Chapter 12: Birthday Gift

4 0 0
                                    

"Happy Birthday Penny!"

I smiled before I blowed the candle on my cake. Nag-group hug kami pagkatapos.

"I need to go na! I still need to pack my things pa." Nakipag-beso sakin si Ate Avery. Tumayo na din si Kuya Enzo at nag-paalam na din. They're in a relationship na kaya inasar sya ng inasar nila Kuya Paco.

"Akalain mong sila din pala magkakatuluyan?" ani Kuya Paco at umiiling.

"Label nalang naman ang kulang sa kanila. Masyado lang silang in denial nung una." sabi naman ni Kuya.

Nandito ang barkada ngayon sa bahay para mag-mini celebration para sa birthday ko. Every year thing na namin ito ginagawa na sama-samang mag celebrate kahit simpleng kainan lang.

"Eh ikaw ba Ace di ka pa ba mag g-girlfriend?" Tanong ni Ate Scarlet sabay sulyap kay Aya. Napa-ngiti ako bago uminom ng juice.

"Nah. Not part of my plan. Ayokong may maiwan pag nag-barko nako."

"Same here Bro!" Nag-apir sila ni Kuya Paco.

"How about you Klark? I heard you have so many flings sa campus niyo. Yung isa nga doon anak ng business partner ko eh." Tumikhim si Aya sa tabi ko at bahagyang siniko ako. Di ko nalang pinansin at naging curious sa sinabi ni Ate Scarlet.

"Oo nga balita ko rin naging ka-fling mo yung crush kong si Kim eh. Lodi ka Bro!" Binato naman ng throw pillow ni Kuya Paco si Klark. Muntik na ako tamaan dahil nasa katabing upuan ko lang siya buti nalang agad din niya nasalo.

"Ay gago Bro! Muntik na tamaan si Penny!" Humahalakhak na sabi niya bago tumingin sa akin.

"Napaka showbiz mo kasi. Ang dami mong babae." Sabat ni Aya. "Di ba Penny?" I glared at her pero saglit lang. Ngumiti lang siya sa akin.

"Kamusta ba sa campus itong si Klark Penny?" Inubos ko muna ang juice na iniinom ko bago sumagot kay Ate Scarlet.

"Okay lang naman Ate." Sagot ko naramdaman kong sumulyap si Klark sa akin.

"Girls flock on him every vacant Ate." Sulsol ni Aya kaya mas lalong inasar nila Kuya Paco si Klark.

"Sino ba girlfriend mo ngayon Klark?" Tanong ni Jacob na nakikisali din sa asaran.

"Wala!" Sagot ni Klark.

"Asus! Sa amin pa nahiya. Bakit wala kang girlfriend?" si Ate Scarlet.

"Bakit ba ako hina-hotseat niyo?" Natatawang tanong niya.

"Sige kung wala kang girlfriend. Siguro naman may crush ka?"

"What the fuck? Crush? Ano ako highschool?" Natawa silang lahat sa reklamo ni Klark.

High school lang ba pwede magka-crush? Tss.

"Eh ano ba dapat?"

"Let's say na..." He smiled before he gulped his drinks. "I like this girl."

Napa-nganga sila Ate Scarlet. Umayos naman ng upo si Aya at tinuon ang atensyon kay Klark. Nakatingin lang din ako sa kanya.

"Ohhh is that serious dude?" Manghang tanong ni Kuya Paco.

"What does she looks like?" Tanong naman ni Jacob na may halong pang-aasar bago sumulyap sakin. Tumingin ako kay Kuya at nakita kong tahimik lang siya na umiinom sa gilid.

"She's pretty." Muli kong binaling ang tingin ko kay Klark.

"That's given na. You don't look bad so for sure you're not liking someone who's not attractive." Ate Scarlet commented.

Can't Get OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon