CHAPTER 1

2.2K 53 2
                                    

~~~

"Nanay...."

Hinawakam ko ang kamay ni Nanay at pinisil pa yon.

"Bakit anak?" Tanong niya sa akin.

Nasa isang resort kami dito malapit sa bahay namin. Gusto lang ni Tatay na magbeach kami.

"Nakatingin sa akin yung batang lalaki doon sa kabilang table po." Sabi ko kaya tinignan yon ni Nanay at napangiti pa siya.

"Nako! Crush ka yata anak."

Sumimangot ako. "Hmp! Ayaw ko sa kanya Nanay." Tumawa si Nanay. "Yung nasa kabilang table na boy nakasimangot akala mo gwapo." Sabi ko kaya tinignan din yon ni Nanay.

"Aha eh gwapo naman talaga anak ah." Si Nanay na tinignan yon. Saktong pagtingin ko sa kanya ang pagtingin niya rin sa akin. Mas lalo siyang sumimangot dahil doon. Feeling naman nito.

Siguro kung tama ang hula ko parehas kami ng edad. Mga 12 years old din siya. At tama si Nanay gwapo nga talaga siya.

"Crush mo anak?"

"Ha?! Yuck eww Nanay. Kadiri hindi ko yan crush ha. Wala akong crush Nanay." Sabi ko at umiling iling pa.

No way!!!

"Oh kalma sige na hindi mo na siya crush sadyang napatingin ka lang sa kanya. At oo na rin hindi siya gwapo hindi talaga sobrang gwapo lang okay na ba anak?" Napangisi si Nanay kaya alam ko kaagad na hindi siya naniniwala sa akin.

"Nanay naman."

"Ayos lang naman magkacrush anak. Kasama yan pero bata ka pa baby ka pa rin ng Tatay at ng Nanay." Tumango ko at hinalikan si Nanay sa pisngi. 

Pinulot ko ang isang shell na nakita ko dito sa shore at binato ulit yon sa dagat napangiti pa ako dahil doon. Ang dami ko na yatang nakuhang shell at binabato ko ulit papunta sa dagat.

Nung may napansin ako sa buhangin na parang malaking bagay. Nilapitan ko yon at naupo ako. Bahala ng mabasa ang damit ko ng tubig maliligo rin naman ako mamaya.

"Wow! Starfish?" Tanong ko pa at kinuha yon. Tama nga ako isang star fish. Tumayo ako at ready ng tumakbo para dalhin kila Nanay at ipakita sa kanila nung may nagsalita sa ikod ko.

"Saan mo yan dadalhin?"

Teka ito yung batang masungit doon sa restaurant ah.

"Sa nanay ko." Sabi ko at inirapan pa siya. Ano siya lang ba pwede magsungit dito ako rin noh!!

"Hindi pwede!! Ibalik mo yan dyan sa dagat. Hindi ka ba naaawa sa star fish na yan ha?!"

Napatingin tuloy ako sa hawak kong star fish. Bigla akong nalungkot.

"Ipapakita ko lang naman sa nanay ko eh ibabalik ko rin dito."

"Kahit na!! Kapag matagal siyang wala sa tubig baka mamatay siya." Sabi niya kaya nagulat ako.

"Mamatay siya? For real?!" Tanong  ko.

"Oo kaya ibalik mo na siya ngayon din." Sabi niya.

"Pero first time ko kasing makakita ng ganito. Palaging sa mga pictures lang at sa mga libro lang ako nakakakita ng gamito eh." Sabi ko.

"Ahm pero kahit na mamamatay nga yan." Tinignan ko siya at mukha naman siyang seryoso. Lumapit na ako sa dagat at tinignan pa ulit yon.

"Babye star fish go home ka na sa mommy and daddy mo okay? Huwag ka ng babalik dito sa shore kasi baka may makakita sayong iba at hindi ka nila ibalik sa home mo." Sabi ko at naramdaman ko siya sa likod ko. Binitawan ko na siya at hinayaan na sa tubig. Tinignan ko pa yon hanggang sa makaalis na ng tuluyan.

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon