Chapter 1

60 18 0
                                        

Leticia's POV

"Dahil magiging asawa mo na ako!" Matigas na wika sa akin nung matandang matabang lalaki.

"No! Hindi ako makakapayag!" Napalingon ako sa nag salita, laking gulat ko na tumambad saakin ang basang basa na si Lexus kasama si Axer na basang basa din.

"You're too late, wala na ang sinumang makakapigil sa desisyon mula sa ibaba!" Matigas pa din na saad nitong lalaki na nasa harap ko. Hindi ako makakibo dahil sa mga naririnig ko.

"Lexus, tama na. Narinig mo naman diba, ang nasa ibaba na ang nag desisyon." Tinap ni Axer ang balikat ni Lexus upang pakalmahin ngunit mas lalong nag ngitngit ito sa galit.

Nakakatakot, natatakot akong makita ng ganito si Lexus.

"L--lexus" Nag sisimula na tumulo ang luha ko na makitang nasasaktan ng ganito si Lexus.

"Makakaalis ka na sa aking tahanan, Lexus." Ani ng matandang kasama ko.

Sa isang iglap lang, nawala na si Lexus at Axer na nakikipag sukatan ng tingin kanina.

"Walang sinuman, walang sinuman Leticia. Akin ka lang. Akin ka na."

"Tishaaaaa!!!! Tishaaaa!!! Hoy babaita ka gumising ka na! Binabangungot ka!" Ramdam na ramdam kong basang basa ang mga mata ko dahil sa luhang umaagos na pala sa mukha ko.

"Hoy bakit ka ba umiiyak! Ano bang nangyayari sayo nitong nakaraang buwan ha! At gabi gabi na lang kailangan mo pa mambulabog ng tulog para lang gisingin ka sa kahibangan mo habang natutul----" Binusalan ko gamit ng tissue paper na nasa tabi ko na si Airies dahil nakakarindi talaga ang babaeng ito.

"Ssssshhhhhh." Saway ko sa kanya pero pinandilatan pa ako nito ng mata.

Nagets niya siguro na ayoko ng maingay kaya tumango tango ito at inalis na yung tissue na nakabusal sa bibig niya.

"Ano ba kasing nangyari na naman sa panaginip mo at binabangungot ka?" This time, mahinahon na nag tanong si Airies.

"Hindi ko maipaliwanag, totoo yung luha ko at parang totoo din yung nangyari sa panaginip ko. Nandun na naman yung lalaki na si Lexus, at may kasama siya si Axer na kilala ko daw sa panaginip ko. Pero walang pag babago, kasi hanggang ngayon malabo pa din ang mga mukha nila sa panaginip ko." Malungkot na kwento ko sakanya. Actually, hindi lang nga ito ang unang beses na binangungot ako.

Kaya nga sobrang OA nitong si Airies makareact na binabangungot na naman daw ako kasi halos gabi gabi na lang na matutulog kami ay kinakailangan niya akong gisingin dahil sa masamang panaginip.

"Alam mo Tisha, kailangan mo na siguro pumunta sa psychiatrist! Nababaliw ka na Tisha." Nang uuyam na sagot nito sa kwento ko. Batukan ko nga!

"Mag tatanong tanong ka tapos mang uuyam ka lang!" Sigaw ko sa kanya. Eh kasi naman, nanaginip na nga ng masama tatawagin pang baliw.

"Malay mo lang naman hehehehe. Saka sino ba naman kasing matinong tao ang mananaginip na halos may series na ata diyan yung panaginip mo, syempre ikaw lang. Di matino yang pag iisip mo eh!" Ohhhh tamo eto talaga si Airies, lagi na lang akong inaasar!

"Kung mang aasar ka lang, matulog ka." Walang ganang sagot ko sa kanya. Niyakap naman niya ako.

"Ikaw naman, di ka na nasanay sa akin eh kasama mo ako pamula nung nag uut ot pa tayo sa kanya kanyang daliri hanggang ngayon na makakapag tapos na tayo ng College! Para namang di mo ako kilala Tisha eh. Nakakatampo ka ah!" At talagang nag pout pa sa harap ko para mas convincing ang pag papaawa niya. Hmmp, oo tama siya mag kasama na DAW kami since baby pa lang.

Into DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon