Paco.

Agad naman siyang kinontra ni Aya kaya nag-asaran sila at naki-sali na din ang iba.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Aya nang mapansin ang lalaking katapat ko.

Klark is staring at me.

Can't Get OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon