~~~
"Babe... wake up na " si kiefer at pinaghahalikan ako sa leeg.
"I'm so sleepy pa tapos ang lamig pa babe." Mas binalot ko ang sarili ko sa comforter.
"Babe paano tayo makakapunta sa maraming lugar dito kung matutulog ka lang." Sabi niya kaya inirapan ko siya.
"Kung pinatulog mo sana ako ng maaga edi hindi ako inaantok ngayon at tinatamad tumayo." Tumawa pa si Kiefer at hinigpitana ang yakap sa akin.
"Sorry na babe ikaw kasi eh.."
Humarap ako sa kanya at tinitigan ko siya ng masama. "Anong ako ha?! Ikaw tong nanggigising dyan ah."
"Sus! Eh kapag ginigising kita hinihila mo pa ako palapit sayo. Babe naman tao lang din ako kaya bibigay ako sa mga ganyan mo talaga."
"Gago! Alis na nga dyan at maliligo na ako." Sabi ko.
"Sabay ako babe!" Sabi niya pero tinitigan ko na ng masama si Kiefer. "Please babe..."
"Kapag pumayag ako dyan sa gusto mo malamang hindi lang ligo ang gagawin natin." Natawa si Kiefer at niyakap ako.
"Babe grabe ka sa akin ah. Bilis na kasi."
"Maghintay ka dito at maliligo na talaga ako. Umayos ka Kiefer nako! Talagang wala tayong magagawa kapag umarte arte ka pa dyan." Tumango lang siya kaya naman nagdiretso na ako sa bathroom. Mabilis lang akong naligo kasi kahit na may heater malamig pa rin talaga.
Pagtapos kong maligo lumabas ako kaagad at naabutan ko si Kiefer na nasa harap ng laptop niya.
"Why? May problema ba babe?" Tanong ko kay Kiefer.
"Wala nama babe may ichecheck lang ako na report tapos maliligo na ako. Kakasend lang kasi ng secretary ko eh." Tumango ako at nagsimulang magbihis pero mapatigil ako nung nakita kong nakatingin sa akin si Kiefer. Dinahan dahan ko tuloy sng pagsuot nung panty ko. "Mamaya ka sa akin pag-uwi natin babe. Iikutin natin tong buong hotel room natin"
Tumawa ako at binato ko siya nung towel. "Maligo na bilis para marami tayong mapuntahan."
Sinunod niya naman ako kaya bumalik na ako ulit sa pagbibihis. Binuksan ko yung maleta ko at nakita ko ang black na lingerie doon. Yung niregalo ni Ella sa akin. Ayaw ko nga sanang dalhin yan pero tong si Ella talagang nilagay sa maleta ko. "Siraulo ka talaga Jorella!" Sabi ko at kinuha na ang pantalon ko doon pati ang jacket ko.
"Naglalagay na ako ng scarf nung narinig ko na may kausap si Kiefer sa phone.
"Sige mamaya ko na yan masasagot ha. Aalis kami ng asawa ko pero isend mo na rin para mamaya pag-uwi namin pag-aaralan ko." Huminto muna siya. "Si Papa ba nandyan ba?"
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya sa likod. Hinawakan ni Kiefer ang kamay ko at pinisil yon.
"Sige ako na tatawag kay Papa."
"May problema ba babe? We can stay here naman." Sabi ko pero umiling si Kiefer.
"No na babe. Sinabi naman ni Papa na wala siyang ibibigay na work sa akin. Hiniling to ko to sa kanya at pwede naman mamaya na lang yon pag-uwi natin." Humarap siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Are you done? Let's go na babe." Tumango ako at kinuha ko na ang bag ko.
Pagkababa namin sa hotel. Sinuot kaagad sa akin ni Kiefer ang bonnet at ang gloves. Nakangiti ako habang ginagawa niya yon. Sobrang maalaga talaga tong lalaki na to kaya mahal na mahal ko to eh.
Sa Geyser kami naunang nagpunta ng araw na yon at kanina pa rin kami nag-aasaran ni Kiefer dahil tinutulak ko siya at magrereklamo siya sa akin na sobrang lamig nga daw. "Babe naman itulak kita dyan eh." Sabi niya kaya sumimangot ako.
BINABASA MO ANG
Once Mine, Always Mine
Fanfic"True love stands by each other's side on goods days and stands closer on bad days."