O93

1.1K 31 6
                                    

thursday, 6:40 pm

"kanina pa ko dito, timo! bat mo ba kasi ako pinauna? may kausap ka noh? pag ikaw nahuli ko isusumbong kita kila yves!"

jade heard timothy laughing. mabilis syang napairap at hinintay ang sagot ngunit hindi parin ito natapos kakatawa.

"puro ka tawa?! halika na dito! ang dilim na oh! o gusto mo babalik na ko dyan?"

"no, wait lang baby.. papunta na ko," he instantly stopped her. hindi na sumagot muli si jade at pinatay na ang tawag.

she stared at the crowd not to far where she was. may mga nagsasayawan at nagiingay. she kept her distance and told herself she'll go check what's the fun in there once timothy follow her.

they stayed in one villa. also leigh and josiah. ang tanging hiwalay lang ay ang kila jennie, yves, rylie at jansen.

napasinghap ito sa sarili ng mapansing tatlong minuto na at wala parin si timothy. she turned around to check kung saan ang daanan ngunit wala siyang nakita ni isa.

"tangina mo, timo," naiinis na bulong nito.

"boss jana!" agad itong napabaling sa gilid ng makarinig ng boses. she saw yuta coming out from the crowd, running towards her.

"hoy, nakamoto!" tawag nito at tumawa.

"ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni yuta nang makahinto na sa harap niya.

"natutulog," she rolled her eyes. yuta laughed and mocked her before saying, "tangina ni johnny tulog parin hanggang ngayon! wala tuloy akong kasama!"

"sila seulgi? you're not with them?"

he shook his head and grinned widely. "niyaya namin pero ayaw. si seulgi mas gusto magstay sa apartment niya, si irene naman makikipagharutan daw sa jowa nyang galing rehab."

"bungaga mo nga! kalbo lang rehab na!"

"uy hindi, mukha talagang drug addict yun!" pagtatanggol niya pa sa sarili.

"anong meron dun?" turo niya sa kanina niya pa tinitignan na mga maiingay at nagkukumpulan.

"mga laro. iba't iba, iingay nga eh. mukhang masaya ata. sali tayo?"

she smiled. "mamaya, pag dating ni timo. gisingin mo na din kaya si johnny?"

yuta smiled softly at her before nodding. "sige, tawagan ko nalang. kayo pala nung kaibigan mong may ari ng resto sa baguio-"

before he could even finish his question, the people behind them started running around while giggling. nagtuturuan at nagtatayaan na para bang naglalaro.

"parang mga tanga," ani yuta ng mapansin na nagsitalsikan na ang mga buhangin dahil sa dami nilang tumatakbo.

jade suddenly felt something in her eyes. agad itong napapikit sa hapdi at napatalikod sa mga nagsisitakbuhan. she winced in pain tried and rubbing her eyes but yuta instantly stopped her.

"natalsikan ka ng buhangin? hala!"

ignoring his complaints to the other people, jade continued wiping her eyes using her fingers. agad muli nitong pinatigil ni yuta at yumuko para mapantay ang kanilang mga mukha.

"wag boss, lalong papasok yung buhangin," he reminded her. "akin na, hipan ko. dilat mo mga mata mo."

when she slowly did, yuta was softly blowing air against her eyes. napatigil ito sa sa lapit ng kanilang mukha ngunit ng mapansing wala namang pakialam si yuta at patuloy lang ang pagtulong sakanya ay hinayaan niya nalang. "yan tas balik ka sa villa mo. maglagay kang tubig sa bowl tas dilat mo mga mata mo dun para maalis yung buhangin."

"okay na?"

"ang baho ng hininga mo," she only joked around. her eyes felt better though she knows it was already red.

yuta laughed. "grabe ka naman! mango shake lang ininom ko!"

"joke lang! di mabiro! thank you pala," she smiled.

yuta nodded, then turned his gaze towards jade's back, creasing his brows. "uy, yung kaibigan mo yun diba? aalis ata."

jade widened her eyes and turned around, seeing timothy walking away from them. agad niya itong tinawag at hinabol ngunit ni isang lingon ay hindi niya binaling.

"yuta, sundan ko lang siya. thank you ulit!"

"ingat boss!" he yelled back.

blurred reality.Where stories live. Discover now