Chapter 6

10 4 0
                                    

Leticia's POV

"Kelan ba tayo mag open ng booth Leti? Yung iba nakapag open na ngayon din." Tanong ni Eunice. 2:30pm na at hindi pa kami natatapos sa pag dedecorate ng booth dahil ang mga props ay mga handicrafts.

"Kung bumili na lang sana ng mga materials and props edi sana kanina pang open ang booth." Pag paparinig ni Jaycel. I was about to stand and face her at biglang pumagitna si-----

"Don't you know the word 'creativity'?"

"Prof. Vultur." Gulat na sambit ko. Gulat na gulat din na lumingon kay Prof ang iba pang kasama namin.

"Uhhh---ehhhh Hi Prof?" Jaycel said while stuttering.

"Let me remind you that your booth needs to open by 8am in the morning, tomorrow." Sambit ni Prof. Napalunok naman ako ng sarili kong laway sa kadahilanang habang sinasabi niya ang 8am ay nakatingin siya sa akin.

"What if we can't open our booth by that time Prof?" Tanong ni Eunice.

"Then your entry is not valid to operate anymore. This is not just a booth but also a contest." Sagot naman ni Prof.

"Haven't you read the new guidelines of the booth making? It is now a contest." Pag papatuloy pa niya. Whuttt?! Masyado ba akong naging busy para hindi malaman yun?

"By the way, this is the copy. Read it." Kumuha si Prof ng copy ng bagong guidelines at iniabot sa akin.

"Thankyou po." Nag bow ako ng konti at tumango lang siya sa akin.

Pag kaalis na pag kaalis ni Prof ay lumapit ang mga officers para makichika.



"Time check siz, it's already 5:43 pm na. Mag papaintay ka pa ba?" Inip na tanong ni Airies na 3 pm pa lang ay nandito na sa building namin dahil nabored daw siya sa booth nila.

"Kanina pa kitang tinataboy, wag ka nga epal Airies." I rolled my eyes on her.

"Sige na nga, hindi na ako mangungulit. Salamat na lang sa lahat." Paawa pa niyang sabi. Tinulak tulak ko pa siya palabas para umalis na talaga.

Ang arte eh, kanina ko pa pinapaalis pero ako daw itong nag papaintay.

"Ikaw ba Presi? Uuwi ka na ba?" Tanong ni Grezile na kakabalik lang galing sa washroom.

"Hinahanap na ba kayo sa inyo? Okay lang na ako na ang mag tatapos nito. Konti na lang naman eh." Taliwas sa tanong niya ang sagot ko. Ayoko na iasa pa sa iba, dahil kakaunti na naman ang kulang at sa tingin ko ay kayang kaya ko nang gawin.

"Pero maiiwan ka dito mag isa." Grezile while walking pa at nililibot ang horror booth namin, or should I say house na dahil sa mga decorations and things.

Sa labas pa lang ng room, super creepy na tignan na literal na tataas ang balahibo mo dahil may malaking puno ng akasya talaga sa tapat ng building na 'to. Idagdag mo pa ang mga props na nag sabit sa puno na mukhang tunay talaga. Dumadag pa ang fact na lumang building na ito haha!

May mga spider web at clothes with blood sa labas, at sa itaas ng pinto ay may sungay na napakahaba. Pag pasok naman ng pinto ay bubungad na agad ang creepy paintings, at may rocking chair with doll. May mga nakasabit na pandagdag takot. Mannequins with blood, vampire likes na ulo. Dead bodies sa gilid gilid na seems like naagnas na and other creepy and scary things na maiimagine niyo inside your head. Good thing ay karamihan sa batch namin ay madaming magaling sa arts, and napaka realistic ng gawa.

At isa pa, malawak ang room kaya for sure ay maaari pang may ilang magiging vampire, maligno or whatever role pa sa loob ng booth.

Isinabit ko na ang pugot na ulo ng bampira sa may exit door. At tuluyan nang lumabas para tignan ang kabuuan.

Into DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon