Vescunia

13 0 0
                                    

“Bakit kailangan ninyo itong gawin? Nakaraan ay nakaraan dapat ay nananahimik na ang kaluluwa mo!”

Galit na sigaw ni Marchioness Alfia Vescunia sa kanyang matalik na kaibigan, hindi na niya mawari ang gagawin dahil sa inaasal ng kaibigan nito, nais nitong patayin ang bunsong anak na babae ng pamilya Vescunia. Mga luhang patuloy na dumadaloy sa mata ni Alfia ay puno ng kalungkutan, galit, awa kasabay ng paghihinagpis ang nararamdaman ng marchioness, wala siyang magawa sapagkat ang Marquis at ang panganay na anak nilang lalaki ay nasa digmaan pa laban sa mga itim na salamangkero sa labas ng kanilang Manor.

Yakap ng marchioness sa kanyang mga bisig ang isang taong gulang na babae, tahimik at parang nakikiramdam sa paligid nito, akmang lalapit ang kaibigan ni Alfia nang may isang mahikang tumama sa pagitan nila nagsilbi itong pader upang protektahan ang marchioness, agad agad ay tumakbo ang marchioness papalabas ng silid tulugan ng bata pababa, patuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa makarating siya sa inner ward ng manor. Puro mga bangkay ng mga salamangkero at mga kabalyero nila ang nakikita, nagkalat narin ang mga dugo at patuloy ang lahat sa pag papalitan ng mahika at pakikipag laban.

Nakita ni Marquis Cae Vescunia ang kanyang asawa na si Alfia na tumatakbo papunta sa kwadra ng mga kabayo kasama ang tagapangalaga ng sanggol, inutusan nito ang panganay na anak na si Zakarias Vescunia na protektahan ang kanyang ina sa mga kalaban na siyang sinunod nito kaagad.

“Olivia, mag tungo ka sa malayong lugar kung saan hindi kayo matutunton ni Sole, maiiwan kami dito ni Cae at Zak upang labanan ang mga STRAY na tinipon ni Sole, padadalhan kita ng sulat o kaya ay dadalawin ko kayo kapag natapos ang digmaan na ito.”

“Hindi ka maaring maiwan dito Ina, kailangan mong sumama sa tagapangalaga niya kailangan mo rin proyektahan ang aking kapatid!”

Pag tutol ng anak na si Zakarias na nasa sampung taong gulang pa lamang, ngunit buo na ang loob ng Marchioness na maiwan na lamang, sa huling pag kakataon ay niyakap at hinalikan ni Alfia ang noo ng batang babaeng Vescunia, ganoon din ang ginawa ni zakarias at isinakay na sa kabayo ang tagapangalaga kasama ang sanggol at umalis ng manor.

“PIGILAN SILA MAKATAS!”

Isang nakakasilaw na liwanag ang pumalibot sa buong manor ng mga Vescunia, ngunit nilabanan ito ni Alfia gamit ng mahika niya ang BLOOD MAGIC. Sinugatan ni Alfia ang kanyang sarili dumaing ng kaunti ang marchioness at minanipula nito ang kanyang dugo, pinaghiwa-hiwalay niya ito at bumuo siya ng mga daggers, tila napapalibutan ang lahat ng tao sa inner ward ng manor ng blood dagger ni Alfia, sa isang pitik niya ay pinaulan niya ito sa mga itim na salamangkero at pati na rin kay Sole.

“Kung sa tingin mo ay makukuha mo ay magtatagumpay ka sa mga plano mo pwes nakakamali ka dyan!”

Muli ay minanipula ni Alfia ang mga dugong nagkalat, sa kanya man o hindi ay tinipon niya ito, ngayong hawak na ni Alfia ang mga dugo ay kahit buhay na taong nasugatan na may katiting na dugong lumabas ay kaya na niyang manipulahin. Tila bumulong si Alfia, maingat na binabanggit ang mga salita o ang mga incantasyon.

“ALE RESCO ANI MICUM FI RIUS CANDELUNO!”

Matapos banggitin ni Alfia ang incantasyon ay nagdilim ang buong paligid ang mga kabalyero at ang mag ama ay pumunta kay Alfia upang tulungan ito, tinakpan ng mga ulap ang buwan at namatay ang mga apoy sa sulo na hawak nila na siyang nagbibigay liwanag sa kanila. Takot ang bumalot sa mga mata ni sole sa nakikita niya na unti – unting bumubukas sa harap niya, isang itim at napakadilim na portal ang nasa harap niya. Dahan dahan hinigop ng portal ang lahat ng itim na salamangkero kasama ang kaluluwa ni Sole sa katawan ng Kaibigan ng marchioness.

The Crown within the Stars (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon