CHAPTER 2

1.6K 60 2
                                    

~~~

Uupo na sana ako sa tabi ni Ella pero bigla niya akong hinatak para mag-order muna kami. Ayos na rin yon kasi nakakailang si Kiefer.

"Besh ano sa tingin mo? Ang babait nila no?!" Sabi niya habang nasa pila na kami.

"Oo. Mukhang mababait nga besh."

"Sabi ko naman sayo eh. Ipakilala mo rin ako doon sa friend mo ha."

"Yeah sure. Kapag hindi na busy besh ha." Sabi ko at tumingin ulit sa menu. Hindi ako makapili kung anong kakainin ko.

"Besh nga pala bakit parang magkakilala kayo ni Kiefer ha? May tinatago ka ba sa akim ha?!" Kinurot niya pa ako kaya umiwas ako.

"Wala baliw! Nagkakilala lang kami nung time na binisita mo ako sa UST." Sabi ko at nagulat siya.

"Really? Kwento kwento bilis habang hindi pa tayo nakakabalik doon sa table besh." Excited na sabi ni Ella kaya natawa ako.

"He helped me kasi besh. Natapilok ako tapos na out of balance mabuti na lang talaga at nandoon siya kung hindi nasubsob na ako sa sahig nun besh. Tapos ayon sa pagmamadali ko hindi na ako nakapagpakilala sa kanya besh." Kwento ko at kami na ang susunod sa pila.

"Ay taray! Superhero pala ang peg ni Kiefer. So bakit ka nagmamadali ha?" Ngumiti siya sa akin nang nakakaloko nung hindi ako nakasagot kaagad at umiwas ng tingin. "Hoy! Napipi ka na dyan besh. Ang dali lang ng tanong ko ah bakit nga?!"

"Ngumiti kasi besh eh." Tumawa si Ella at kinurot ako ulit sa tagiliran. Sinasabi ko na nga ba at aasarin ako nito.

"Napakalandi mong babae ka!! Sinasabi ko na nga ganyan yung mga kahinaan mo eh. Yung mga ngiti na ganon. Unang kita ko pa lang kay Kiefer ikaw na kaagad naisip ko eh. Irereto ko pa lang sayo tapos malalaman ko nagkita na pala kayo. Is this destiny?!"

"Hoy! Ang OA na niyan besh ah." Sabi ko at hinila siya sa cashier. Umorder na kami kaagad doon.

"Besh mabait yan, matalino at mayaman. Yung business ng family niya mga resort and hotels daw besh. Nagbabalak nga daw yan na mag Architecture pa eh kasi daw besh para siya na magdesign nung susunod nilang ipapatayo na hotel."  Kwento niya habang hinihintay namin yung order namin.

Tinignan ko si Ella at tinaasan siya ng kilay.

"Chismosa!!" Sabi ko at tumawa.

"Sus! Kunwari pa alam ko naman na gusto mong malaman yan eh." Inirapan ko siya. "Besh parehas pala kayong mahilig magdrawing, pwede pa kayong magcollab sa design niyan siya na sa labas ng hotel tapos ikaw naman sa loob. Anak ng meant to be talaga ah." Siniko siko niya pa ako.

"Alam mo besh ang talino mo rin talaga no! Akalain mong sa ilang minuto na yon naisip mo yan kaagad sa amin. Kakaiba ka talaga no!" Tumawa si Ella kaya natawa na rin ako.

Bumalik na kami doon sa upuan at nagulat nung inunahan ako ni Ella na maupo sa tabi ni Gretchen. Bale ang vacant na lang yung sa tabi ni Kiefer.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tinuro ang tabi niya kaya naman naupo na ako. Lumipat kasi si Baser sa tabi nila Justine.

"Masarap yang inorder mo." Sabi nitong katabi ko kaya napataas ako ng kilay.

"Alam ko kaya ko nga inorder." Sabi ko at nagulat ako nung tumawa siya.

"Sungit buti na lang maganda ka." Bulong niya pero narinig ko naman. Nilingon ko siya pero dahil nakatitig siya sa akin at nakangiti pa wala akong choice kung hindi ang umiwas ng tingin.

Grabe!! Hinay hinay naman sa pagngiti grabe naman to, nakakabwiset ka na ha. Ang gwapo talaga.

"Bakit mo ako tinakasan nung nakaraan? Hindi ka man lang nagthank you sa akin." Napatingin ako ulit sa kanya.

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon