CHAPTER 7

1.3K 50 2
                                    

~~~

Kumaway ako kila Nanay at Tatay na parehas nasa labas ng bahay at tinatanaw ang papalayong sasakyan ni Kiefer.

Sinundo niya ako ngayon dito sa Batangas para makabalik na ako sa Maynila. Ayaw ko na nga sana pero ayaw niya naman akong payagan na mag-isa ko lang ang bibiyahe kaya naman no choice ako kung hindi ang pumayag na. Tapos pumayag din si Tatay kasi mas makakasigurado daw sila kapag may kasama ako sa biyahe.

Isang linggo na yung nakararaan nung magpaalam si Kiefer sa parents ko na manliligaw na siya. So far maayos naman ang lahat.

Gusto siya ni Tatay at Nanay kahit ng mga kapatid ko nagustuhan din siya. Kaya naman sobra akong natutuwa ngayon.

"Babe nagugutom ka ba?" Tanong ni Kiefer kaya naman tinignan ko siya.

"Nope. Ayos lang ako bakit?! Ikaw ba nagugutom?" Tanong ko pero umiling lang siya. "May mga baon akong pagkain dyan sa likod." Sabi niya kaya tinignan ko yon at nagulat ako sa nakita.

Ang dami niyang junkfood dito. Talaga tong lalaki na to.

"Really kief?!" Tanong ko.

"Sorry I don't have time to prepare na babe. Don't worry mamaya papakainin kita ng masarap na pagkain." Natawa ako at hinampas ko siya.

Nasa bayan na kami kaya naman mas marami ng pamilihan dito. And then I saw a familiar restaurant.

"Kief... I want to eat." I said. Tinignan niya ako at tumango siya. Tinuro ko sa kanya yung restaurant at doon siya nagpark. "Nakatikim ka na ba ng loming Batangas?!" Tanong ko sa kanya.

"Hmm.. hindi pa babe eh."

"Tara ipapatikim ko sayo ang isa sa may masarap na gawang lomi dito sa Batangas. Pumasok kami sa loob ng restaurant na yon at nagorder kaagad ako ng dalawang lomi.

Nang makahanap kami ng lamesa doon na kami naghintay. Imbes na sa tapat ko maupo si Kiefer sa tabi ko siya naupo. "Ang babe ko naman dinate kaagad ako. Namissed mo ba ako ha babe?" Inirapan ko siya at kinurot ko pa kaya naman tumawa si Kiefer.

One week din kasi kaming hindi nagkita at aaminin ko namissed ko talaga tong lalaki na to kahit na ang kulit kulit. Palagi naman kaming magkausap sa video call pero iba pa rin talaga kapag sa personal na.

"Ikaw namissed mo na ba?" Hindi ko na napigilan na itanong.

"Sobra. Kung hindi mo lang ako pinipigilan malamang araw araw ako dito sa inyo eh."

Umiling ako dahil doon. Ilang beses namin yan pinag-aawayan paano kasi gusto niya akong dalawin sa bahay araw araw. Baliw talaga. Para namang hindi ako babalik sa Maynila. Naisip ko tuloy baka hindi namin kaya ang long distance relationship ah.

"Anong plano mo bukas?" Tanong niya at sakto naman na dumating na ang order namin kaya hindi ko yon nasagot. Pinatikim ko kaagad kay Kiefer at  ngumiti naman siya. "It's good babe." Sabi niya.

"Favorite akong idate dito ni tatay dati pa. Kapag nagtatampo ako sa kanya binibilhan nya ako ng grapes tapos dadalhin niya ako dito." Pinunasan ni kiefer ang pawis ko.

"I'm happy na dinala mo ako dito sa dating place niyo ni tatay. Ang sarap sa pakiramdam na nandito tayo ngayon sa isa sa mga paborito mong lugar." Inakbayan ako ni Kiefer at hinalikan pa sa ulo. "Oh babe I can't wait to try new things with you. To explore new things with you."

Pinigilan kong mapangiti dahil sa sinabi niya na yon. Ako rin kiefer.

Pinipigilan kong matulog dahil parang ang unfair naman nun kay kiefer. Siya nagdadrive tapos ako dito matutulog lang.

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon