"Ginulat mo naman akong bata ka! Ano ba ginagawa mo diyan?"
Paranoid na tanong ng kakambal kay zac na hindi pa nakakabawi sa nakita niya. Ilang minuto at umiling si Zac at lumapit kay jack bitbit si athanasia, nagtatakang mukha ang ipinakita ni jack at tinignan si athanasia, parehas ang kanilang iniisip kung kaya kinuwento ni Zac kay Jack ang nangyare kanina, sinabihan na din niya ang kakambal na huwag munang ipagsabi ang nalaman nito.
Dinala na ng kambal si athanasia sa kanyang silid, dahang dahang siyang inilapag sa kaniya higaan at inayos ang pagkakahiga.
"So wala kang nasaksihang liwanag kanina? Paanong nangyare, mismong dalawang mata ko ay nakita na nag liwanag si ate athanasia pagkatapos ay lumiwanag ang buong manor."
Pagtatanong ni zac kay jack, ngunit simangot lang ang binigay ng kambal sa kaniya, napakamot ng ulo si jack habang nagiisip.
"Zac, hindi kaya tumigil ang oras noong lumiwanag ang buong estate at ikaw lang ang nakakita dahil malapit ka kay ate? May mga tiyorya na akong nabasa, na may ibang kapangyarihan na kapag malakas na enerhiya ang ginugol mo, at nasa loob ka ng liwanag nito ay maaring tumigil ang oras sa labas. Pero parang iba ata sa sitwasyon ni ate."
Sinulyapan ng dalawa ang dalaga at hinagod ang noo nito
"Sa tingin ko dapat wala munang makaalam nito Jack, ngayon lang ako nakakita ng ganitong kapangyarihan. Pero sa pagkakaalala ko dati may ganito nang nangyare, yun yung pag dating dito ni ate sa mansion sanggol pa lamang tayo."
Tahimik na naguusap ang magkapatid palabas ng kwarto ng dalaga, iniisip kung anong aksyon kanilang gagawin at kung ano ang sasabihin sa ate nilang si athanasia.
Sa kabila naman, si fabiana ay prenteng nakaupo sa upuan niya at sumusulat ng liham para sa prinsipe, alam niya sa loob niya na hindi siya nito sinulatan pabalik, na walang interes sa kanya ang prinsipe pero hindi siya si Fabiana Vescunia kung hindi niya makukuha ang gusto niya.
Habang sumusulat si fabiana ay bigla na lamang umilaw ang kwintas niya na ibinigay ng ina niya, ang kwintas na ito ay galing pa sa kanilang mga ancestors at isang daang taon na ang lumipas mula ng lumiwanag ito, mula noon hindi na muling lumiwanag ito. Napabalikwas si Fabiana at dali daling lumabas ng kanyang silid at kumatok sa opisina ng ama niya.
"ama, patawad sa pag pasok ng walang pahintulot pero kailangan niyo makita ito, ang kwintas ng ating mga ninuno ay lumiliwanag."
A/n:
Athanasia's Training outfit sa media, similar diyan pero tunic at jumper shorts lang at boots
BINABASA MO ANG
The Crown within the Stars (HIATUS)
FantasiShe was a wall flower while the other is a glory hound. She was surrounded by love compare to the other who was surrounded by gold. She is the past and the other was the present. Their strings was already decided by faith, the moment she was born...