溺死
Dekishi
Drowning..
"Tara sakay tayo ng bangka." Excited kong hila kay Kristan papunta sa mga bangka. Wala naman siyang nagawa kundi magpahila sa akin.
Para akong bata sa inaasal ko ngayon. Iba talaga ito sa iniisip kong magiging itsura ng date namin. Malayong malayo ang itsura ko ngayon sa itsura ko nung bumalik ako sa Pilipinas. Nawala na nang tuluyan ang maskara sa aking mukha.
Hindi ko alam kung bakit iyon ang naisip kong gawin ngayon. Ang mamangka. Kung tutuusin ay pupuwede kaming kumain nalang sa isang restaurant katulad ng mga tipikal na dates pero ewan ko ba, parang boring 'yon para sa akin.
Nais kong gawing espesyal ang date naming ito. Maraming maaring mangyari, hindi namin alam na baka ito na pala ang huli. Kaya gusto kong ang araw na ito ay maging araw na hindi namin malilimutan.
Binayaran namin ang isang bangkero upang siya ang magpasyal sa amin sa kabuuan ng Isla. Wala itong alam na ako ang may- ari ng islang ito, maging si Kristan.
Siguro kahit isang araw lang, kalimutan ko muna ang bago kong pagkatao. Kalimutan ko muna na ako si Thalea at bumalik muna sa pagiging Claudia. Kahit ngayon lang. Maramdaman kong hindi ako nagbago.
Inalalayan ako ni Kristan pasakay sa bangka. Nasa unahang bahagi ang bangkero, sunod ako at si Kristan sa likuran ko.
Noong una ay kalmado pa ako, pero habang tumatagal ay natatakot na ako at panay ang hiyaw.
Sigaw ako ng sigaw habang patuloy pa ring umaamdar ang bangka. Hindi ko na napansin napakagandang tanawin. Mahigpit akong nakahawak sa gmagkabilang gilid ng bangka. Pakiramdam ko kasi ay tataob ito kapag umaalog alog. Tinatawanan lang ako ni Kristan at nung bangkero pero hindi ko ito pinapansin.
"Kristaaaaann! Tataob na yung bangka! Manong! Manong! Ibalik mo na ito sa pampang! Aaaaahhh!" Nilingon ko si Kristan at napakapit ako ng mahigpit sa damit niya na para bang mapupunit na kakahila ko. Ilang oras na kaming rito pero hindi pa rin kami natatapos. Hindi pa namin nalilibot ang buong isla. Ayoko na, para akong hihimatayin sa bawat paggalaw ng bangka.
Parang bigla akong kinutuban ng masama. Hindi ko maintindihan ngunit pakiramdam ko ay may masamang mangyayari.
Niyakap ako ng mahigpit ni Kristan mula sa likuran. Kahit papaano ay naramdaman kong kumalma ako. Naramdaman kong ligtas ako sa piling niya. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakayakap sa akin at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap nito sa beywang ko.
Basang- basa na ang damit namin dahil sa malalakas na hampas ng alon. Parang nagsisisi na ako na niyaya ko siyang mamangka. Excited pa naman akong nagyaya kanina. Nakakahiya!
Natigilan ako ng makita ang paparating na alon sa direksyon namin. Nakaramdam ako ng kaba dahil paniguradong tataob ang bangka kapag hinampas kami nito. Shit! Hindi ako marunong lumangoy!
Hindi ko alam kung papaano ako kakalma. Nanginginig ang mga kalamnan ko at matindi ang takot na nararamdaman ko. Iniisip ko ang mga maaaring mangyayari mamaya. Napakatanga ko lang dahil hindi kami humingi ng life vest bago sumakay. Malapit na malapit na kami sa alon, hindi naman pupwedeng umiwas kami dahil tataob din ang bangka pag nagkagayon.
Nang tignan ko ang bangkero ay hindi ko man lang ito nakitaan ng anumang takot. Para lamang itong nanonood ng palabas.
Nais ko siyang bulyawan sa sobrang pagkataranta. Pero hindi ko magawa dahil abala ako sa pag- iisip.
Habang lumalapit kami sa alon ay mas lalo akong kinakabahan. Hinigpitan kong lalo ang kamay ni Kristan sa aking beywang para kung saka sakaling tumaob ang bangka ay maisasalba niya ako.
YOU ARE READING
Her Horrendous Revenge
Ficción GeneralShe experienced hell and return for her revenge. Will she make it? Or her revenge will make her suffer in the end? Will she be happy? This story was Hunchback of Notre Dame inspired. Date Started: May 22, 2020 Date Ended: Cover is not mine. Credits...