Chapter 6

17.4K 643 135
                                    

"You made all of these?"

Tinignan ko isa isa ang blueprint na nasa lamesang maliit. Something caught my attention, I guess it's a design for a big house pero ng akmang hahawakan kona naunahan nya ako.

"Don't touch it, and to answer your question hindi lahat to sakin. Ang iba sa kaibigan ko"- sabi nya at tinago iyon sa pangingin ko.

"Ano ba yung mga yon para hahawakan lang e"

"Wala"

Iniwan na nya ako para bumalik sa kusina. Hindi ko alam pero parang may nagsasabi sakin na there's something with that blueprint.

Sinundan kona lang sya sa kusina at sumandal sa kitchen counter.

"You didn't live here alone?"- I asked.

"I do. Minsan lang ako magkaron ng kasama kapag dumating o mag sleep over dito ang kaibigan ko"

"The friend you're with at the restaurant?"

Tinignan naman nya ako.

"Andami mong tanong"

Tumawa nalang ako dahil nakikita kona naman na konti nalang magkakasalubong na ng tuluyan ang kilay nya.

"What are you cooking?, papakainin mo din ba ako?"

"I'm not that bad , kahit hindi ka welcome papakainin kita"- she said seriously.

"Ouch , you're so mean"

"Tigilan mo ako"

"Inaano ba kita?, I'm just looking at you"

"You're distracting me!"- giit nya.

Pero ng marealized ang sinabi nya mabilis syang tumalikod sakin na ikinatawa ko.

"Edi inamin mo din na naiilang ka sa presensya ko. May I know why?"

Pero hindi na sya umimik at pinagpatuloy na ang ginagawa nya.

Muli ko syang iniwan sa kusina at bumalik sa sala.

What if kung pumasok ako sa kwarto nya,may makikita kaya ako?

Dito kasi sa sala wala akong makita na kahina hinala.

Nag vibrate naman ang phone ko kaya tinignan ko kung sino ang natawag.It's Leil.

"What?"

"Where are you?"

"I'm busy"

"Wala ka sa office mo. Don't tell me may kadate ka?"

"Date?, wala. I'm just---"

"Kumain na tayo"- sabi ni Ms.Archi na nasa tabi kona pala.

Umalis naman ito after nya ako sabihan.

"Sino yon?, you're with a girl?"- boses ni Leil na kulang nalang ay tumili.

"Wag kang madumi mag isip. Sige na . Babye!"

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at bumalik sa kusina.

Naupo ako sa harapan nya at kumuha ng pagkain.

"Wala naman lason to diba?"- I asked.

She arch her eyebrow at me at masungit na umismid.

"I'm just asking"

"If I'm going to kill you dapat kanina pa."

"Kill me with pleasure instead please"

Nagulat naman ako ng mabilaukan sya.

Wanting my Dad so called MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon