Dai 16-shō
彼女の初恋...
Kanojo no hatsukoi...
Hindi ko alam kung paano ako lalabas sa restroom. Ilang beses na akong naghilamos ng mukha pero hindi pa rin maalis ang pamamaga ng mga mata ko at ang pamumula ng labi ko.
Pilit kong inaalis sa isip ko ang mga nangyari kanina. Ayaw ko na itong alalahanin pa.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang siyang nagkaganon, ngayon ko lang nakita ang ugali niyang 'yon.
Lagi siyang sweet sa akin dati, hindi niya ako kailanman hinalikan ng ganon, kinausap ng ganon, at tinakot ng ganon.
Ngayon ko lang nalaman na may pagkaseloso pala siya. Irasyunal at nang- aangkin.
Ang buong akala ko ay lubusan ko na siyang kilala, hindi pa pala..
O nakilala ko nga ba talaga ang tunay na siya?
Inipitan ko ng buo ang buhok ko at humawak sa lababo kapagkuwa'y tumitig sa repleksyon ko sa salamin.
Tandaan mong kahit anong mangyari ay wag kang maniniwala sa mga sasabihin o sa mga gagawin niya.
Tandaan mong palabas niya lang ang lahat ng mga 'yon.. Isang patibong na dapat mong iwasan.
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng restroom. Pinilit kong umaktong maayos kahit pa medyo namamaga pa rin ang mga mata ko.
Nagulat ako nang makitang naroon pa rin ang pinsan ni Asher na kanina pa linga ng linga kung saan saan na para bang may hinahanap.
Ang ipinagtataka ko lang ay bakit hindi pa siya umalis kasabay ng pag- alis ng gago niyang pinsan? Wag niyang sabihing hinihintay niya akong makabalik?
Tapos na ang meeting namin? At sa pagkakatanda ko ay wala na kaming ibang pag- uusapan pa bukod ron.
Nang magsalubong ang mga mata namin ay tila nagulat siya. Mabilis siyang tumayo at pinuntahan ako bago pa ako makalapit sa mesa namin.
"Bakit namamaga ang mga mata mo? Ayos ka lang?" Puno ng pag- aalala niyang tanong. Hindi ko naman ito sinagot.
Nawala ang magiliw na ako na kaharap niya kanina. Walang karea- reaksyon ang aking mukha. Para bang nakikipag- usap lang siya sa yelo.
Nakatitig lang ako sa kaniyang mukha. Hindi ko inasahan ang mga sumunod niyang ginawa..
Niyakap niya ako.. niyakap niya ako ng mahigpit..
Yakap na punong- puno ng pag- intindi. Yakap na tila nakapag papagaan ng loob.
Yakap na hindi ko inaasahang gagawin niya, dahil ngayon pa lamang kami nagkakilala.
Para bang unti- unting nababawasan ang bigat na pasan ko sa dibdib ko nang yakapin niya ako.
Diko mawari pero biglang tumulo muli ang mga luha ko sa di malamang dahilan, napanatag ako sa piling niya. Tila matagal ko na siyang kakilala o kaibigan. Ang kaniyang mga akto ay pamilyar sa akin.
Hinayaan ko lang na mapuno ng luha ang kabuuan ng aking mukha. Madalang lang akong makaramdam ng ganitong kagaan na pakiramdam, at hindi ko inaasahang sa kaniya ko pa ito mararamdaman.
Ni minsan ay hindi ko ito kailanman naramdaman kay Thyrine..
Tinugon ko ang yakap niya at niyakap ko siya ng mahigpit. Isiniksik ko sa leeg niya ang mukha ko at doon tahimik na lumuha.
Nahulog muli ang maskara ko..
Naramdaman ko ang kaniyang kamay sa ulo ko at minasahe ito gamit ang kaniyang mga daliri. Ang isang kamay niya naman ay ipinuwesto niya sa likod ko at marahan iyong hinahagod. Kumakalma ako sa ginagawa niya.
Zayden..
"Huwag kang mag- alala, tutulungan kitang maging masaya. Tutulungan kitang kalimutan siya." Mabagal niyang sambit habang patuloy pa rin akong pinapatahan.
"Hindi mo na kailangan pang isuot ang maskara mo." Natulala ako sa sinabi niya, para bang biglang tumigil sa pagtulo ang luha ko. Umalis ako sa pagkakayakap niya at tinignan siya sa mata.
Ngumiti siya ng malambot sa akin. Pinunasan niya ang mga bakas ng luha sa mga mata ko pababa sa aking pisngi. Parang hinaplos ang puso ko sa ginawa niyang iyon.
"You don't have to pretend. I will make you genuinely happy, I will erase the hatred in your heart. I will love you until my last breath...
..Claudia.." Kumabog ng malakas ang puso ko sa itinawag niya sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Natuon sa kaniya ang buo kong paningin. Bahagyang nangunot ang aking noo at tila ba nawalan ako ng kakayahang makapagsalita.
Punong- puno ako ng pagtatakha, ng pagkalito. Iniisip ko kung papaano niya ako nakilala gayong nasisiguro kong ngayon pa lang kami nagkita.
Ngayon nga lang ba talaga? Hindi ko alam..
Lumamlam ang kaniyang mga mata. Para bang minemememorya niya ang bawat sulok ng aking mukha. Malalim ang pagkakatitig niya sa akin.
Ang daming mga tanong na pumapasok sa isipan ko. At wala akong mahanap na sagot sa mga iyon.
"Sino ka ba talaga?" Yan lang ang nasabi ko. Pinipilit kong alalahanin kung sino sya at kung kailan kami posibleng nagkita. Pero wala talaga akong matandaan.
Hinaplos haplos niya ang pisngi ko habang malambot pa ring nakangiti sa akin.
"You already know my name." Wika niya at bahgya pang natawa. Matapos ang ilang segundo ay naging seryoso ang kaniyang mukha. Hinayaan ko lang siyang magsalita.
"I'm Zayden Phoenix Regal also known as Zacarias...
.. and I'm your Knight in shining armor, your protector sent by the empire. Watashitachi ga wakai toki no anata no asobi aite to anata no saisho no ai. Nenshō-shitsu de hayaku anata o sukutta. Soshite, watashi wa zetsubō-teki ni anata ni koi o shite imasu...
...Claudia Mitsuha Kirigawa, Watashi no saiai no joō.."
****
To be continued..
A/N: Next chapter ay magfofocus tayo kay Zayden also known as Zacarias. Kung sino nga ba siya, papaano siya naging protector ni Claudia at kung papaano sila nagkakilala.
Anyways, sino ang kinilig kay Zayden? HAHA
Kristan vs. Zayden, sino bet nyo? Comment nyo dali HAHA
Read.
Vote.
Happy reading!
Maya🌻
YOU ARE READING
Her Horrendous Revenge
General FictionShe experienced hell and return for her revenge. Will she make it? Or her revenge will make her suffer in the end? Will she be happy? This story was Hunchback of Notre Dame inspired. Date Started: May 22, 2020 Date Ended: Cover is not mine. Credits...