Leticia's POV
"Tisha, okay na si Julien." Niyakap ako ni Airies at tinatry pakalmahin.
"Tahan na, hindi naman galit si Julien sayo eh. Hindi nga lang siya makakapasok for a month. Grabe yung simpleng kagat mo ha." Pabirong sambit ni Airies.
"H----indi ko na----naman sinasadya e---ehhh." Hindi ko naman talaga sinasadya, naasar lang ako kay Julien na nakaakbay yung kamay sakin, alam niya naman na ayaw na ayaw ko ng ganun eh.
"Paano yan, hindi ba siya makakaattend ng college week? Aabot ba siya sa finals? Eh sa graduation?" Pumasok sa isip ko yung mga events na magaganap. Paano si Julien, mamimiss niya ang mga iyon kung sakali.
"We'll pray for his fast recovery. Don't worry na ha. Ssssshh. Oo, hindi mo kasalanan yun. Tara kumain na lang tayo." Inilahad niya ang kamay niya upang tulungan akong tumayo. Kinuha ko naman iyon upang makatayo sa pag kakaupo ko dito sa may football field ng campus.
"Salamat." Malungkot na saad ko, hindi ko talaga akalain na ganun ang magiging epekto nun.
"Tama na Tisha ha. Tara na lang kumain sa cafeteria." Hinila na niya ako para hindi makapalag. Pinagtitinginan ako ngayon ng mga estudyanteng nadadaanan namin.
"Diba siya yung 4th year na mala halimaw kumagat?"
"Pwe ba yan, halimaw."
"Wag tayong lalapit diyan, baka makagat din tayo."
"Hala huy tara na, siya yun yung babaeng kumagat dun sa lalaking si Julien daw."
Ilan lang yan sa mga nakakaabot pa sa tenga ko mula sa mga freshmen at seniors. Grabe naman, napaka judgemental naman. Ang bilis kumalat ng nangyare tunay nga sigurong may tenga ang lupa at may pakpak ang balita.
"Hayaan mo na lang sila Tisha. Lilipas din yan." Bulong ni Airies na nakakapit pa din sa wrist ko.
Nakarating kami sa cafeteria na talagang naging center of attention na kami ni Airies. May mangilan ngilan na umiiwas pag nakakasalubong kami, yung iba naman nakikipag sukatan ng tingin o di kaya ay mag bubulungan.
"Doon tayo Airies oh." Turo ko sa bakanteng table sa dulo malapit sa window ng cafeteria. Tumango naman si Airies at nag lakad na kami papunta dun.
Bago pa kami makalapit ay hinarang kami ng isang grupo siguro 'to pare parehas masasama ang tingin sa amin eh. 5 silang babae.
"Excuse me, uupo na kami." Sambit ko. Pero hindi sila nag patinag at tinaasan ako ng kilay nung dalawang babae sa unahan.
"Aren't you both informed that this table belongs to US?" Pinagdiinan pa talaga nitong short hair blonde girl yung word na US.
Tinignan ko naman yung table na nasa likod nila na nahaharangan nilang lima.
"Wala namang nakalagay na word na US for you to claim na that table belongs to you guys. And, for the record this table and seats are school property." Dirediretso akong lumakad patungo sa table at hindi na gaanong ininda ang pagkakatapilok ko kahapon. Sumunod naman si Airies.
"Galing girl ha." Bulong nito. Nag wink ako at umupo na kami. Napansin ko ang pares ng mga paa sa gilid ng table at tinignan ko ng taas noo ang mga ito.
"You bitch!" Akmang sasampalin na ako nitong si Short hair blonde girl nang biglang may umimik mula sa likod nung iba pang girls na kasama niya.
"What's with the commotion here ladies?" Tila nanigas naman ang mga babaeng animo'y manlalamon kanina nung nag tanong na itong Dean ng BSED kung hindi ako nag kakamali.
"Ma'am, its just a little misunderstanding." Sagot nung long hair na babae na kasama nitong si short hair.
"Yes ma'am." Tugon naman nung iba at tatango tango pa.
"Ma'am, actually this little brat was about to slap my friend just because of this table." Singit ni Airies. Mukhang kilala niya 'to ah. Ayyy oo nga pala, dean nila yan.
"Is that true, Miss?" Nilipat naman ni dean ang tingin niya sa akin. Ha! Serves better!
"Yes po." Maikling tugon ko, napayuko naman itong limang brats at feeling ko nanggagalaiti na ito sa galit sa amin ni Airies. Oh well, served right.
"Is that so? Kayong lima, meet me at the detention room. Now!" Mariing utos ni dean. Hindi na kami nilingon nito, parang langgam na nakapila naman ang limang brats.
"Bakit feeling ko, ang malas ko ngayong araw!?" Asar na asar kong iniikot ang pasta gamit ang tinidor at nilunok ito na hindi na halos ngumuya pa.
"Hinay hinay ka naman Tisha. Hindi naman siguro malas, nag kakataon lang talaga na may mga gustong sumira ng araw mo at nag papasira ka naman ngang gaga ka." Sagot nito. Napatahimik na lang ako. Ano pa ba edi go with the flow na lang. Kahit feeling ko sobrang malas ko ngayon.
2 Weeks Later
Unang araw na ng College Week namin, college week kasi ito naman ang time namin for unwinding and pampering haha. For 1 week, we'll play out door and in door games. Parang mga bata lang noh?
Nagtipon tipon ngayon ang lahat ng mga college students dito sa Arena ng university. Yayamanin noh, may sariling arena hahaha. Ewan ko nga kung anong naisipan ng school na 'to at pag sabayin ba naman lahat ng levels knowing na libo libo ang estudyante nila.
"Good day everyone! It seems like everyone is excited! To formally open the college week blah blah blah blah blah blah."
Gaya nga ng sabi ko kanina ay libo libong estudyante ang narito ngayon. Halos lahat naman ay hindi interesado sa speech ng nasa unahan. Karamihan ay nag papagandahan ng mga suot na damit o di kaya ay mga make ups na dala dala nila.
Umupo muna ako sa benches sa gilid kasi mag speech na ulit ang President ng university. Yung mga classmates ko, nag kanya kanyang grupo na ulit. Samantalang ako? Eto nakasuksok lang sa upuan at inaantok.
"Hi miss." Ngiting ngiting umupo sa tabi ko ang di kilalang lalaki na ito.
Lumingon ako sa likod ko at baka iba ang kausap. Pero wala naman kasi nasa gitna nga lahat ng students.
"Bakit?" Tanong ko dito. Hindi naman sa mataray ako, ano lang kasi eh. Hindi lang ako sanay na may ibang tao na papansin sa akin.
"Nothing haha. I'm Sixto nga pala." Pakilala niya at inilahad ang kamay niya sa akin.
"Nothing naman pala eh, pwede ka nang tumahimik." Saad ko at nag pakabusy busyhan sa phone ko na kunware may katext ako.
"Ang sungit mo naman miss. I like your attitude." Pabirong sagot naman nito. Hindi ko na ulit pinansin pero siguro talagang makulit ito kasi nag salita na naman eh.
"Diba ikaw si Leticia? Dean's lister ng Accountancy?" Tanong nito. Napakunot naman ang noo ko.
"Stalker ba kita?" Balik na tanong ko.
"So ikaw nga si Leticia?" Balik na tanong naman nito sa akin. Aba lintek na!
"Bakit ba ang kulit mo?" Tanong ko na naman. Nakakaasar na ha.
"Bakit ba ang sungit mo?" Talagang hindi nag papatalo.
"Ano bang pake mo?" Asar na tanong ko dito kay Sixto daw.
"I'm just asking tapos susungitan mo ako." Nag pout pa sa harap ko at nag papuppy eyes. What the heck?
"Ano bang kailangan mo sa akin? Oo ako nga si Leticia." Asar na sagot ko dito. Wala namang masama siguro kung umamin diba alam nga ang pangalan ko eh itatanong pa niya.
"Wala naman. I just want to give you this." Sambit nito at bigla siyang nag labas ng kahoy na patusok ang dulo.
"Oh para saan naman yan? Aanhin ko ba yan?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito ng nakakaloko at ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa.
Tinusok niya ito sa dibdib ko.

BINABASA MO ANG
Into Darkness
VampirePaano kung ang nakasanayan mong pamumuhay ay ang pamumuhay na hindi mo naman pala dapat naging buhay? Paano kung magising ka na lang isang araw na hindi mo na alam ang nangyare sa nakaraan at hindi mo na kilala ang nakaraan? Maaari bang ang ibang ni...