“Milady, gising oras na para kumain bumangon ka na at marami ka pang gagawin.”
Tinapik tapik ng tagapagsilbi ang pisngi ng dalaga upang magising ito, humikab at iminulat ng dalaga ang mata niya at ngumiti sa tagapagsilbi niya, siya ay bumangon na at nag hilamos habang inihahanda ng mga tagapagsilbi ang paligo niya.
Pumasok ang Head maid kasama ang Viscountess na si Raya Cimber, tumayo ang dalagang si Athanasia upang mag bigay galang sa kanya.
“Magandang umaga po Madam Raya, napadalaw po kayo sa aking silid? Maari po ba kayo maghintay sa salon at mag aayos lamang po ako.”
Magalang na sambit ng dalagang si Athanasia na tinanguan naman ng viscountess, sinabihan niya si Athanasia na tawagin na lamang siyang tita nito na ikinagalak naman ng dalaga, umalis na si Raya papuntang Salon habang si Athanasia naman ay nag punta ng paliguan duon ay naghihintay ang bathtub.
Pinaliguan ng mga tagapagsilbi ang dalaga, siya ay nilinis at pinapahiran ng mga mababangong sabon kasabay na duon ang pag lilinis ng kanyang kuko at kung anu-ano pa. Pagkatapos maligo ay sinuot na niya ang kanya roba at nagtungo sa isang kwarto upang mag bihis ng damit.
“Anong kulay po ba ang gusto ninyong isuot milady? Mukhang maganda ang sikat ng araw ngayon paano po kung etong asul na bestida at sasamahan natin ng kulay putting ribbon”
Suhestyon ng isang maid, sabay sabay silang nag sasalita pero pinili ng dalaga ang kulay asul na bestida na hanggang talampakan niya, sinuklay naman ang kanyang buhok at itinali ng tirintas dahil sa pagkahaba ng buhok ng dalaga, nilagyan din siya ng mga alahas hikaw at kwintas na ginto ang ipinares sa asul na bestida nito.
Pagkatapos mag ayos ay pumunta na si Athanasia sa salon kung saan naghihintay sa kanya ang tiya Raya niya, nadatnan niya na nag t-tsaa ang viscountess kung kaya’t kumatok muna ito sa pinto bilang pag galang at sa pag anunsiyo ng pagdating niya.
“Athanasia, halika at samahan mo ako magtsaa may mahalaga akong sasabihin sa iyo”
Ngiting sambit ni Raya sa kanya, dali dali namang tumakbo ang dalaga at nadapa napasapo na lang ng pamaypay si Raya sa ulo
Napaka likot talaga ng batang ito haha, manang mana sa ina niya na napaka giliw
“Iha, magdahan dahan ka at hindi ka naman hahabulin, bilang isang noble sa high society ay dapat ipakita mo na mahinhin ka, para kang lalaki kumilos”
Tanging ngiti na lang ang naigawad ni Athanasia sa tiyahin niya. Nang makaupo ang dalaga ay iniisip niya kung ano ang mahalagang sasabihin ng viscountess sa kanya.
“Iha, ano ba ang balak mo sa buhay? Ikaw ay labing anim na taon na, kailangan mo na maghanap ng iyong trabaho, pwede ka na sana mag asawa kaya lamang ay wala ka pang binasbasang pangalan.”
Ininom muna ni Athanasia ang kanyang tsaa, iniisip niya ay kung hanapin niya ang pamilya niya dahil minsan ng nakwento sa kanya na, isang taong gulang pa siya lang ay si Viscountess Raya Cimber na ang kumupkop sa kanya kaya hindi siya mabigyan ng blessed name. Ang blessed name ay ang ikalawang pangalan na binasbas sayo ng Holy Priest, walang blessed name si Athanasia dahil hindi naman niya tunay na magulang si Viscountess, minsan na din niya inisip bakit hindi na lang siya inampon ng Viscountess total wala naman siyang anak na babae pero may anak siyang kambal na lalake na sina Jack Eris Cimber at Zac Eros Cimber, sila ay nasa labin limang taong gulang at nag aaral sa akademiya, kapag umuuwi sila ay lagi silang nag uuwe ng iba’t ibang libro, mga litrato at regalo para kay athanasia.
“Kilala niyo po ba ang magulang ko? Bakit iniwan nila ako sa inyo? Kung ayaw po nila akong kunin didito na lang po ako dito kasama ang kambal tiya Raya mukha pong nakalimutan na nila ako, masaya naman po ako dito.”
Sunod sunod ang tanong na bumabagabag sa dalaga, gulong gulo siya at gusto niya guluhin ang buhok niya dahil sa mga katanungan na hindi niya alam kung masasagot ba o hindi, tumingin siya kay Raya kinuha niya ang bagong tasang may laman at tumingin derecho sa viscountess at inantay ang isasagot sa kanya nito. Inilapag ni Raya ang platito at pinalabas muna ang mga tagapagsilbi, napansin iyon ni Athanasia at hudyat iyon na mahalaga at pribado ang pag uusapan nila kaya siya ay umayos ng pagkakaupo at nilapag na rin ang tasa.
“Alam ko na maraming tanong ang handa mong itanong saakin pero eto ang sasabihin ko, noong nakuha kita sa ina mo ang sabi niya ay maghintay ako dahil babalikan ka niya, hindi ko na naintindihan pa yung ibang sinabi ng ina mo dahil nadamay kami sa kaguluhan duon sa manor ng mga Vescunia, kung tutuusin hindi ko na alam ang sumunod na nangyari nang lumiwanag ang buong theurgy, noong gabing may malakas na liwanag ang kaharian at nagmistulang umaga ang dati’y gabi, magmula noon wala na akong naalala sa mga nangyare, marami ang nadamay dahil sa pagsugod ng mga STRAY sa Manor ng mga Vescunia kaya ni mukha o apelyido ng magulang mo hindi ko maalala”
Tila nanlumo na lamang ang dalaga sa kwento ng tiyahin niya, inalo alo naman ni Raya ang likod ng dalaga para naman gumaan ang pakiramdam nito. Habang nanatiling tahimik ang dalawa ay kumatok ang butler nila at inanunsyo ang pag dating ng kambal.
Napatingin naman ang dalawa at pinahintulutan ng viscountess na pumasok sa silid ang kambal, tila kumunot ang noo ng dalaga at napasabing
“Ano kaya ang pakay nila at napaka aga nila umuwi sa pag kakaalam ko sa susunod na araw pa ang uwe nila.”
Note:
If you guys are having a hard time to imaging the dresses and others ill put some pics maybe dun sa taas or at the end of the chapter :).
Yung nasa itaas ang blue dress ni Athanasia.
BINABASA MO ANG
The Crown within the Stars (HIATUS)
خيال (فانتازيا)She was a wall flower while the other is a glory hound. She was surrounded by love compare to the other who was surrounded by gold. She is the past and the other was the present. Their strings was already decided by faith, the moment she was born...