#HHRevenge 0003.

30 14 2
                                    

彼女の悪夢

Kanojo no akumu

Her Nightmare


Pinatay ko ang makina ng aking sasakyan nang makarating ako sa Kogó University na dating Claudia Academia. Hindi lang pang College ang University na ito, meron din itong elementary, high school at senior high school. Ipinatayo ito ng aking lolo na siyang Great Emperor ng Japan noong 1895.

Kyōryokuna kiri kawa ten'nō

(Emperor Kirigawa)


Noong una ay wala itong pangalan ngunit mas kilala ito sa tawag na 'Enpaiasukūruobugurētonesu'  bago naging Claudia Academia noong pinanganak ako.

Ipinamana ito ng aking lolo sa tuhod (Emperor Kirigawa) sa aking Lolo na siyang Emperor din af founder ng Kogó Empire dahil siya lamang ang nag- iisang anak nito. Ipinamana niga naman ito  kay mommy na ipinamana naman ni mommy sa akin.

Noong una ay ginawa ang paaralan na ito para lamang sa mga kaanib sa emperyo ngunit kalaunan ay ginawa na lamang itong normal na unibersidad.

Magalang akong pinapasok ng guard. Nag park ako sa kahit saang lugar ko man ginusto, at yon sa harapan mismo ng Main Building napili. May sariling parking Lot ang University kong ito na nasa pinakagilid na bahagi pa ng campus ngunit dahil naghahangad ako ng atensyon ay hindi ako doon pumarada. Well it's my University after all, I'm the queen.



Kinuha ko ang mga mahahalagang gamit sa kotse ko bago ako bumaba.  Nang makababa ako, namataan ko ang lahat ng mga staffs ng University na nakahilera sa harap mismo ng main building. Nakasuot sila ng cremang uniform at  matamis silang nakangiti sa akin.


'Awarena kangei? Hm'

Lumapit ako sa kanila at lalong lumawak ang kanilang ngiti. Hindi ko naman sila binati at wala akong ipinakitang emosyon.  Alam ko namang hindi tunay ang kanilang mga ngiti at ngumingiti lang sila sa akin dahil ako ang bagong may- ari ng unibersidad na ito.


"Good Morning Ms. Avaloz." Hindi ko pinansin ang kaniyang bati. Dumako ang aking mga mata sa kaniyang ID, siya pala ang bagong dean. Mrs. Thena De Vera. Iniangat ko ang aking tingin sa kaniyang mukha. Bahagya siyang natigilan sa paraan ng pagtingin ko. Nasisiguro kong bata pa lamang siya, baka mga nasa mid 30's lang. Nalungkot ako, hindi na pala si Mrs. Piamonte ang dean dito.


Binati din ako ng iba pa. Mga professors sa college, teachers sa Elementary at High School, Financial Officer, Registrar, Utility at iba pa.


I knew some of them. Kilala ko ang iba dahil mga naging guro ko sila dati. Mukhang hindi na nila ako nakikilala. Dito ako nag- aral ng elementary at high school. Alam nilang ako ay may ari ng unibersidad na ito. Ngunit dahil pinatay ko na si Claudia sa mata ng lahat ay inalisan ko na din siya ng papel dito. Nang mamatay ang dating ako walong taon na ang nakakaraan, binili ko ito gamit ang bago kong katauhan.

Inutusan ko si Christof na asikasuhin ang lahat. Mula sa mga kasulatan na nagsasabing binili ko ito kay Claudia at tinransfer sa pangalan ko.


Hindi ko makita ang kagalakan sa kanilang mga mata. Alam kong hindi sila pabor sa pagkakabili ko dito. Nakaukit kasi sa isip nila na tinanggalan ko ng karapatan dito si Claudia. Nasisiguro kong kung si Claudia ang haharap ngayon sa kanila ay baka yakapin pa nila ito at salubungin ng magarbo.

Min'na ni aisa reta kuraudia..

(Claudia, who was loved by everybody..)


Her Horrendous RevengeWhere stories live. Discover now