Maagang nagising kinabukasan si Athanasia, bago bumangon tinignan niya ang kaniyang binti niya kung ito ay namumula pa, habang tulog ang lahat ay bumaba siyang kusina, kumuha ng yelo at dinampi dampi sa binti niya.Namumula pa ito ngunit hindi na namamaga kaya bumaba ito sa kusina para dampian ulit ito ng yelo. Alas kwatro pa lamang ng madaling araw ngunit hindi na siya makatulog, hindi niya alam kung nasasabik ba siyang pumasok sa akademi o ano. Kinuha niya ang roba at pumunta sa beranda upang magpahangin muna, binuksan niya ang pinto at sinalubong siya ng napaka lakas at napaka lamig na hangin na siyang dumampi sa buong katawan niya. Naglakad siya at naupo sa upuan at tumingala sa kalangitan, tanging bituin at buwan lamang ang kanyang liwanag.
'Luna ang Diyosa na nagbibigay ng liwanag sa kadiliman, tila masaya ka ata at napaka liwananag mo ngayon. Sana ay magabayan mo ako sa aking pag alis dito sa tahanan ng mga Cimber, ako ay nagagalak dahil may patutunguhan na aking tinatahak.'
Ipinikit ni Athanasia ang kaniyang mga mata habang kinakausap niya ang buwan dinamdam ang malamig na hangin.
Kinaumagahan ay naalipungatan si Athanasia dahil sa impit na tili na narinig niya,
"Lady Athanasia, bakit dito ka natulog maari kang sipunin o lagnatin dahil sa lamig ng klima ngayon."
Dali-daling sinuotan ang dalaga nga tagapagsilbi ng balabal at nagpaalam agad dahil ihahanda pa nito ang paligo nito, lima ang mga tagapagsilbi na nasa kaniyang silid ngayon dalawa ay inaayos ang kaniyang bagahe, ang isa naman ay dinalhan siya ng agahan sa silid at ang dalawa ay inaayos ang paligo at damit na susuotin ng dalaga.
Pagkatapos maligo ay isinuot niya ang kanyang roba at lumabas ng banyo patungong kwarto upang mag bihis, pinabukas ni athanasia ang kahon na iniwan ng kambal sa kaniyang mesa kasama ng liham. Ang laman ng kahon ay ang uniporme ng mga kababaihan sa akademi.
Ang bestida ay kulay royal blue na may maliliit na strips at may gintong lining sa itaas ng puting ruffles ng bestida, may tatlong gintong butones, sa ilalim nito ay may isang blouse na may kwelyo na cream ang kulay. Napapatungan cream na long sleeve belted cardigan ang bestida, ang damit na ito ay set kasama ng isang beret at isang sapatos.
"Ito na ang aking isusuot para hindi na ako mag papalit ng kasuotan mamaya, tutal ako ay papasok na agad sa klase."
Tumango ang mga tagapagsilbi at siya ay binihisan na, inayusan ang mukha pati na rin ang kaniyang buhok.
Matapos ang mahabang seremonya ni Athanasia ay nilisan na niya ng kaniyang silid at pumunta na ng breakfast room
"Rio nasaan po ang viscount at viscountess pati ang kambal?"
Nagtataka ang dalaga dahil siya lamang ang nasa silid at mag isang kakain,
"Milady, ang viscount at viscountess po ay pumunta sa palasyo ang kambal na young master naman po ay bumalik na po ng akademia sasaubungin na lamang daw po nila ang iyong pagdating roon."
Napasimangot naman siya at umupo na, pinaghainan na ng mga tagapagsilbi ang pagkain ng dalaga, tanging maliliit na kalansing ng kutsara at tinidor lamang ang naririnig sa silid na iyon.
"Milady, ang karwahe na magdadala sayo sa Akademiya ay narito na."
Tumingin si Athanasia, ngumiti at sinabihan na ibaba na ang kaniyang mga gamit. Pagkatapos ng dalaga ay inutusan na niya ang butler na si Rio na dalhin na ito sa karwahe at may gagawin lamang ang dalaga, agad na sinunod ito ni Rio at pumunta na sa silid ng dalaga.
Inilabas ni athanasia ang liham na isinulat niya para kay Viscountess at ipinaabot ito sa Head maid,
"Ito ay iyong dalhin sa silid ni Viscountess, paki sabi na maraming salamat sa lahat ng ginawa niya para saakin ako ay susulat muli sa loob ng dalawang linggo."
"Masusunod po Lady Athanasia, Magiingat ka sa iyong paglalakbay patungong akademiya nawa'y gabayan ka ng Diyosa na si sole."
Tumungo ang Headmaid at agad na umalis ito.
Bago lumabas ng Manor ang dalaga ay tumanaw siya muli sa napaka tayog na tirahan na kanyang kinagisnan, may halong tuwa at lungkot ang kaniyang nararamdaman habang siya ay pasakay ng karwahe, siya ay inalalayan ng kutsero papasok ng karwahe. Lahat ng mga tagapagsilbi ay nakatayo sa labas at nag bigay galang sakanya na tanging ngiti lamang ang ginawad ng dalaga.
Mahigit tatlong oras ang paglalakbay ni Athanasia papuntang Akademia tahimik lang ang kaniyang buong byahe dahil wala naman siyang kasama sa loob ng karwahe.
'Bakit parang ang layo naman ata ng akademi pag ang kambal ang umuuwe galing akademiya parang napaka sandali lang, nababagot na ko at ang sakit na ng pwet ko aaaah'
May narinig na mahinang katok si Athanasia galing sa labas, kumuha siya agad ng pamaypay at itinakip sa kaniyang ilong bibig saka niya hinawi ang kurtina upang tignan kung sino ang kumatok
"Milady, nandito na tayo sa Sentro ng kaharian ang bayan ng Theurgy."
Nanlaki ang mata ng dalaga at agad sumilip sa bintana para tignan ang ganda ng bayan. Napaka daming tao ang nakakalat sa paligid mga bandiritas na nakasabit, mga batang naglalaro na parang may piyesta sa bayan, napaka sigla ng bayan na kaniyang nakikita ngayon, maraming mga tindahan at mga stalls ang makikita.
"Bakit nag sasaya sila may piyesta ba ngayon? hindi naman kaarawan ng mahal na emperador hindi ba?"
Tanong ng dalaga, ngumiti lang ang kalabyero at sinagot ito,
"Ngayon ay isang simpleng araw lamang milady, ganito talaga ang mga tao dito sa bayan. Naalala ko nga po palang hindi ka pala labas ng manor ng Viscountess ang bayan ay laging maingay dahil sa kaunlaran ng bayan sa nag daang pamumuno ng ating emperador kasama ang ating empress."
'Ah, ganun pala, mukha naman palang masaya dito sa bayan dapat ay magpatayo si Viscountess Raya ng Parlour dito.'
Habang nasa karwahe di maiwasan tumingin ni Athanasia sa pinaka sentro ng bayan kung saan matatanaw na niya ang Kastila at ang akademiya, matayog at mukhang malawak ang nasasakupan nito dahil kung titignan sa malayo ay aakalain mong mag katabi lang ang dalawa dahil sa laki at taas. Habang papalapit ang karwahe ng dalaga sa akademi ay hindi niya mapigilang malula at mahumaling sa ganda ng akademiya.
Nang huminto na ang karwahe sa gitna ay nakita niya na sinalubong siya ng kambal na mukhang kanina pa nag iintay sa kaniyang pag dating.
Athanasia's uniform at the media.
BINABASA MO ANG
The Crown within the Stars (HIATUS)
FantasyShe was a wall flower while the other is a glory hound. She was surrounded by love compare to the other who was surrounded by gold. She is the past and the other was the present. Their strings was already decided by faith, the moment she was born...