“Ate Athanasia!”
Patakbong sigaw ni Jack papalapit sa dalaga, napatayo naman sa gulat si athanasia at hinanda ang sarili upang magbugay galang sa kambal. Ang kambal namang si Zac ay naglakad na din papunta sa ina nila at binigyan ito ng halik sa pisngi, ganun din ang ginawa niya kay athanasia.
“Akala ko ba nasa academy kayo bakit kayo nandito, sa susunod na araw pa ang balik ninyo hindi ba? May ginawa nanaman ba kayo na ikapapahamak ng viscount hmm?”
Panguusisa ni Athanasia na ikinahalakhak ng ina ng kambal, ngumuso naman si jack at sinabing hindi daw sila gumawa ng gulo, tipid na ngumiti si zac at inanunsyo ang balita nila
“Sa katunayan nga Ate galing kaming palasyo kasama ang prinsipe nagpapasama siya sa amin sa parting South ng kaharian upang mag iinspeksyon sa mga bayan.”
“Ate, Ina nais ko palang sabihin na-” naputol ni Zac ang sasabihin niya dahil siningitan ito ng kakambal niya
“Siya na pala ang magiging royal Attendant ng prinsipe”
Tila tuwang tuwa pa si Jack habang kinukwento ang masayang balita ni Zac para sa kanila, ngumiti ang kanilang ina gayun din si Athanasia, habang nagtatawanan ang lahat ay nakarinig sila ng pag bukas ng pinto at pumasok ang isang lalake mukhang nasa edad trenta pataas, maowtoridad ang presensya niya, otomatiko ay tumayo sila at nag bigay galang sa master ng manor.
“Nandidito pala kayong lahat, tamang tama at may iaanunsiyo ako sa inyo.”
Naupo ang lahat tumabi si Jack kay athanasia at si zac naman kay Viscount Lucius, lahat sila ay inaantay ang anunsiyo ng matanda. Bakas din ang kaba sa mukha ni Athanasia dahil minsan lang niya makausap ang viscount at talaga naman nakakatakot ang presensya niya. Dahil sa hindi siya makatingin ng derecho ay kinuha na lamang niya ang tasa at duon ibinuhos ang kanyang atensyon
“Napag desisyonan ko na gusto kong ipasok si Athanasia sa akademiya-“
Gulat na naibuga ni athanasia ang iniiom habang sunod sunod na reaksyon ang narinig sa kanilang lahat, iniisip nila kung bakit napagdesisyunan ng viscount ipasok ang dalaga sa akademiya. Napaisip din si athanasia na magandang oportunidad ang makapasok sa akademiya dahil bibihira ang mga babae na nag aaral sa akademiya. Napansin ng dalaga na makahulugang tumingin ang kambal sa kaniya, nagtatakang tumingin siya pabalik sa kambal
Bakit ganyan sila makatingin? Parang ayaw nila na kasama nila ako sa akademi
Tumayo si Athanasia pinunasan ang kanyang sarili at nagsalita na hindi ito tutol sa desisyon ng viscount, lahat ay napatingin sa dalaga dahil sa pagsang ayon nito kung kaya’t agad tumutol ang kambal sa desisyon nya.
“Hindi mo alam ang mga tao doon, mas mabuting pag aralan mo na lang ang embroidery at pag gawa ng tsaa ate.”
“Pumarito ka na lang sa manor at maghanap tayo ng pwedeng magturo sayo, mahigpit sa akademi.”
Tahimik lang si Viscountess Raya habang ang viscount naman ay prenteng nakaupo lang at inaantay silang matapos magsalita, tila huminga ng malalim si Athanasia at pinatigil ang kambal sa pagsasalita, kalmado na umupo si athanasia at ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin.
“Kung paparito lamang ako sa manor at kung ang mag tuturo saakin pawang mga nobles lady na alam kong mang lalait saakin at ako’y parurusan, dahil sa hindi ko masyado gamay ang pag gawa ng embroidery, Noble ethic and stuffs ay walang mangyayare saakin dito. Makakatagal naman siguro ako sa akademi dahil tinuruan niyo din naman ako sa tamang pag hawak sa sandata at mga kaunting kaalaman.”
Sa tinagal tagal ng pagtatalo at pagkukumbinsi ay napapayag na ni athanasia ang kambal at ang tiyahin, ipinaliwanag din ni viscount na kaya niya gusto pag aralin ang dalaga ay gusto niyang pumasok si Athanasia sa palasyo at magsilbi sa magiging crown princess, tinanggi naman ito ni athanasia dahil iba ang gusto nito. Nagtataka sila at naguguluhang tumingin sa dalaga kung ano ang nais niya makamit, huminga siya ng malalim bago ipinagpatuloy ang nais niyang banggitin.
BINABASA MO ANG
The Crown within the Stars (HIATUS)
FantasyShe was a wall flower while the other is a glory hound. She was surrounded by love compare to the other who was surrounded by gold. She is the past and the other was the present. Their strings was already decided by faith, the moment she was born...