Third Person's POV
Manipulating is his last name. Well not literally pero iyon ang babagay na word to describe him at laro niya na kaya niyang ibigay sayo o sa kahit na sinong kaharap o kasalamuha niya.
Mula sa malayo ay pinagmamasdan pa din niya ang babaeng nag iisang nakaupo sa gilid.
"Poor her." Sambit nito at iiling iling pa. Tahimik siyang nag lakad papunta sa kumpulan ng mga estudyante. Ang hindi niya alam ay may nakapasok na pala sa isipan niya at kasalukuyan nang pinapanuod ang nakaraan na nangyare.
He's good in manipulating minds, things, and even scenarios. Pero hindi siya ganoon kalakas makaramdam at limited lang ang kakayahan niyang ito.
Sa kabilang dako naman, may nilalang na nag uusok na ang mata sa galit.
"I'll kill you!" Sambit nito sa loob ng isipan. Akmang kikilos na ito nang nag paputok na ng confetti ang mga student councils.
Leticia's POV
"fvck!" Napatakip ako ng bibig dahil napalakas ang pag kakasabi ko.
Kinapa kapa ko ang dibdib ko at lumingon pa para tignan kung nasaan yung Sixto na yun.
"Panaginip ba yon?" Tanong ko. Naguguluhan akong tumayo at nakipalakpak nung pumalakpak na ang mga estudyante.
Teka, dun sa inupuan ko. May katabi ako dun eh. Sixto ang pangalan. Tapos sinaksak niya ako! Pero bakit buhay pa ako? Gulong gulo na ang isip ko. Ano bang nangyare? Akala ko nasaksak ako, etong eto dito sa arena. Dito sinaksak ako.
Nagulat ako sa kamay na dumampi sa balat ko at kahit papaano nahimasmasan ako mula sa pag iisip ko.
"Okay ka lang ba Leticia? Kanina ka pang nakatulala diyan." Tanong Grezile na isa sa mga co-scholar ko dito. Di ko alam na nakalapit na pala siya sa akin.
"Ah, oo okay lang ako. Okay lang ako." Sagot ko at nag thumbs up pa.
"Napansin ko kasing parang ang lalim ng iniisip mo eh. Sure ka ba na okay ka?" Tanong na naman nito. Hindi kami close like Julien and Airies pero magaan ang pakiramdam ko dito kay Grezile.
"Ha? Nako oo naman. Sure na sure noh." Sagot ko ulit at ngumiti ng napakalapad.
"Oh sya tara na at mag start na daw ang booth making." Saad nito.
"Ha? Ngayon ba yun?" Tanong ko naman. Ano nga ba ulit yung booth namin?
"Oo, kakaannounce lang ng mga activities for today. For the 4th year daw, booth making daw. While ginanap naman ang ball games ng 1st and 2nd year. Academic activities naman ang sa 3rd year." Paliwanag nito. Tumango tango na lang ako, hindi ko naman kasi narinig nga yun. Hindi naman siguro required yun diba? Hehe.
"Ah sige sige. Tara na." Sagot ko at sumunod na sa iba pang kaklase namin. Yes po, kaklase ko siya. Pero yun nga, hindi kami close.
Nag tungo na kami sa building na nakaassign na pag tatayuan ng horror booth namin. Busyng busy na ang ibang studes. Wala akong ideya kung ano ba napag planuhan nila, dahil hindi ako masyadong nakaparticipate sa kanila last week, sa sobrang tambak ng mga gawain at nakaassign din ako sa pag oorganize ng venue at mga gagamitin for college week since ako ay Supreme Student Council President dito sa university.
Kahit pala mawalan ako ng pake sa event na ito ay isa din pala ako sa mag papakapagod para maging successful at masaya ito.
"umm paano ba ang set up natin?" Tanong ko kay Grezile. Napangiti naman ito at saka kwinento ang plano.
"Wooooahhhh, astig nga iyon. Pwede bang babaan na lang natin ang price ng ticket? Tapos ang proceeds, idonate na lang sa mga batang nasa ampunan?" Suggest ko, 100 pesos daw kasi ang ticket. Grabe naman iyon, hindi maaafford ng iba o maaafford man pero baka mas pipiliin nila ipangkain kesa ipang bili ng ticket sa booth namin.
BINABASA MO ANG
Into Darkness
VampirePaano kung ang nakasanayan mong pamumuhay ay ang pamumuhay na hindi mo naman pala dapat naging buhay? Paano kung magising ka na lang isang araw na hindi mo na alam ang nangyare sa nakaraan at hindi mo na kilala ang nakaraan? Maaari bang ang ibang ni...
