Prologue

1.6K 8 0
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

Warning: Kung judgemental kang tao wag mo ng basahin. Marami akong maling grammar. Gusto ko lang mag english!

Taste Series #1:
Bitter Taste of Epiphany

***


From: Olyvia Quizon

sis otw na us u get ready na haha

Napapikit ako ng patago kong binasa text sakin ng kaibigan ko. Umayos ako ng upo ng makita kong napatingin sakin si Aaron, nakataas ang kilay ngayon sakin.

I rolled my eyes on him. He smirked and began to eat his food.

"Tumigil kana sa trabaho mo. Your company is waiting for you."

Binitawan ko yung hawak kong utensil at tumingin sa kaniya. Mapait akong natawa sa sinabi niya.

"Your company," pagtatama ko,  "Last time I checked I don't have company." Napatingin ako sa kapatid kong si Alexander, "Andiyan si Alexander bakit hindi mo sa kaniya ibigay." I said but not a question because in the first place kay Alexander naman talaga 'yon.

"Adley!" Aaron called.

Umirap lang ako sa kaniya. Napabuntong hininga naman si Dad at hinilot ang sintido. Pasimple ako ulit na tumingin sa phone ko.

From: Easton Rovales

Are you sure? Tuloy tayo ngayon? Pwede naman next friday. Alexander sent me a message earlier kasama mo sila ngayon.

I quickly type my reply.

To: Easton Rovales

Yeah. Wait niyo ko sa labas ng village.

From: Easton Rovales

Are you not tired? Balita ko ang dami mong pasyente kanina. Pwede namang next friday nalang. We understand if hindi matutuloy ngayon.

To: Easton Rovales

No.. no.. tuloy ngayon just text me kung nasa labas na kayo ng village.

Napatingin silang lahat sakin ng bigla akong tumayo.

"I'm done. Mauna na ako."

"At saan ka pupunta?" Dad asked in his strict voice.

"I'm gonna sleep, Dad. I'm tired!" medyo napataas ang boses ko kaya tinaasan ako ng kilay ni Aaron.

"I told you! Stop taking care other people kung hindi mo man lang naalagaan ang sarili mo!"

Natawa ako, "Walang masama kung pinili kong alagaan ang iba kaysa sa sarili ko! I know my limitation and for your information I'm still taking care myself Dad! Please if you just want me to take over your company better give it to Alexander."

Pagod ko silang tiningnan at tinalikuran. Narinig ko pang tinawag ako ni Aaron pero wala na akong lakas 'pang makipagtalo sa kanila.

Nang makapasok ako sa kwarto agad akong naghanap ng pamalit bago ako naglinis ng katawan. Sakto ng pagkatapos kong gumayak siyang text sakin ni Olyvia na nasa labas na sila ng village.

When I went down, silence welcome me. Buti nalang dahil walang makakaalam na aalis ako ngayong gabi. Kahit pagod ako ayokong 'di matupad ang pangako ko. Sinabi ko na 'to sa sarili ko na kahit anong mangyari basta tuwing friday ang oras ko nasa mga kaibigan ko. They are so important to me! I don't want to waste a chance to be with them. Dahil alam kong lilipas ang panahon na may mga magiging pamilya na sila.

Taste Series #1: Bitter Taste of EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon