Leticia's POV
Napabalikwas na lang ako dahil sa tindi ng sikat ng araw na tumatama ngayon sa balat ko at sobrang hapdi sa pakiramdam.
"Goodmorning Sleeping Beauty." Bati ni Airies na kakahawi lang ng kurtina.
"Leche ka ang sakit sa balat!" Pupungas pungas pa akong kumilos dahil na rin sa sakit ng paa ko.
"Wala ka bang balak bilisan ang pag kilos mo? Lumalamig na ang pagkain sa mesa." Napatingin ako sa vintage wall clock at pakshettttt!!!
"Hoyyyy bakit di mo ako ginising ng mas maaga man lang!" Asar na sambit koooo, 8:30 na! Naalala kong ngayon ko nga pala ipapasa kay Prof. Vultur yung listahan. Although 10am pa ang first subject ko ngayon pero kahit pa! May kailangan akong ipasa ngayon eh huhu usapan pa naman na before 8 dapat naipasa ko na!
"Malay ko ba na maaga ka palang papasok ngayon, akala ko 10am pa ang class mo bakit sobrang nag mamadali ka naman yata?" Takhang tanong ni Airies. Okay lang naman sa akin kahit malate pa ako sa subject na yun kasi sanay na si Prof.
"May ipapasa kasi ako kay Prof. Vultur. Inassign niya ako kahapon na ilista daw yung mga sasali sa activities. Usapan namin, before 8am." Paliwanag ko, shet kailangan ko na mag madali baka di ko maabutan yun!
"Mukhang terror pa naman si Prof. Vultur kahit ganun kapogi ang hitsura niya." Pananakot nitong si Airies habang nakapamewang sa harap ko. Di ko na lang siya pinansin at iika ikang mag lakad papunta sa banyo nitong kwarto.
Exactly 10am na ako nakarating sa university. Jusko nasa building pa kaya ng college of law si Prof? Sana naman huhu mag papalate na nga ulit ako sa class ko ngayon maibigay lang -----
"Nasaan yung folder?" Takhang tanong ko at nag palingon lingon pa. Nakita kong inaapakan na pala ng mga estudyanteng pumapasok. Huhuhu lagot na lalo!
Iika ika na naman akong nag lakad pabalik sa gate. Pinulot ko na yung folder at shettttt
"Sobrang dumi na." Sambit ko habang tinititigan ang logo ng school sa folder na puting puti nung binigay at napakalinis tignan, ngayon ay sobrang dumi na.
Hindi ko naman pwedeng palitan yung folder kasi may logo nga, wala akong mapag kukunan nun. Huhu no choice ipapasa ko na lang 'to talaga.
Tinahak ko na ang daan papunta sa college of law. Sana nandun pa si Prof. Vultur kahit oras na ang binilang sa sobrang pag kalate ko.
Iika ika pa din akong mag lakad dahil nga sa masakit ang paa ko, todo iwas ako sa mga palabas na estudyante galing sa building na tatahakin ko ngayon. Pero sadyang madami sila at di maiwasan na mag kabungguan.
"Nasaan na ba ang faculty?" Mahinang tanong ko.
"Ms. Leticia Mendezabal, right?" Yung malamig na boses na yun! Kahit hindi pa ako nalingon ay parang kilalang kilala ko na ang boses na yun kahit kahapon ko lang naman narinig.
Pumunta ito sa harapan ko at confirm si Prof. Vultur nga.
"G----good morning po P-Prof Vu----Vultur." Nahihiyang sambit ko. Tumango naman ito bilang tugon.
"You're late. Where's the list?" Kunot noong tanong nito. Hiyang hiya naman akong iabot yung folder na yakap yakap ko dahil sa madumi ito.
"Tsk. You need to rewrite this, come with me." Tumalikod na ito at umakyat sa hagdan. Huhuhu seryoso ba? Yung hagdan pa nga lang sa bahay hirap na akong akyatin. Eto pa kaya na wala akong ideya kung saan ang faculty?
"Ms. Mendezabal." Banggit nito, siguro napansin niyang hindi pa ako kumikilos.
"Hehe eto na po prof." Sagot ko at nag umpisa na humakbang.

BINABASA MO ANG
Into Darkness
VampirPaano kung ang nakasanayan mong pamumuhay ay ang pamumuhay na hindi mo naman pala dapat naging buhay? Paano kung magising ka na lang isang araw na hindi mo na alam ang nangyare sa nakaraan at hindi mo na kilala ang nakaraan? Maaari bang ang ibang ni...