Chapter 2

32 16 0
                                    

Leticia's POV

Napagod ako sa pag lista ha, di ako makapag decide kasi paunahan talaga sila, eh 12 at 15 lang naman ang kailangan sa listahan pero talagang lahat gustong makasali, pinagbotohan pa nga nila kung sino yung mapapasama sa listahan.

"Leticia, ummm gusto mo samahan na kita bukas sa pag pasa niyan kay Prof. Vultur?" Malambing na tanong ni Keisha.

"Ako din Leticia, I'm willing to help you na ipasa kay Prof. Vultur yan." Singit naman ni Akira na nag papabeautiful eyes pa sa harap ko.

"Salamat sa offer niyo pero ako na lang siguro." Sagot ko sabay ngiti sa kanila. Baka sabihin ni Prof. Vultur na ang bigat ng listahan para madaming sumama sa pag papasa sa kanya.

"Hmp. Okay!" Mataray naman na saad nung dalawa. Psh. Crush lang nila si Prof eh.

Hindi na ako nakasagot kasi nandito na ang sunod na prof namin.






After nang mag kakasunod na klase kanina ay sa wakas, uwian na. Half day lang ako ngayon, since ayun nga tapos na ang semis namin.

Itetext ko na sana si Airies dahil ang alam ko half day lang din siya ngayon, pero hindi pa nakakalapit ay kitang kita ko na ang kaisa isang babae na nangingibabaw ang kulay sa ibang estudyante na gumagamit ng gluta.

"Oh nakakita ka na naman ng dyosa." Bungad ni Airies sa akin.

"Tara na umuwi, diba half day lang din naman kayo?" Di ko na pinatulan ang kahanginan niya, walang magandang patutunguhan yun.

"Mamaya na tayo umuwi, samahan mo naman ako mag shopping para sa mga susuotin ko sa pageant!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kasi, ibig sabihin non----

"Pasa ka sa screening!!!! Oh tara na, baka sabihin mo napakasama kong pinsan para di ka suportahan sa trip mo sa buhay." Hinila ko na siya palabas ng campus.

Nag taxi kami ni Airies dahil hindi naman kami katulad ng mga estudyante dito na anak mayaman at may sariling sasakyan.

Wala pang 30mins ay nakarating na kami sa mall.

"Ano daw mga susuotin ninyo para dun sa pageant na yun?" Tanong ko kay Airies habang mabagal na nag lalakad sa loob ng mall.

"Seriously Tisha? Wala kang idea? Myghaddd help me na lang mamili at mag bitbit." She then rolled her eyes at me.

Pumasok kami sa department store nitong mall, babae ako pero I don't like walking and shopping for an hour or two just to buy 1 or two items. Sayang ang oras noh!

"Eto baka gusto mo?" Kinuha ko sa clothes rack yung brown silk strapless and backless long gown na kumikinang ang babang part ng dress dahil ng mga beads.

"May taste ka Tisha ha, kelan pa? Pffft." Natatawang tanong niya. Kinuha naman niya at marahang inilapag sa cart na tulak tulak niya. Pfft, as if namang madami kami bibilhin.

Nag simula na siya mag dadampot ng mga bikinis, dress, shorts, tops, shoes at kung ano ano pa.

After an hour,

"Pwede ba Airies, sukatin mo muna lahat ng yan bago ka dumampot ulit!" Asar na sambit ko sa kanya. Halos mag dalwang cart na kasi kami sa sobrang dami ng gusto niya.

"Ano ba Tisha, wag ka ngang kj susulitin ko na yung cash assistance na binigay sa mga candidates." Sagot niya at nag simula na ulit mamili.

"Mag kano ba yung cash assistance na pinagmamalaki mo?" Mataray na tanong ko, kung susumahin ay libo libo na yung laman ng cart niya eh.

"5000." Sagot ulit niya. Napanganga naman ako hindi dahil sa 5000 kundi dahil sa kulang ang pambayad niya sa mga dinampot niya.

"Oh 5000 naman pala, tapos malaki pa sa 5000 ang halaga na gusto mong bilhin. Tignan mo nga oh, 1500 na agad yung long gown!" Asar na asar na talaga ako dito ah, nako nako kung di ko lang pinsan.

Into DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon