Pagdating ni Athanasia sa Akademia ay sinalubong siya ng kambal at pinag buksan ng pinto upang alalayan makababa ng karwahe. Niyakap ng dalaga ang kambal at kinamusta ang dalawa sa kanilang lagay sa akademi.
"We're fine Ate, anyways dito sa akademi ay hindi masyado ang pagsasalita ng tagalog, bagkus ay halo ito ng salitang ingles, madalas ang mga estudyante dito ay galing pa sa ibang kaharian at emperyo kaya madalas na salita dito ay ingles dahil iyon ang unibersal na salita sa lahat." Pag papaliwanag ni Zac
"Ako na lamang ang maghahatid sa tagapagsilbi mo kasama ng mga bagahe mo, dumerecho na kayo ni Zac sa opisina ni Head Master." Pagpresenta ni Jack
Tumango na lamang si Athanasia at umalis na sila ni Zac patungong opisina ng Headmaster, nang makapasok silang dalawa sa loob ng gusali ay tila namangha si Athanasia sa kaniyang nakikita.
Tila napakalawak nito, pinaghalong makaluma at makabagong disenyo ang gusaling iyon, mataas na arko ng kisame kung saan nakapinta ang araw at buwan kasama ang constellations. Ang paligid ay may iba't ibang portrait na pintura at mga landscape na pintura, nagkalat din ang mga estudyante sa paligid ang lahat ay abala sa kaniya kaniyang ginagawa. Nang mapadaan si Zac at Athanasia ay napalingon ang ibang mga estudyante sa dalaga na kasama ni Zac bulungan sa tabi tabi ang maririnig ni athanasia sa bawat hakbang nila.
"Who is she? She's lovely."
"Oh my! She's with Lord Zac, do they have a thing?"
"I heard may lady daw na nag rereside sa manor nila is she that lady?"
"Hmmp, She must've done something para sunduin pa siya ni lord Zac."
"Tsk, huwag mo silang pansinin Ate, malapit na tayo sa pupuntahan natin."
Hinawakan ni Zac ang kamay ni Athanasia at hinila na ito. Nang makarating sila sa tapat ng napakatayog na pituan ay kumatok ito na siyang pinagbuksan ng isang matangkad na lalaki, ito ay nagbigay galang sa dalawa at pinapasok.
"Maari ay maupo muna kayo dito at maghintay ang head master ay may kausap lamang sa loob, maiiwan ko muna kayo at dadalhan ko kayo ng maiinom."
Muli ay nag bigay galang ito sa dalawa at umalis naupo naman ang dalawa at nagintay lamang, bumalik ang lalaki na may bitbit na tray na nag lalaman ng Tea set at mga cookies, inilapag niya ito at pinag timplahan ang dalawa. Agad na umalis ito at pumasok sa isang pinto.
Pagkapasok ng binata sa kwarto ay siya ay nag bigay galang at nag salita.
"HeadMaster may paumanhin at naistorbo ko kayo, ngunit may isa pa kayong panauhin sa labas, isa ding pong bagong estudyante mula sa Viscount Cimber."
"Oh, the cimber? Why not let them enter hindi naman private ang pinaguusapan since new student din naman ang kasama nila Marquis Vescunia."
Agad na sumunod sa utos ang binata at lumabas upang sabihan sila Athanasia na pwede na pumasok, tumayo na ang dalawa at pumasok sa loob nagbigay galang ang dalawa at nagpakilala,
"Good Morning Head Master, Marquis Vescunia, Lord and Lady Vescunia. I'm Zac Eros Cimber and this is Lady Athanasia Veronna pinsan ko po."
Matapos ng introduksyon ni Zac ay yumuko ito bilang paggalang na hudyat na si Athanasia na ang magsasalita, elegante nitong hinawakan ang palda ng uniporme at nag curtsy. Tinungo ni Athanasia ng kaunti ang kanyang ulo hudyat na nag bibigay galang sa mas mataas na noble ang kaniyang nasa harap.
"Athanasia Veronna po."
Ngumiti ito sa kanila, ang mga naunang bisita ng head master ay nakatingin sa kaniya at inoobserbahan ang susunod na gagawin, tumayo na ang dalawa at nagulat ang Marquis sa nakita niya sa dalagang si Athanasia, taimtim lamang na nakatingin si Zakarias ang nakakatandang kapatid ni Fabiana.
"Welcome to the Academy Lady Veronna, I believe you are here for your class schedule?"
Ngiting tanong ng HeadMaster na ikinatango ng dalaga tahimik lamang ang tatlong bisita ang dalawang lalaking Vescunia ay nakatingin lamang kay athanasia habang papalapit ito sa mesa ng HeadMaster upang kunin ang schedule sa kaniya. Nang matanggap na ito ng dalaga ay nagpasalamat na ito, napatingin ang HeadMaster sa mata ng dalaga at tila nanlaki ang mga mata nito.
"Athanasia, the Viscount state on his letter that you are not from this country am I right?"
Tumango ang dalaga ng may halong pagtataka gayundin si Zac na iniintay ang ate niya, lihim na nagtinginan ang marquis at ang headmaster na tila nauusap ang kanilang mga mata.
"I see, you have a lovely eyes by the way, right my apologies where are my manners let me introduce one of the transferee, Lady Fabiana Vescunia."
Ngiting pag introduce ng headmaster kay Fabiana, tila pag ikot lang ng mata ang ginawa niya at napilitan ngumiti kay Athanasia, matamis naman ngumiti ang dalaga pabalik kay Fabiana.
"I do hope we get along Lady Vescunia."
"Likewise"
Sandaling nahagip ni Athanasia ang tingin ni Zakarias, tila bumilis ang tibok ng puso ng dalaga kaya agad itong umiwas ng tingin agad ito yumuko at nag paalam, pero bago pa man makaalis ang dalawa ay tinawag ulit ito ng headmaster at tinanong.
"Athanasia, are you interested in being an Arabella?"
Napayuko ang dalaga ang naisip
'Arabella? tinanggihan ko na si Viscount about diyan ayoko pumasok diyan, ayoko maging sentro ng atensyon'
Muli ay mahinhin na humarap si athanasia sa kanila at ngumiti.
"HeadMaster, Thank you for the Invitation but I refuse to be an Arabella, malaking karangalan man ito ngunit isa lamang po akong Baroness, at ang tanging mga nakakapasok lamang duon ay mga dalagang may matataas na rangko at mag dalagang ni rekomenda ng mga pamilya nila. Sorry we shall take our leave po."
Magalang na yumuko ito at umalis na.
'Baroness huh? she fits to be my lady in waiting. I shall ask her once na nagsimula na ang competition, I bet she can help me bigtime.'
Ngumiti si Fabiana sa kuya at ama niya at sinabi na gusto niya maging lady in waiting si athanasia, hindi sumagot si Zakarias at tinignan lamang ang kapatid nito.
Habang naguusap ang Headmaster at ang Marquis at fabiana ay lumabas muna si Zakarias at nag ikot ikot sa Akademi nag iisip.
'Kulay abo ang mata niya, saang kaharian naman kaya siya galing? Napakaganda niya hindi ko lang mawari pero may kamukha siya'
Nagkibitbalikat na lamang ito at pumunta sa hardin.
BINABASA MO ANG
The Crown within the Stars (HIATUS)
FantasíaShe was a wall flower while the other is a glory hound. She was surrounded by love compare to the other who was surrounded by gold. She is the past and the other was the present. Their strings was already decided by faith, the moment she was born...