二度目の出会いFutatabime no deai
Second Encounter
Natagpuan ko ang isang bar na nasa loob mismo ng university. Katabi ito mismo ng parking lot ng university. Nang makarating ako roon ay ipinark ko ang aking pink posche car sa parking lot bago ako bumaba. Wala akong pakeelam kahit pinagtitinginan ako ng mga lalaki pagkapasok ko sa bar.
Bahagyang namamaga ang mga mata ko pero hindi ko iyon ininda. Gusto kong uminom, gusto kong magpakalasing!
Agad akong nagpunta sa harap ng bartender at umorder ng hard drinks. Nakita ko ang mga mata niyang mataman akong tinitignan ngunit inirapan ko nalang siya. Gusto niya yata niyang matanggal sa trabaho. Wala akong panahon sa kalandian niya.
Nang maibigay niya na ang alak sa akin ay agad ko itong tinungga. Gumuhit ang mainit na pakiramdam sa lalamunan ko. Ngayon lang ako uminom sa tanang buhay ko puny*ta!
Napapamura ako sa tuwing umiinom ako ng alak, ang pangit ng lasa. Ang pait at ang tabang.
Watashi wa nanishiteruno?
Pero wala akong pakeelam, ininom ko ito ng diretso. Naramdaman ko na parang umiikot ang paningin ko. Isang kupita palang ang naiinom ko pero bakit nahihilo na ako? Umiling ako. Ang baba talaga ng tolerance ko sa alak. Sa kabila ng hilo ko ay umorder ulit ako ng alak ngunit hindi na sa isang glass kundi sa bote.
Umalis ako sa harapan ng bartender dahil naiinis na ako sa kakatitig niya sakin. Hindi ata ako nakikilala ng tarant*dong iyon! Pasuray suray akong naglakad patungo sa isang bakanteng lamesa.
Uminom ako ng alak diretso sa bote. Kung kanina'y napapangiwi ako sa lasa nito. Ngayon ay tila unti unti na itong nagiging matamis at masarap sa aking panlasa.
Pabagsak akong umupo sa upuan at inilapag ang boteng hawak ko sa lamesa. Muli ay pumasok sa isip ko ang mga nangyari kanina. He loves me? Nailing ako at humalaklhak ng pagkalakad lakas. Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero hindi ko sila pinansin.
Ginagago niya ba ako? Mahal niya pa daw ako? Tarant*ado pala siya e! Ano yon the more you hate the more you love? At pinatay niya ako dahil mahal niya ako? Anong klaseng pagmamahal yon?!
Tado!
Uminom ulit ako ng alak. Nararamdaman ko na unti unti na akong nalalasing pero wala akong pakeelam. Sandali lang? Bakit ba kasi naaapektuhan parin ako sa mga sinasabi niya? Walong taon na! 8 Kuso-nen!
Haha ni eikyō sa rerubekide wa nakatta!
Tumayo ako habang hawak hawak pa rin ang bote ng alak. Pasuray suray akong naglalakad patungong dance floor. Wala na akong pakeelam sa mga pinaggagagawa ko.
Tanoshi mitai! Watashi wa wasuretaidesu!
Sumayaw ako kahit ako lang mag isa at kahit walang music. Para akong tangang iginigiling ang beywang ko. Nakita ko ang pagnanasa sa tingin ng mga kalalakihang nandito habang sumasayaw ako. Watashi ga ki ni suru jigoku! Sayaw lang ako ng sayaw habang tumutungga ng alak.
Wala na ako sa tamang pag- iisip, hindi ko naisip na isa akong empress. Na dapat ay inaatupag ko ang mga plano ko. At wala dito sa pesteng lugar nato.
Nang mapansin ng DJ na sumasayaw pala ako ay saka lang siya nagpatugtog ng Loud music. Mas lalo naman akong ginanahan sa pagsasayaw. Ang kaninang mga lalakeng nakatingin sa akin ay nagsitayuan at pumunta sa kinaroroonan ko.
YOU ARE READING
Her Horrendous Revenge
Genel KurguShe experienced hell and return for her revenge. Will she make it? Or her revenge will make her suffer in the end? Will she be happy? This story was Hunchback of Notre Dame inspired. Date Started: May 22, 2020 Date Ended: Cover is not mine. Credits...