Nakatayo lamang ako sa likod nya habang ang mga mata nya ay nakatuon ang tingin sa paligid.
"I bet you didn't change something?"- rinig kong sabi nya.
Nakasabit padin kasi sa dingding ang mga pictures namin nina Dad.
"Why would I change something if I'm already used to what it's look like before?"
Mabini nanaman syang tumawa. She trace her fingers on the wooden table before sitting down on the chair infront of it.
"Question after question.. Wala yata talaga akong makukuhang sagot sayo"- sabi pa nya at pinag cross nanaman ang mga hita.
Her skirt hiked up a bit revealing her flawless thighs. Parang natuyuan naman ako ng lalamunan.
Umangat ang tingin ko sa mukha nya at kung pwede lang maglaho ginawa ko na dahil nakatitig pala sya sakin at may naglalarong ngiti sa mga labi.
"Mag uusap ba tayo?"- may himig ng pang aasar ang boses nya.
Tumango ako at huminga ng malalim.
"Can we sit on the couch instead?"- sabi ko at tinuro ang leather couch sa harapan ko.
Wala naman imik na tumayo sya at lumipat duon.
Naupo ako sa one seated at tinignan sya.
"Stop it"- saway ko sa kanya
"What?"- clueless nyang tanong.
Umismid ako sa kanya. Tumayo ako saglit at may kinuha. Isang malinis na manipis na kumot at ibinagsak sa hita nya.
Confused naman syang nakatingin sakin.
"Cover your thighs"
"Oh I'm sorry.."- she trailed off and cleared her throat.
Naupo na ako ng maayos at pinagsiklop ang mga kamay ko.
"Magkwento kana"
Binalot muna kami ng katahimikan. Nagbuntong hininga muna sya na para bang inaayos sa isip nya ang mga sasabihin nya.
Saglit syang tumingin sakin bago nagsalita.
"I've met your father when I was 18. Pinag aral ako ni Sir Apollo sa kursong gusto ko. He became my guardian after my parents passed away. Mas may tiwala kasi si Papa sa kanya kaysa sa kamag anakan namin. After graduating he offered me a job in the city. Me and Vanessa grab that opportunity. Since we are bestfriend we're sharing everything with each other. Unlike me she have her own complete family"
Nakatitig lamang ako sa kanya. Isa isang iniintindi ang sinasabi nya.
"And then one time he told me to make something.. he told me to design your dream house. Dinala nya ako sa Baguio para makita ang lugar. I asked him why me?, he said he trusted me..."
Naramdaman ko ang paglungkot sa boses nya.
"At first I didn't know anything even his issue with his health. Nalaman ko lang yon nuong sya mismo nag open sakin na may heart problem sya.. nagulat ako bakit nya sakin sinasabi e hindi naman nya ako kadugo.."
Malungkot syang tumingin sakin..
"I tried convincing him to tell you and your mom but he refused. He wanted to leave in a peaceful way. Ayaw nyang maawa kayo sa kanya. Ayaw nyang mag alala kayo. Aaminin ko nuong nawala sya nangulila din ako. Pakiramdam ko nawalan ulit ako ng ama.."
Her voice broke but she signaled me that she's fine.
"He told me to take care of you.. but it's hurt because you're the one who pushed me away that day.. I thought you'll be needing me the way I need you everyday but I'm wrong..."
BINABASA MO ANG
Wanting my Dad so called Mistress
RomanceIt's a gxg story so if you're homophobic feel free to ignore my story. Date started: May 17,2020 Date finished: July 2,2020