CHAPTER 9

1.3K 47 5
                                    

~~~

Halos hatakin ko na ang oras para lang matapos na tong huli kong klase. Pero para naman nang-aasar pa ang professor ko dahil kahit na tapos na kami mag-exam talagang hindi pa rin siya nagpauwi.

Sinilip ko ang phone ko at nakitang may message na si Kiefer doon. Naghihintay na siya sa akin dahil magdidinner kami after ko dito. Nagsend pa siya ng mga picture niya. Mukhang bored na bored na talaga to. Sabagay may 30 minutes na siyang naghihintay sa akin doon. Tinignan ko ulit ang prof ko at nagpapasalamat na nagdecide na siyang umuwi.

Finally!!! Tumayo ako kaagad at kinuha ang bag ko. Dumaan na muna ako sa CR dito para makapag-ayos man lang sandali at makapagpalit ng damit dahil naka school uniform pa ako. Simula nung nanligaw sa akin si Kiefer mas naging maalaga ako sa sarili ko. Magtatatlong buwan na siyang nanliligaw sa akin at hindi ko naman talaga itatanggi na sobra akong kinikilig sa mga ginagawa niya sa akin. Matulin na lumipas ang mga araw pero sa bawat paglipas na yon mas lalong pinaparamdam sa akin ni kiefer na special ako sa kanya.

Naglakad na ako palabas at habang naglalakad naririnig ko ang mga estudyante na nagkakasiyahan pa. Yung iba pa kumakanta ng Christmas song. Well that's given kasi 8 days na lang at pasko na nga.

Nakita ko si Kiefer na may kausap na nagtitinda ng street foods. Tumatawa pa siya pati na rin yung tindero. Lumapit ako sa kanya at hinalikan naman niya ako sa noo.

"Sorry ang tagal kaming pinalabas eh.."

"Okay lang babe. Magenjoy naman ako kausap dito si Tatay Joel." Ngumiti ako kay Tatay Joel.

"Aba ang ganda naman pala ng girlfriend mo hijo. Kaya talaga dapat bantayan mo yan baka maraming magkagusto sa kanya dito."

"Nako! Ayon na nga Tatay kaya kailangan ko talaga tong sunduin kasi baka mamaya mauntog at iwanan ako." Pagsakay niya sa biro kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran at tumawa lang si Kiefer.

"Wag po kayong maniwala diyan." Kinuha ako ng isang baso at namili na doon. "Tatay Joel siya po magbabayad nitong mga kakainin ko ah." sabi ko at tumusok ng fishball at nilipat sa basong hawak ko. Pati na rin ang kwek kwek. Nakakamiss naman to.

"Sige lang babe mamaya kiss mo ang bayad diyan ah." Tinitigan ko siya ng masama kaya tumawa siya ganon din si Tatay Joel. "Kita niyo na Tatay Joel ang sweet ng girlfriend ko diba sobrang sweet nga nito eh. Kaya hindi ko to ipagpapalit sa iba." Sabi niya at inakbayan pa ako at hinalikan sa ulo.

"Ang dami mong alam Kiefer." Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

Pinunasan ko pa ang gilid ng labi niya dahil may sauce pala yon.

"Messy eater cute mo para kang baby." Sabi ko at tumawa pa.

"Baby mo naman talaga ako babe eh." Sabi niya kaya napairap ako. Ang landi landi talaga nitong lalaki na to!!

Tinapos na rin namin kaagad yung pagkain dahil baka mas matraffic lang kami.

"Sayang Tay Joel at Christmas break na namin. Sa susunod na taon na tayo ulit magkikita. Lagi akong bibili sayo habang hinihintay ko girlfriend ko ha."

"Oo sige hijo at dito na rin pala ako pupwesto. Nako! Nagkaroon pa ako ng suki. Salamat ha."

"Oo naman po." Inabot ni kiefer ang isang libo kay Tatay Joel pero umuling ang matanda.

"Nako! Hijo wala akong panukli dyan anak masyadong malaki yang pera mo. Halos 50 pesos lang ang binili mo ah." Sabi niya.

"Ganon po ba?" Sabi ni Kiefer at nakita kong kumuha ulit siya ng dalawa pang one thousand sa wallet niya.  "Kunin niyo na po to Tatay Joel at pamasko ko na lang po sainyo." Nakatupi yon kaya hindi napansin nung matanda na sobra sobra ang binigay ni Kiefer.

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon