Chapter 20

98 1 0
                                    

Please read it again, may iniba ako sa dulo hehe. Thankies.

-

Pikit mata kong inaabot ang test paper 'kay Doc Martin, kinuha naman niya 'yon kaya't tumalikod na ako at dumeretso sa upuan ko.

Nasagutan ko naman lahat. Tama naman yung mga sagot ko. Alam ko may mga mali din ako, mga lima siguro? Napahilamos ako ng mukha at inayos na ang gamit ko. Pupunta na ako sa last subject ko.

Midterms namin ngayon at wala pa akong tulog kakaaral. Nakapa ko sa bag ko ang cellphone kong tunog ng tunog, kinuha ko yon at nakita kong si Easton ang tumatawag.

I answered it at gamit ang balikat ko inipit ko ang cellphone sa tenga habang nagaayos ng gamit.

"Yes, why?" Salita ko, naghikab pa ako.

[Done?]

"Yes, yes, last na 'tong itatake ko. Talk to you later!"

Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at binabaan ko na. Kung makikipagusap ako baka makalimutan ko na yung inaral ko. Palabas na ako ng makasalubong ko si Erin na palabas na din, umiinom siya sa tumbler niyang dala, buti pa siya may dalang kape!

"Gusto mo?" tanong niya, hinang hina ang boses para bang pagod na pagod siya.

"No, thank you." Ngumiti ako.

Sabay kaming naglakad pero magkahiwalay na kami pupuntahang kwarto. Nang makarating ako siyang dating ng professor, lahat kami ay tahimik habang naghihintay ng test paper. Ramdam na ramdam ko yung kaba ko! I can even hear my heart racing so fast.

"Good luck."

Lumingon ako sa katabi ko at nakita kong si Elison 'yon. Ngumiti siya sakin bago tinanggap ang test paper na inaabot ng nasa unahan niya.

Tumango nalang ako sa kaniya bago ko tinanggap yung papel sa unahan ko. Tiningnan ko kaagad 'yon habang ang isang kamay may hawak na test paper at inabot ko sa likod.

"Salamat." Dinig kong sabi ng kumuha.

Tumango ako at binalik ang kamay sa harap at kinuha yung ballpen kong dala. May dala rin akong lapis para safe kung hindi ako sure sa sagot ko.

"5 minutes left."

I bit my lower lip when my ballpen fell on the floor. Mabilis akong umalis sa pagkakaupo at kinuha 'yon sa lapag. Wala namang tumingin sakin dahil mga tutok sa pagsagot.

"Ha? What kind of bacteria?" naguguluhan kong tanong sa sarili ko. Last questioned nalang hindi ko pa naintindihan. Tiningnan ko ng mabuti 'yong drawing na nandoon.

Bakit kulang sa ink! Wala man lang color, puro black!

"Finish or not finish, pass your paper."

"Fungi." Elison whispered.

Napatingin ako sa kaniya at nagkibit balikat lang siya bago ngumiti at tumayo at naglakad papunta sa unahan. Kahit hindi ako sigurado na tama siya nilagay ko na at binallpen ko muna yung ibang nakalapis bago ko binigay sa professor namin.

"Ugh, finally." I smiled at myself. "Thanks God."

Shit. Tapos na.

Maraming salamat at nakahinga na ako ng maluwag. Naghikad ako ulit dahil nakakaramdam na talaga ako ng antok parang ilang minuto nalang bibigay na ako.

Nang makarating na ako sa upuan ko inayos ko na ang gamit ko at lumabas na pagkatapos. Naglalakad na ako sa hallway palabas ng campus ng may tumabi sakin.

Taste Series #1: Bitter Taste of EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon