Matagal kong tinitigan ang sketch ni Ali na ngayon ay tapos ko na.
Sa loob ng tatlong taon, ginusto ko 'tong matapos. Kaya palagi akong bumabalik noon dito para lang makita ulit si Ali.
But now...it's different.
Half of me is happy because finally, she'll be able to see my finished sketch of her. The other half is sad, because this might be the end also, for her...and for us.
I looked at Ali who's still looking at nowhere and unaware that I'm looking at her right now.
Bigla siyang lumingon sa 'kin kaya naman nginitian ko agad siya para hindi niya mahalatang umiyak ako kanina.
Ipinakita ko sa kaniya 'yong drawing, telling her na tapos na, sa wakas.
Napangiti naman siya agad at mukhang excited na makita ang finished product. Agad naman akong tumayo saka lumapit sa kaniya at ipinakita ang sketch ko.
Kinuha niya 'yong sketch pad mula sa kamay ko at nakangiting tinitigan 'yong sketch ko ng sarili niya.
"It's so beautiful."
Naupo ako sa tabihan niya habang nakatitig sa kaniya.
"Yeah, it is." I whispered, didn't bother if she'll hear it or not.
Tumingin siya sa 'kin at nagulat siya nang malaman niyang sa kaniya ako nakatingin.
"Let's date." Pag-aaya ko sa kaniya.
Kita ko ang pagkagulat at pagkapahiya sa mukha niya.
I wanna have a date with her right now. I wanna spend this whole day with her. With no worries. Walang ibang iniisip kundi kami lang dalawa. Ayokong magsayang pa ng oras.
"Can we have a date today? I just want to be with you for the whole day." Ulit ko.
She gave me a smile. "Okay. Let's have a date today."
Napangiti na rin ako bago tumayo. Naupo ako sa may harapan niya na mukhang ikinagulat niya kaya bahagya ko ulit siyang nilingon.
"Mabilis kang mapagod. Kung maglalakad ka papuntang bus stop, baka kung ano pa'ng mangyari sa 'yo. Kaya sumakay ka na sa likuran ko." Utos ko sa kaniya. "Hold on to that sketch pad while I carry you."
Halata sa mukha niya na mukhang nag-aalinlangan pa siya.
I smiled to reassure her. "It's okay."
Rinig ko ang pagbuga niya ng hangin tanda ng pagsuko niya. Napangiti ako nang maramdaman ko na ang pagsakay niya sa likod ko.
I did everything para hindi ko masyadong madiinan ang pagkakahawak sa likod ng tuhod niya. Kapag hindi ako maingat ay maaari siyang masaktan at magkaroon ng pasa.
Tumayo na 'ko nang tuluyan na siyang makasakay sa likod ko.
I gave her a thumbs up to ask if she's all settled, naramdaman ko naman ang pagtango niya.
Nagsimula akong maglakad papunta sa bus stop habang naka-piggy back ride si Ali sa 'kin.
I don't mind kung nabibigatan ako ngayon. Being this close to her, it's fine kahit pa mahirapan ako.
Nang makarating ako ng bus stop ay hindi ko pa rin siya ibinaba kahit pa may mga kasabay kami na naghihintay rin ng bus.
Kinulbit niya kaya napalingon ako nang bahagya sa kaniya.
"Can I just sleep for awhile? I'm so sleepy."
Kahit sa gilid lang ng mga mata ko siya nakikita ay pansin na mukhang pagod na nga siya at antok na. Mukhang bad timing yata ang pagyaya ko ng date sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Reach The Stars (EDITING)
Romance[Old title "Tears Of Heaven"] There's never a story to be told when things just come together; it's just the story of what happens around them in this silence where she lives. He was an artist. He has an amazing gift. He could see shades within shad...