#HHRevenge0014.

24 9 0
                                    


彼はどこにいますか?

Kare wa doko ni imasu ka?

Where is he?

Bawat segundong pumapatak na tahimik si Dada ang nakapagpapasikip ng dibdib ko. Nagpipigil ako ng mga luha, ayokong umiyak dahil kapag ginawa ko iyon ay parang tinanggap ko na rin ang katotohanang baka nga hindi siya nakaligtas.

Nanginginig ang mga kamay kong inaabot ang daliri ni dada. Gusto kong malaman kung nasaan siya Asher. Mababaliw na ako sa pag- aalala.

"Dada.." Umiiyak na ako. Punong puno ng pakikiusap ang boses ko.

"Nasan si Asher?" Wika ko habang lumuluha.  Ang daming tanong na pumapaso sa isip ko. Hanggang dito na lang ba  kami? Dito na ba talaga matatapos ang kwento naming dalawa?

Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Hindi bat dapat ay maging masaya ako? Dahil kung tutuusin ay nakaganti na ako sa kaniya. Pero bakit hindi ko magawang maging masaya?

Pilit na sinasalungat ng puso ko ang isip ko.

Sunod kong tinignan sina nanay at Thyrine ngunit katulad ni Dada ay nakaiwas din sila ng tingin.

Punyeta! Bakit ba hindi nila ako makayang tignan? Napakasimple lang naman ng tanong ko, pero hindi nila magawang sagutin.

"Dada." Seryoso at matigas ang boses ko. Hindi na ito nakikusap kundi nang- uutos. Nang- uutos na ibigay nila ang sagot na dapat ay hindi ko sapilitang kinukuha.

"Nasan si Asher?" Pag- uulit kong tanong. Dahil sa tono at ekspresyon ko ay tuluyan na akong nilingon  ni Dada. Punong puno ang kaniyang mukha ng pangamba, pag- aalala at pag- aalinlangan. Para bang may pumipigil sa kaniyang sumagot.

"Umuwi na siya at iniwan ka dito." Basag ang boses ni Dada habang sinasabi ito. Para bang nabingi ang dalawang tenga ko. Hindi ito maerihistro sa isip ko.

'Umuwi na siya at iniwan ka dito '

'Umuwi na siya at iniwan ka dito '

'Umuwi na siya at iniwan ka dito '

'Umuwi na siya at iniwan ka dito '

'Umuwi na siya at iniwan ka di--' Nagpaulit ulit ito sa aking isip na animo'y sirang plaka. Napahawak ako sa ulo ko at sinabunutan ko ang mga buhok ko, umaasang maaalis na ito sa isip ko.

"AAAAAHHHHH!"  Buong lakas kong sigaw habang humahagulgol. Para bang pinagsakluban ako ng langit at lupa.

Nangako siya sa aking hindi niya ako iiwan. Nangako siya! Nangako siya! Kuso!

"Anong iniwan? Sabi niya ay hindi niya ako iiwan?!" Kapagkuwa'y sabi ko. Matalim aking tingin na animo'y leong nagngangalit. Punong puno ng hinanakit ang boses ko. Nakakuyom ng mahigpit ang mga kamao ko. Para bang nangangati ang mga ito na sumuntok.

Hindi ko alam kung anong mararandaman ko, saya ba dahil nalaman kong ligtas siya o galit dahil nagawa niya akong iwan pagkatapos kong makipaglaban kay kamatayan.

"Pagkataob raw ng bangkang sinasakyan nyo ay agad siyang nakaahon sa dagat at agad na umalis. Nang puntahan namin siya sa mansyon nila ay wala na siya, maging ang nga gamit niya." Sabi ni dada habang nakatingin sa baba. Hirap na hirap siya habang nagsasalita ngunit pinipilit niyang maging malinaw ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Naramdaman ko ang mga masasaganang luhang pumapatak sa pisngi ko. Walang imik akong lumuluha. Matalim ang tingin ko at umaapoy ang puso ko sa galit. Wala akong ibang maramdaman bukod don.

Her Horrendous RevengeWhere stories live. Discover now