~~~
Nagising ako na may ngiti sa labi. Ang ganda ng panaginip ko. Napanaginipan ko si Kiefer. Almost a week pa yung huli naming pagkikita ah. Namimiss ko na yung lalaki na yon.
Umusal ako ng panalangin bago ako nagdesisyon na tumayo na at para makapag-ayos na rin ako. Nag toothbrush ako kaagad at lumabas na rin para maayos ko ang kama ko pero napatigil ako sa paglalakad nung nabasa ko ang message sa akin ni Kiefer.
"Good morning baby, I miss you so much na. Uwi ka na please." Napangiti ako dahil doon.
Ang clingy talaga nitong lalaki na to.
Magtetext pa lang sana ako pero bigla ng tumunog ang phone ko. Sinagot ko yon kaagad.
"Hi baby..."
"Ang aga kief ah." Tumawa pa ako
"Miss kita eh."
"Pang-ilan?"
"Huh?"
"Pang-ilan ako sa sinabihan mo niyan ngayong araw ha?!"
"Aww grabe ka naman sa akin babe. Ganon ba talaga tingin mo sa akin ha? Nakakasakit ka na ng feelings ah."
Umirap ako at nilagay sa loudspeaker ang phone para maayos ko tong kama ko.
"Ang arte mo kief." Sabi ko at natawa na rin.
"Uwi ka na please miss na miss na kita talaga."
"Kief babalik din ako sa Manila mabilis lang tong araw na to. At diba sabi ko sayo spend time with your Family. Sigurado ka bang nandyan ka sa inyo ha at wala ka sa condo mo?!"
"Yes, Babe! Nasa bahay ako. Sabi ko naman kasi sayo dadalhin kita dito. Tinatanong ka na nga sa akin nila Mama eh kailan ka daw ba nila makikilala."
"Pagbalik ko na lang dyan, Kief."
"Yes, excited na ang kapatid kong makilala ka." Napangiti ako. "Nag-almusal ka na ba?"
"Hindi pa kasi may nangungulit sa akin eh. Nakakainis nga eh ang aga aga ang landi landi." Tumawa siya.
"Sige na nga kain ka na. Mamaya na lang ulit tatawag ako ulit Ly ah."
"Yeah. Sige na."
Hindi mawala ang ngiti ko kahit na kanina pa natapos ang tawag ni Kiefer. Kumakain na ako ngayon ng almusal ko. Dahil late na ako nagising ako na lang mag-isa dito sa dining ayos na rin yon kasi baka mapansin pa nila Nanay ang ngiti ko. Tapos baka wala lang akong maipaliwanag sa kanila na dahilan.
"Ly..."
"Po?" Tanong ko kaagad at nilingon si Nanay.
"Ayos ka lang ba? Mukhang napasarap ang tulog mo ah."
"Kaya nga po Nay mukhang namissed ko ang probinsya at katahimikan dito."
Ngumiti si Nanay. "Kamusta ba ang pag-aaral? Nahihirapan ka ba anak? Ang mga kaibigan mo ba?"
"Ayos lang naman Nay! Marami na rin po." Tumingin ako sa kanila at nag-aayos na si Nanay para sa lulutuin sa pananghalian. "May mga pinakilala din po si Ella sa akin na kaibigan niya kaya yon po ang madalas kong nakakasama Nay! Mababait po sila, nagyayaya nga po sila dito sa atin kasi nalaman nilang malapit tayo sa dagat."
Tinitignan ko ang reaksyon ni Nanay.
"Talaga? Nako! Dapat sinabi mo ng maaga para nakapaghanda tayo bakit hindi natuloy anak?! May araw pa naman diba yayain mo kaya sila dito."
"Sigurado po kayo Nay?!"
"Oo dalhin mo sila dito. Gusto ko rin naman silang makilala at makapagpasalamat na rin at natutulungan ka pala nila habang nandoon ka sa Manila." Nagulat ako doon ah. Syempre gusto ko to namimiss ko na rin sila eh.
BINABASA MO ANG
Once Mine, Always Mine
Fanfiction"True love stands by each other's side on goods days and stands closer on bad days."