CHAPTER 29

1.2K 43 4
                                    

~~~

"Alyssa please naman maawa ka sa baby ko." Sabi niya kaya napatakip ako sa bibig ko. Gustong gusto kong humagulhol pero hindi pinigilan ko ang sarili ko. "Alyssa please hindi mo naman siya mabibigyan ng anak diba? Pwes ibigay mo na siya sa amin. Ibigay mo na lang siya sa taong makakapagbigay sa kanya ng kasiyahan."

Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim pagkatapos binuksan
ko ulit ang gate at tinignan siya.

"Napakasama mo." Sabi ko at nakita kong umiyak na rin siya. "Alam mo bang nanira ka ng buhay ngayon. Hindi lang buhay ko pero pati buhay mo sinir mo na rin. Kahit na ibigay ko pa sayo ang asawa ko sa mata ng lahat isa ka pa ring kabet at sa tingin mo magiging proud sayo ang anak mo ha?"

"I don't care I just need him. We need him." Sabi niya. Napatingin ako sa tiyan niya na medyo maumbok na nga.  Pinunasan ko ang luha ko at napatakip sa bibig ko.

"Ano bang nagawa kong kasalanan sayo ha? Bakit mo sinisira ang buhay ko?!"

"Marami!!" Sigaw niya kaya tumigil ako. "Hindi ako ang nang-agaw dito ikaw!! Kaya tama lang na mapunta sa akin si Kiefer. Tama lang lahat ng nangyayari sa buhay mo ngayon dahil deserved mo yan."

"Anong sinabi mo?!"

"Oo deserved mo lahat ng nangyayari sayo!!! Deserved mong hindi maging masaya. Deserved mong maging malungkot habang buhay na nanaisin mo na lang na mawala sa mundo na to dahil wala ka ng halaga sa mga tao dito. Lahat ng nangyayari sayo dapat lang talaga!" Inangat ko ang kamay ko at handa na siyang sampalin pero pinigilan ko yon. Napangisi siya. "What?! Sasampalin mo ako ha? Then go at kapag may nagyari sa akin na masama at sa anak namin magagalit si Kiefer sayo. Dahil hindi mo na nga siya mabigyan ng anak balak mo pang saktan ang magiging anak niya. Kahit na ano pang gawin mo hindi mo na siya mabibigyan ng anak kaya hinding hindi magiging masaya sayo si Kiefer!!" Napaatras ako at binaba ko ang kamay ko.

"Umalis ka na."

"I'm not leaving. Kailangan kong makasigurado na aalis ka at iiwanan mo si Kiefer! Hindi na siya nababagay sayo Alyssa. Ako na, kami na ng magiging anak niya ang bago nyang pamilya dahil ikaw hindi mo kayang ibigay yon. Hindi mo kayang ibigay ang isang bagay na sobrang makapagpapasaya sa kanya."

"Shut up!!" Sigaw ko. "Just shut the hell up!! Umalis ka na bago kita ipadampot sa mga pulis. Hindi ako nagbibiro kahit na ano pang sabihin mo pwede pa rin kitang idemanda dahil nasa tiretoryo kita!! Umalis ka na at huwag ka ng babalik  pa dito!!" Siya naman ang umatras ngayon at nakikita ko pa ang pag-iyak niya.

"Let him go. Pakawalan mo na siya hindi na siya masyaa sayo. Huwag kang maging selfish. Hayaan mong magkaroon ng buong pamilya ang bata na nasa sinapupunan ko." Sabi niya pa pero puamsok na ako sa loob at sinara ang gate.

Nagtatakbo ako papasok sa bahay at pagdating ko sa loob napaupo na lang ako sa sahig at doon umiyak ng malakas. Kailangan kong mag-ayos bago ako maabutan dito ni Kiefer na ganito ang itsura.

Ang tunog ng phone ang nakapagpatayo sa akin. Si Nanay ang tumatawag. Sinagot ko yon kagad.

"Nay?"

"How are you anak?"

Napabuntong hininga ako at pilit na tumigil sa pag-iyak. "Nay... ayos lang po. Kayo po?"

"Maayos lang din anak."

"Bakit po kayo napatawag? May problema po ba dyan?"

"Ah wala. Wala anak pero bigla kasi akong kinabahan kaya tumawag ako sayo kaagad. Are you sure okay ka lang ba talaga dyan ha? You know I can always visit you there diba? Ano anak pupuntahan na ba kita?"

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon