#HHRevenge 0009.

26 8 8
                                    

25歳の誕生日

25-Sai no tanjōbi

25th birthday..



***

Happy birthday honey..

誰も知らないので、この日をお楽しみください。これがあなたの最後かもしれません。

Dare mo shiranainode, kono Ni~Tsu o o tanoshimi kudasai. Kore ga anata no saigo kamo shiremasen.

-X

***



Maaga akong nagising kinabukasan. Bagamat kulang na kulang ako sa tulog, sumasakit ang ulo ko at matindi ang pamamaga ng mga mata ko ay pinilit ko pa ring magising ng maaga.

Katatapos ko lang maligo at kasalukuyang nagbibihis. Binabalak kong pumunta sa isang payapang lugar. Gusto ko munang mapag- isa at makapag isip isip.

Ki ga kuruu mae ni, jibun no tame no jikan ga hitsuyōdesu..

Habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin, unti unti nagbabalik ang  lahat ng nangyari kahapon. Tila para itong isang sirang plaka na nagpapaulit sa aking isipan.

Anong oras na rin ako nakatulog kagabi. Kung hindi ko pa nakitang papasikat ang araw ay hindi ko pa pipiliting matulog. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako.

Son'nani nagaku nakeru nante shinji rarenai..

Dahil sa nangyari kagabi. Muling nanumbalik sa akin ang lahat walong taon na ang lumipas. Para bang bumalik muli ako sa umpisa.


Watashi wa subete mechakuchadesu..

Nakasuot ako ng isang simple black statement shirt, ripped jeans, white snickers at loose long trench coat bilang panangga sa hamog sa labas dahil alas singko pa lamang ng umaga.


Hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba at kulot kong buhok. Kinuha ko ang sunglasses ko sa study table at isinuot ko upang takpan ang pamamaga ng mga mata ko.

Nang kuntento na ako sa itsura ko ay kinuha ko na rin ang phone, wallet, at susi ng kotse ko bago ako bumaba.


Sabado ngayon kung kaya walang pasok at tulog pa ang mga tao. Kapag walang pasok ay pinapayagan kong hindi magising ng maaga aga ang mga katulong.


Inabutan kong madilim sa baba dahil tulog pa ang mga kasama ko sa bahay.  Hindi ako nagpasabi na aalis ako ng maaga kung kaya hindi nila ako naipaghanda ng makakain. Sa labas na lang siguro ako mag aagahan.

Pumunta ako sa garahe at minaneho ang kotse ko. Nagising si Mang Jude dahil siguro narinig niya ang kotse ko kaya diya na ang nagbukas ng gate.

Sa guardhouse natutulog si Mang Jude na katabing katabi lamang ng gate. May kalakihan naman ito at kumportableng tuluyan. Ngumiti ako sa kaniya na tinugon niya lamang ng kaway at bahagya pang humikab dahil marahil inaantok pa siya.

Her Horrendous RevengeWhere stories live. Discover now